MY HUSBAND'S MISTRESS -CHAPTER 42

18.3K 266 82
                                    

Patuloy sa paghiyaw ang mga bisita, ang karamihan ay nakatayo na sa kanilang mga upuan. Huminto na sa pagtibok ang aking puso sa mga pangyayari.

Tila ako naestatwa ng ilang minuto dito sa aking kinatatayuan, gusto kong magwala sa nasasaksihan ko ngunit wala naman ako sa posisyon para gawin pa 'yon hindi ko lubos maisip na nangyayari na talaga ito ngayon, akala ko magiging masaya ako pero hindi pala, mas lalo lamang akong nasaktan.

Tumirik ang araw at napagmasdan ko ang pagharurot ng wedding car sa aking mismong harapan, natahimik ang buong paligid.

Nagpapakiramdaman ang lahat kung anong susunod na hakbang ang dapat gawin. Ang iba sa mga bisita ay agad nagsiuwian, mangilan ngilan ang natira para namnamin ang emosyon na naiwan ng ikakasal.

Ang lahat ay nasa isang tabi at pinagmamasdan ang asawa ko na nakalupagi sa sahig, hilam ng luha ang dalawang mata at tila litong lito sa nangyayari. Confusion, anger, hurt and many unexplained feelings written on her swollen eyes.
Bigla akong natauhan at walang segundong inakay ang magiina ko pasakay sa loob ng aking kotse, walang tutol namang nagpaakay si Jhane at sa tantiya ko ay wala sya sa kanyang sarili. Matinding awa ang naramdaman ko para sa kanya.
Oo hiniling ko na sana ay hindi sumagot si Lawrence, pero mas mamattamisin ko namang makita syang masaya kaysa nagdurusa ng ganito. Tahimik lamang sya sa buong byahe namin, tulog naman ang mga bata sa backseat.

Hapon na ng tuluyan kaming makarating sa bahay bakasyunan ng mommy ko. Inilipat ko muna ang mga bata sa bakanteng kwarto bago ko inakay si Jhane sa loob ng bahay. Para syang lantang gulay na sumusunod lamang sa paglakad ko. Awang awa ako sa kanya, napaka tamlay ng itsura nya na para bang nalugi. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na kausapin sya, at hindi kodin alam ang mga salitang sasabihin ko para gumanda ang pakiramdam nya.

Unti-unti ko ng nakikita ang adbentahe ko sa sitwasyon, pagkakataon ko na ito para mabawi ang mag iina ko.
Mapapasaakin sila muli. At sisiguraduhin ko na babalikan ako ng asawa ko......

Jullie's POV
Tuloy tuloy si tony sa pagbayo saakin mula sa likuran. Nakahiga akong padapa at kahit halos lupaypay na ako ay hindi nya ako tinitigilan. Kung hindi nga lang sya nakararamdam ng pagod ay talagang hindi nya ko tatantanan.

Ganito ang senaryo sa kwarto naming mag asawa gabi-gabi, madalas kaming inuumaga, hindi na ako umiiyak, tila ba wala na din akong nararamdaman kaya hindi na din ako dumadaing. Pinababayaan ko na lang kung anong gusto nyang gawin at ipagawa sakin, napapansin ko kasi na habang nagmamakaawa ako, mas lalong tumitindi ang pananakit nya sakin. Pinagagamot nya ako sa psychiatrist ngunit pinagagrabe naman nya ang sitwasyon ko. Traumatized na ako tuwing bubukas ang pintuan ng kwarto namin, kapag kasi lumangitngit na ang pintuan maguumpisa nanaman tiyak ang kalbaryo ko.

Kinukulong ako ni tony sa loob ng kwarto, hindi na ako nakagapos pero hindi naman ako masinagan man lang ng araw dahil ni makita ng kahit na sino ay mahigpit na ipinagbabawal ni tony. Kahit ang makita ako ng sarili kong anak bawal din.

Inikot ako ni tony paharap sa kanya, tapos na siguro sya. Ganyan sya palagi, tititigan nya ko sa mukha at hahalikan hanggang makatulog sya. Okay na din ang ganito, hindi ako nasasaktan masyado, kapag nanlaban ako masasaktan ako ng husto.

Hindi ako kinakausap ni tony, dadalhan lamang nya ako ng pagkain sa kwarto at sabay kaming mag hahapunan, pagkatapos na pagkatapos ng hapunan namin sabay kaming maliligo at sagad sagaran niya akong gagamitin hanggang sa mapagod sya.

Tinanggap ko na lang na ganito na talaga ang kapalaran ko. Kahit magang maga ang pagkababae ko, linilit kong tumayo para linisan ang sarili ko. Pinananatili ko ang kalinisan ko sa katawan kahit papaano, laking pasasalamat kong hindi na ako nakagapos dahilkahit sa apat na sulok lang akong kwarto na ito araw araw, nararamdaman ko pa din ang kalayaan.

Mag uumaga na pala, kaya dumiretso na lang ako sa pagligo. Nagulat pa ako ng bumunggo ang likuran ko sa dibdib ni tony, sinasabayan na pala nya ako sa paliligo.

Parang sampung minuto pa lang ang nagdaan mula ng makatulog sya. Sabagay maguumaga na, kailangan niya ng pumasok sa trabaho.

Tuloy tuloy lang sya sa pagligo at ganon na din ang ginawa ko. Nauna siyang matapos sa akin pero nanatili sya sa banyo para ishave ang kanyang balbas at bigote. Ng matapos ako sa paliligo ihinanda ko na agad ang bihisang damit ni tony, ganuto lang naman ang gusto niya, asikasuhin ko sya bilang asawa.

Mabilisan lang ang ginawa kong pag aasikaso para hindi sya maasar saakin. Gusto kong bumwelo para masabi ko ang gusto kong sabihin. Ng bihis na sya naghanda na siyang lumabas sa pinto.

"Tony!" agaw ko sa atensyon nya. Lumingon naman sya na blangko ang ekspresyon. "Sandali lang, may gusto akong sabihin."

"Ano yon? Kanina pa tayo magkasama ngayon mo pa naisipan sabihin yan?"

"Tony, sa tingin ko buntis ako. Ulit.." sinabi ko na agad bago pa sya tuluyang mainis. Natahimik naman sya sandali.

Tinaasan nya muna ako ng kilay bago nya ako sagutin. "Mag pregnancy test ka muna bago tayo magpatingin sa OB." at tuluyan na syang umalis. Hindi ko alam kung natutuwa ba sya o ano. Basta ewan...

Kung sakali mang buntis nga ako napakalaking biyaya nito, pakaiingatan kong maigi hanggang sa mailabas ng maayos ang bata. Gusto ko na din ayusin ang pamilya ko, kaya ko ng pagtyagaan si tony basta hindi nya lang ako sasaktan. Aayusin ko din ang relasyon ko sa anak kong panganay.

Nakakalungkot man isipin na kailangan umabot sa ganito bago ko makita na mas importante ang pamilya kaysa sa sarili kong kapakanan. Umiiyak ako sa tuwing sumasagi sa isip ko lahat ng makasariling bagay na ginawa ko noon, gusto kong patayin ang sarili ko. Ipinagpalit ko ang pagkakataon na makasama ang anak ko at maalagaan dahil lang sa gusto kong maging malaya sa asawa ko.

Pilit ko na nga lang din kinakalimutan para lang gumaan ang kalooban ko. Hindi pa naman huli ang lahat, babawiin ko lahat ng panahon na nasayang hanggang sa maging maayos na ang pamilya ko...

Tnx for waiting
Samsungchinina143

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon