MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 45

10.2K 164 30
                                    



            Ginising ako ng mainit-init na sikat ng araw, bumangon na ako sa kama at iniligpit ito, bagong umaga na kasama ko ang pamilya ko kaya sobra akong excited na gumising everyday,excited din akong kumain dahil makakasabay ko na ang pamilya ko. Lahat ng bagay na gagawin ko sa buong araw ay masayang masaya ako dahil kasama ko sila, wala na akong mahihiling pa except for one thing, ang mapatawad ako ni Jhane, hindi naman sa minamadali ko siya pero kasi natatakot ako nab aka biglang bumalik si Lawrence at agawin saakin ulit ang pamilya ko. Every minute of the day ay natatakot ako, kasi baka mamaya bigla na lang mawala ang lahat ng 'to, baka bigla na lang magising ako isang araw ay mag isa nanaman ako. Ayokong mangyari 'yon kaya puspusan ang pagbawi ko sa mga oras na nawala.

Maganda ang panahon kaya naisip kong ipasyal sa parke ang mga bata at pati na din si Jhane para makalabas naman sila ng bahay, puro pagmumukha ko na lang kasi ang nakikita nila.

"Ang ganda ng panahon ngayon, labas naman tayo. Punta tayo sa park or sa mall?" Inaya ko si Jhane habang nagliligpit ng mga pinagkainan. "Kayo na lang ng mga bata, madami pa kasing lilinisin dito sa bahay mo." Agaran naman niyang pagtanggi.

Ito ang problema ko sa araw-araw, pinipilit ko siyang isama sa lahat ng activities namin ng mga bata pero lagi siyang ilag, laging umiiwas, ni ayaw niya ngang nagkakasarilinan kaming dalawa. Kapag natutulog ang mga bata sa tanghali ay nagkukulong siya sa kwarto niya, ayaw niya kong makausap ng kaming dalawa lang sa palagay ko, pilit ko pa din siyang iniintindi kahit ang sakit ng ginagawa niyang pag iwas. Maybe she needs an alone time to think, hindi din naman kasi talaga biro ang pinagdadaanan niya ngayon. Napahiya siya sa lahat ng tao, at ang pinakamasakit ay iniwan siya ng kanyang groom, ano nga ba namang aasahan ko sa kanya? Na magsasaya siya at makakarecover agad sa mga pangyayari? May part sakin na umuunawa pero may part din na nasasaktan, the feeling is still weird, everytime na maaalala kong dapat ay ikakasal na siya sa iba.

Masaya ako na hindi natuloy ang kasal nila, pero nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan si Jhane, nababaliw na 'ko sa sobrang gulo. Halo-halo na ang emotion sa utak ko, masaya ako na hindi. Pero isa lang ang sigurado ko, may advantage ko sa pangyayari na 'to.

Jhane's POV

Hindi naman ako manhid, ramdam ko naman ang mga ginagawa ni Jarred, pero ayoko naman kasing bigyan siya ng pag asa dahil hindi ko alam kung may lakas pa ako ng loob na magmahal ulit. Ang sakit-sakit na kasi, ang sakit-sakit na palagi akong niloloko at iniiwan, ang sakit-sakit na kahit ibinigay ko ang lahat ay hindi pa din ako sapat. Paano ako magtitiwala ulit? Paano ako magtitiwala kay Jarred na minsan na kong binigo at sinaktan? Paano ko pa siya pagkakatiwalaan, kung nagawa niya noon, hindi na imposible na magawa niya ulit sa ikalawang pagkakataon. Ayoko ng ipagkatiwala ang puso ko sa kanya, masyado na akong tanga kung hahayaan kong masaktan niya ako sa ikalawang pagkakataon.

Hirap akong pakisamahan siya kaya madalas ay nakakulong lang ako dito sa kwarto, ayoko makausap siya kahit saglit lang dahil baka maniwala nanaman ako sa mga sasabihin niya at bumigay ako. Hindi ko na siya hahayaang saktan ako, sa mga napagdaanan ko ay siguro naman may karapatan na akong sabihin na natuto na ako, sisikapin ko ng maging mas matalino sa pagpapasya at sa pagibig, hindi na pwedeng puso ang pairalin ko dahil nawawala ako sa huwisyo sa twing ako ay umiibig kung kaya parati akong nabibigo. Hindi ko na iniisip ang ibang bagay sa t'wing inlove ako,masyado akong nabubulagan, at tanggap ko nang yun ang sakit ko,magpauto at magsa-walang bahala, kapag nagmamahal ako ay nakakalimutan ko ang sarili ko.

"Sigurado ka bang hindi mo kami sasamahan?" tanong ulit ni Jarred saakin. "Hindi na, magenjoy na lang kayo at pakiusap, pakiingatan ang mga anak ko." Wala na siyang nagawa ng hindi tumalab sakin ang pamimilit niya at tuluyan na silang umalis. Habang ako naman ay maglilinis ng buong bahay para may pagkaabalahan ako,nahihiya rin kasi ako kay Jarred, pinatitira niya na nga kami dito ng libre ay wala pa akong itutulong kahit sa simpleng pag sasaayos lang ng bahay niya.

Sa totoo lang, hiyang-hiya talaga ako sa kanya. Hindi ko pa din kasi alam kung paano at saan ako maghahanap ng bagong trabaho, ni singkong duling kasi ay wala kami. Naiwan ko kasi sa bahay ni Lawrence ang lahat ng gamit ko at gamit ng mga bata, hindi ko pa nakukuha at hindi ko alam kung kukuhanin ko pa. nagkakasya na nga lang ako sa mga lumang damit na naririto na damit pa ata ng mommy ni Jarred. Binilhan din ako ni Jarred ng ilang pares ng undergarments na nilalabhan ko agad pagka gamit dahil iilang pares nga lang, pati ang damit ng mga bata ay iilang pares lang din. Sa ngayon ay wala pa ding trabaho si Jarred kaya todo tipid kami para magkasya ang pera na natira sa bank account ni Jarred.

Hindi ko nga din alam kung paano na kami, hindi naman pwedeng magtrabaho ako at iwan ko sa kanya ang mga bata, paano kung makakuha na din siya ng trabaho? Sa totoo niyan ay wala pa kaming paguusap ni Jarred dahil nga sa todo iwas ako mapalapit sa kanya kung kaya wala akong ideya kung papaano ang magiging set up namin. Pinagiisipan ko pa kung ako na lang ba ang unang lalapit at magoopen up ng topic, parang nahihiya kasi ako.

Hindi ko naman plano tumira sa poder niya habang buhay, kaya lang walang wala din ako kaya wala din akong pagpipilian kundi makisiksik sa bahay na'to, kung may choice nga lang eh, sino ba namang matinong babae ang makikisiksik sa bahay ng dati niyang asawa?

Habang naglilinis ako ng buong kabahayan ay iniisip ko ang mga sasabihin ko kay Jarred mamaya pag-uwi niya, at the same time nagiipon din ako ng lakas ng loob para masabi ko ang mga nasa isip ko mamaya, sana din ay maging positibo ang resulta ng paguusap namin.......

#WattPride

#wattys2018

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon