Jarred's POV
Nangangatog ang buong katawan ko sa takot. Takot sa mga bagay na pwede kong malaman. Nanatili akong nakaupo patalikod sa lalaking bagong dating. Maluha luha kong tinignan ang aking asawa na tila biglang naasiwa sa katahimikang nakabalot sa paligid namin.
Hinila ako ni Jhane patayo at lumabas kami sa bahay NILA. Nahagip ng mga mata ko ang bulto ng isang matangkad at maputing lalaki. Tumutulo ang luha ko dahil sa sobrang sakit, pinipiga ng husto ang bawat himaymay ng aking ugat at tila ba wala ng madaanan ang hangin papasok sa aking puso.
"J-jarred." Dama kong nais niyang magpaliwanag ngunit inunahan ko na siya. "Sino siya? Bakit papa ang tawag sa kanya ni Andrei?" Naiintindihan ko na ang mga pangyayari pero mas gusto kong marinig ang katotohanan mula sa kanyang bibig.
"Jhane? What's happening here?"
"Lawrence! Ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya. Please pumasok ka na sa loob."
Nakakapanindig balahibo ang nasasaksihan ko. Milyon-milyong karayom ang kasalukuyang tumutusok sa puso ko ngayon. Hindi ko matanggap!
"Jarred. S-siya si Lawrence. Kalive-in partner ko. I'm sorry." Umiiyak siya at halos hindi makatingin saakin. Parang dinukot ang puso ko. Naglupasay na ako nang iyak sa damuhan dahil sa hindi ko alam kung anong klaseng pag iyak ang gagawin ko para maibsan ng kahit na kaunti ang sakit. "Jarred, tumayo ka jan. please ayoko ng eskandalo." Hindi ako nag paawat sa pagiyak, lumuhod ako sa kanyang harapan. Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng mga makakasaksi sa pagpapaka baba ko. "Love, please! Give me another chance. Let's give it another try. Promise, hindi na ko uulit sa pambababae. Kahit araw-araw mo kong sampalin, tadyakan at kung ano ano pang bagay na makakapanakit sakin tatanggapin ko. Please uwi na tayo ng mga bata!" Pinaghahalikan ko ang mga palad niya. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya mapapaamo at hindi ko din alam kung paano ko siya mayayayang umuwi. Kahit halikan ko ang kanyang talampakan, sumama lang siya sa akin.
Panay ang hagulgol niya at binawi na niya ang mga kamay niya saakin. "Patawarin mo ko. Pero hindi na kami sasama pauwi. Patawarin mo din ako kung nakipagrelasyon ako sa iba kahit na kasal pa ako sayo. Napatawad na kita, patawarin mo na din ang sarili mo."
"Okay lang! okay lang kung nakipagrelasyon ka sa iba. You are forgiven. O-okay lang yun Love. Uwi na tayo please? Sige na halika na." Hinila ko siya sa braso papasok sa bahay NILA para iempake ang mga gamit ng MAGIINA KO. Para na akong lantang gulay sa labis labis kong panghihina
"JARRED!" Nakakabingi ang sigaw ni Jhane kung kaya napahinto ako sa paglalakad, marahas niyang binawi ang kanyang mga braso. "TAMA NA! SI LAWRENCE! SI LAWRENCE ANG MAHAL KO. HINDI NA KAMI UUWI NG MGA BATA." Malakas ang sigaw niya pero mas nabingi ako ng sabihin niyang may mahal na siyang iba. Ang sakit sakit sakit.
"H-h-hindi totoo yan! Bawiin mo yung sinabi mo. Sabihin mong hindi 'yon totoo. Please! Wag mong gawin sakin 'to. Halika na, uwi na tayo." Hindi ako susuko hanggang hindi ko sila naiuuwi. Nanginginig ang boses ko dahil nangangatal ang buong katawan ko.
"tama na. tama na Jarred! Hindi na ko sasama sayo. Tama na, patawarin mo na ang sarili mo. Mahahanap mo din ang taong para sayo."
Wala na. tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko at napalupagi ako sa damuhan. Hindi ko na siya kayang pakinggan pa. tahimik akong umiiyak dahil hindi ko na mapunto kung saang parte nga ban g katawan ko nagmumula ang labis-labis na sakit. Tinapik ako ni Jhane sa balikat at lumuhod upang magpantay kami. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Noon, nung iniwan mo 'ko. Akala ko katapusan na ng mundo. Wala akong ibang Makita kundi puro kadiliman. Palagi kong tinatanong kung bakit lagi akong iniiwan." Alam kong pinagagaan niya lang ang kalooban ko. "Pero may dumating sa buhay ko. Tao na hindi ko kailan man hiniling na dumating. At dun ko napatunayan na ang lahat ng bagay may dahilan. Siguro kaya tayo pinaghiwalay ng tadhana para makit-"
"Shh..... wag mo ng ituloy. Hindi ko na kakayanin marinig. Hindi yan totoo, ikaw lang ang para sakin. Wala ng iba."
"Pero pagmamay-ari na ko ng iba Jarred. Katulad ko ay mahahanap mo din ang taong para sayo. Wag mo ng aksayahin ang oras mo dahil hindi na ako kailan man babalik sa piling mo. Mahal na mahal ko siya Jarred, mahal na mahal........"
Ito na ang katapusan ng buhay ko. Kinapos ako sa paghinga sa mga nalaman ko. Huli na ang lahat, nahuli ako ng dating . Ganito pala ang pakiramdam ng naiwan. Hindi ko masasabing niloko ako dahil ako ang nangiwan. Ito ang hiniling ko noon para sa kanya. Ang makahanap siya ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Pero bakit ang sakit? Ang sakit sakit na tumatagos sa kaloob looban ng puso ko.
Ng marahil ay hindi na niya maatim ang tuloy tuloy kong pagiyak ay iniwan na niya ako. Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay nila at muli ay naiwan na akong mag- isa. I am completely alone now. Wala na akong pamilya.
Hindi ko lubos akalaing ganito ang malalaman ko sa muling pagkikita namin ni Jhane. Inexpect ko lang nag alit siya saakin at hindi niya ako kakausapin. But worst thing happened. Sana nga galit na lang siya saakin e, sana binugbog na lang niya ako o kaya binulyawan. Kaya ko pa sanang tiisin ang sakit. Ano ba naman ang pisikal na sakit kumpara sa sakit ng damdamin........
Jhane's POV
Hindi ko na kaya ang Makita si Jarred sa ganoong ayos. Sanay ako na palagi siya ang may control sa lahat ng bagay sa paligid niya. Wala na kaming ipinagkaibang dalawa, pareho kaming nangaliwa.Nahihiya ako sa kanya at hindi ako makatingin sa kanyang mga mata kanina.
Naabutan ko si Lawrence na nakaupo sa sofa. Nanlulumo akong tumingin sa kanya at naintindihan naman niya ang nais kong iparating. Tumungo na ako sa kwarto at iniiyak ang lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ako umiiyak dahil apektado ako sa pagbabalik ni Jarred. Naiiyak ako dahil nahihiya ako sa sarili ko. Nagbukas sara ang pintuan at lumundo ang kamang kinahihigaan ko. May malalaking braso na sumakop sa bewang ko na nakapagpagaan ng husto sa pakiramdam ko.
"How are you feeling?" –LAWRENCE.
"Huh?"
"Anong naramdaman mo ng makita mo ulit siya? Masaya ka ba? Iiwan mo na ko?" Agad akong nairita sa tono ng pananalita niya. "Ganyan ang tingin mo sakin? Seriously Lawrence? Ganyan kababa at tingin mo sakin?"
"Bakit nagkakaganyan ka? Diba dapat wala lang sayo? Dapat hindi ka na naaapektuhan sa presensya niya!" Tumaas na ang boses niya kaagad. Hindi ko alam kung saan niya pinulot ang mga tanong niya sakin.
"Nagkakaganito ako dahil naging parte siya ng buhay ko. Alam ko ang nararamdaman niya at naaawa ako sa kanya! Nahihiya ako sa kanya kasi pakiramdam ko nagtaksil din ako!" Diko napigilan at tumaas din ang boses ko. Ito ang unang beses na nagtalo kami ng nagsisigawan. Kadalasan kasi ay nananahimik na lang si Lawrence kapag naramdaman niyang nagagalit na 'ko.
Tumingala siya sa kisame. Marahil kinakalma niya ang kanyang sarili. "Sorry kung nasigawan kita." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Wala kang kasalanan sa nangyari sa inyo. Wag na wag mong iisipin yan."
"Kasal ako sa kanya Lawrence. Ngayong nandito na siya, may karapatan siya saamin. Sa mata ng tao at ng batas mag asawa pa din kami."
"Kaya nga. Ngayong nandito na siya pwede ng I annul ang kasal ninyo. Magiging Malaya ka na. pwede na tayong magpakasal."-LAWRENCE
"Hindi yun ganon kadali. Mahirap ang proseso ng annulment."
"Kahit gaano katagal hindi tayo susuko. This is our chance to make things right. Kumapit ka lang sakin at wag kang bibitaw. Ipaglalaban ko kayo kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon."
Tuluyan ng naglaho ang mga agam-agam ko. Ito ang isang bagay na hinahanap-hanap ko. ASSURANCE. Ito ang bagay na hindi kayang ibigay ni Jarred. At Hindi ako bibitaw kay Lawrence kahit na ano pa man ang mangyari.
Wooohhhhh. Di masyadong madrama katulad ng ineexpect nyo. Pero sana magustuhan niyo pa din.
@samsungchinina143
4PY6:[
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...