MY HUSBANDS MISTRESS- CHAPTER 36

18.8K 284 39
                                    

Jarred's POV

                    Nilamukos ko ang papel na nakita so sa mail box ng bahay na binili ko dito sa tagaytay. It's the annulment papers. hindi ko inakalang ganito kabilis ihahain ito ni Jhane sa mukha ko. Ang sakit na nga ng kalooban ko dahil hindi ko na malaman ang gagawin sa magiina ko, kung paano ko sila babawiin sa pesteng Lawrence na 'yon, tapos ganito pa. Kinakain na 'ko ng frustration ko. naapektuhan ang trabaho ko dahil sa palagian kong pag absent dahil binabantayan kong maigi ang asawa KO, wala ng ibang bagay na mas mahalaga sakin ngayon kundi maiuwi sa BAHAY KO ANG ASAWA AT MGA ANAK KO. They are mine, saakin lang.

                    Hindi ako makapapayag na gawin nila saakin 'to. Hindi pwede kasi may anak kami e. Kasi mahal ko siya, hindi pwede kasi ayokong mapunta siya sa iba. Okay na nga saakin yung kaalamang may ibang lalaking gumamit sa kanya, kaya kong tanggapin yun, pero ang ipawalang bisa niya yung kasal namin? Hindi 'yon okay, hindi ko yon kaya. Lalo akong nataranta ngayon dahil sa mga papel na 'to. sa tuwing tatanggihan ni Jhane ang pakiusap kong bumalik na siya saakin, hindi ko na malaman kung paano nanaman ako makakasurvive sa pag iisip kung anong gagawin nila sa gabi ng lalaki na 'yon.

                   Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko sa gabi sa 'twing sumasagi sila sa isipan ko, hindi ko na masukat ang lebel ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing mas pipiliin ng mga anak kong sumama sa Lawrence na 'yon kaysa sa akin.

                   Anong klaseng kagaguhan ba kasi ang pumasok sa utak ko at pinabayaan kong humantong sa ganito ang lahat? Alam kong ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari ngayon, pero sobra sobra naman na siguro ang parusang natanggap ko. Please naman Lord, alam kong pagsubok lang ito sa aming mag asawa, ibigay nyo na sila pabalik sakin please! Ayoko na po kasi ng ganitong pakiramdam e, ayoko na po sa sakit. Natuto na po ako e, parang awa nyo na! Tama na ang sakit.



                    Tatakasan ako ng katinuan kapag hindi ko nakausap ang asawa ko ngayon. Ayokong mag aksaya ng oras dahil baka kapag nagsayang ako ng kahit na isang segundo baka tuluyan ng mawala ang asawa at mga anak ko, at natatakot ako dun, takot na takot na takot!

                    "Jhane! Ano yon huh? Ano yung papel na pinadala sakin ng korte? Wag naman ganon Jhane, pinapatay mo ko sa sakit."

                    "Jarred, matagal ko na dapat ginawa ito. Palayain na natin ang isa't isa, gawin nating tama ang lahat."

                    "NO! Ang tamang gawin ay ayusin natin ang problema at hindi ipawalang bisa ang kasal."

                     "Ayoko na talaga, pirmahan mo na lang ang mga papeles. Wag mo ng saktan ang sarili mo, j-just move on"

"It's not that easy! Hindi ko kaya, hindi ko nga kayang basahin ang lecheng papel na 'yon e, pirmahan pa kaya?"

"Kahit naman hindi ka pumirma tuloy pa din ang annulment. Hiling ko lang sana sayo aminin mo ang pag aabandona mo samin ng mga anak mo, para hindi na tayo kapwa nahihirapan, para hindi na tayo kapwa nasasaktan. Set me free, katulad ng pagpapalaya ko sayo noon."

She walk away, ng sandaling binitawan niya ang mga kamay ko, pakiramdam ko binitawan na din niya ang puso ko at hinayaan yong mabasag at magkapira piraso ng pinong pino.

Now I know, siguro ganito ang sakit na naramdaman niya ng binitawan ko ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa aking pantalon. Ngayon din mismo ay narealize ko kung gaano kalakas at katibay ang kalooban ng asawa ko, di ako makapaniwalang sinayang ko ang pagkakataong makasama habang buhay ang matapang na babae na ito. Puro pagsisisi ang nakakapa ko sa puso ko, walang ibang pakiramdam kundi panghihinayang at pagkapoot sa sarili. How can she be happy despite of the unbearable pain I have caused her. Hindi ko malaman kung bakit ko sinayang ang pagkakataon na makapiling siya habang buhay.Hindi ko na din mawari kung paano ko ba bubuuin ang sarili ko ngayong wala na talagang natitirang pag asa para sa amin ni Jhane.

                     Paano ko haharapin ang mga bukas? Wala ng dahilan para mabuhay. Kung mapapawalang bisa ang kasal namin, malamang may plano silang magpakasal ng bwisit na Lawrence na yon. Mas lalong hindi ko kayang makita siya na ikasal sa iba, tang ina ikamamatay ko yun.

             Ang sakit sakit ng puso ko. Ano pa ng bang kailangan kong gawin para mapatawad na niya ako? O, ayaw ko lang talagang aminin sa sarili kong hindi na ako ang mahal niya? Na hindi na ako ang hanap ng puso niya?
                Ahhhhh! Punyeta, hindi dapat ako mawalan ng pag asa, kailangan tatagan ko ang loob ko para sa pamilya ko, para sa mga anak ko. Gusto ko silang bigyan ng buong pamilya, gusto ko ako ajg kilalanin nilang ama. Walang karapatan ang Lawrence na yon na angkinin ang pag aari ko.

Jhane's POV
              Nandito na ako sa bahay namin ngunit lutang ang pakiramdam ko, ang hirap naman ng ganito, hindi mo alam kung anong uunahin mong maramdaman sa dami ng damdaming gustong lumabas sa dibdib mo.
               Ayoko ng lumapit si Jarred sakin, ayoko na siyang makitang masaktan, sa nalalapit na hearing na lang siguro kami magkikita.
               "Mommy? Masakit po ang katawan ko." Nagulat ako dahil biglang lumitaw si Andrei sa harapan ko. "What?" Kinapa ko ang leeg niya at nakumpirma kong napakataas ng lagnat niya. "Anong nararamdaman mo baby? Wait kukuhanan kita ng paracetamol." Pinahiga ko siya sa kama at saka kinumutan.

            39.8, yan ang temperature ng anak ko ng tingnan ko sa thermometer. Ang taas non! Sobrang init niya. "Anak, kailan pa yan? Bakit ngayon mo lang sinabi kay Mommy?"

            "Sinabi ko po kay papa, kaya lang hindi niya ko narinig kasi may kausap po siya sa cellphone, parang may kaaway at nagmamadali siyang umalis. Tapos tulala ka naman po pagpasok mo sa bahay, kaya I called Daddy. " Napanganga ko at biglan may nagdoorbell sa gate. Si Jarred siguro. "Sorry, mommy.".   "It's okay baby, tama lang yung ginawa mo." Niyakap ko siya at bahagyang umangat ang tshirt na suot niya, at doon nakita ko ang nagkukumpulang maliliit na butlig, nataranta ako at tinungo ko agad ang gate upang pag buksan si Jarred.

               Nang sinabi ko sa kanya ang nakita ko ay hindi na siya nag dalawang isip na pumasok sa bahay. "Baby, pupunta na tayo sa hospital okay? Kaya mo bang tumayo?
               " Hindi po Daddy, my leg hurts."
               "Okay ,Daddy will carry you." Binuhat na niya ang anak namin at umalis na din kami kaagad, binitbit ko si Samantha dahil walang magbabantay at umalis na kami agad-agad. Sana walang mangyaring masama sa anak ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

----------------------

Sorry sa sobrang tagal na update.
Thanks for waiting.

@samsungchinina

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon