MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 14

22.2K 337 23
                                    

Jhane's POV

Alas dos y media na ng madaling araw pero hindi pa din umuuwi ang asawa ko, hindi ko magawang umidlip dahil sa labis labis na pag aalala. Masakit man sa akin ang kaalamang nambabae siya, tatanggapin ko pa din siya dahil mahal na mahal ko siya. Hindi masasapawan ng pagkakamali niya ang pagmamahal ko para sa kanya.

     Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong wala na akong magiging kahati sa asawa ko, akin na ulit siya, sa akin nalang.

     Gusto kong magtatatalon sa tuwa pero hindi pwede dahil baka mapaano ang baby ko.

  Napasigaw ako sa gulat ng pabalibag na binagsak ang pintuan sa sala. Pumasok ang asawa ko na halos hindi na makahakbang sa sobrang kalasingan. Inalalayan ko siya patayo at inakay na paakyat ng kwarto. Ang bigat bigat niya kaya halos hindi na ako makahakbang. Halos hindi ko na siya kayang hilain sa sobrang kabigatan niya.

    Tumunghay siya sakin at sinalubong ko ang mapupungay niyang mga mata. "I-ikaw! Ikaw ang sumira sa buhay ko! Ikaw ang dahilan kaya umalis si Jullie! A-akala mo ba mamahalin kita pag nagtagumpay kang paalisin siya?!! Ha!!! Nagkakamali ka! Walang wala ka sa kanya, WALANG WALA!" Nanunuya niya kong nginitian at saka siya tumayo ng diretso at kinaladkad ako sa aming kwarto.

Pabalibag niyang isinara ang pinto at hinagis ako sa kama. "We'll see kung may binatbat ka kay Jullie. Make sure na masasayahan ako sayo." Hinubad niya ang saplot niya sa katawan at pagkatapos ay pinunit ang sakin. Kinubabawan niya ko at pinilit ang sarili niya saakin. Napasigaw ako sa sakit ngunit tila wala siyang naririnig. "Parang awa mo na! Nasasaktan ako! Tama na!" Puno ng hinagpis at panaghoy ang loob ng aming kwarto. Tumatangis ako pero tila  hindi niya naririnig. "It's pay back time."

    Nakatulog ako na masakit ang aking katawan at kalooban.

      Maaga akong nagising kinabukasan para ipagluto ng almusal ang asawa ko. Kahit naman nasaktan niya ko kagabi kailangan ko pa din siyang pagsilbihan. Obligasyon ko yun bilang asawa. Para naman magkaron siya ng dahilan para hindi ako iwan. Kailangan mahigitan ko ang ginawa ni jullie sa kanya.

      Ng matapos ako magluto iniakyat ko na ang breakfast sa kwarto namin. Nakapaskil agad ang ngiti ko ng buksan ko ang pintuan. Kailangan niyang isipin na hindi ako naapektuhan sa gijawa niya. Hindi ko yun babanggitin para hindi masira ang araw niya.

     Ngunit unti-unting nalusaw ang ngiti ko ng makita kong nakakalat ang mga damit at maleta ni jarred sa ibabaw ng aming kama. Nabitawan ko ang tray na naglalaman ng pagkain.

    "Bakit ka nagiimpake? Saan ka pupunta? May out of town project ka? Bakit hindi mo sinabi sakin para natulungan kita mag impake?" Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalabas ko isa-isa ang mga damit na nakalagay sa maleta. Pinigilan naman ni jarred ang mga kamay ko. "I'm leaving." Tila nabingi ako sa aking narinig. Napatulala nalang ako sa kanya. "Ngayong alam mo na ang tungkol kay jullie, hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag kung bakit ako aalis." Wala siyang kaemo-emosyon habang sinasabi niya ang mga katagang bumubiyak sa puso ko. "Tatawagan kita regarding sa sustento ng mga bata."

     "Wag mo namang gawin sakin to jarred! Wag mo kong iwan, ikaw nalang ang meron ako." Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang tinatanggal ko ang mga damit sa maleta. Hindi ako makakapayag na iwan niya ko."Pwede ba! Wag mo kong piliting saktan ka! Hindi na kita mahal!" Bagamat nanghihina ako sa mga salitang sinasabi niya binuhos ko ang lahat ng lakas ko para tanggalin ang mga damit.

      Pero mas malakas siya nagtagumpay siyang hawiin ako para isiksik lahat ng damit sa maleta, agad niyang ziniper ang damit at binitbit na ang maleta palabas. Hinabol ko siya at nag makaawa ako. "Jarred! Please naman wag mo itong gawin samin." Tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba sa hagdan kahit pa nagmamakaawa ako sa kanya.

    Jarred dont leave us, please! Maawa ka naman samin ng mga anak mo, si andrei. Matitiis mo ba na hindi siya makita? At itong batang ipinagbubuntis ko? Hindi ka man lang ba interesado malaman kung babae o lalaki ito? Paano na kami mabubuhay? Alam mo naman na wala akong pinag-aralan, paano ako makakahanap ng trabaho na sasapat na pangbuhay sa dalawang bata? Please naman mag-isip isip ka muna ng maigi." Halos paluhod kong pagmamakaawa sa kanya.

"I'm sorry! Hindi na ko masaya. Si jullie ang makakapagpasaya sakin. Parang awa mo na, palayain mo na ko! At tungkol sa mga bata, magpapadala ko ng buwanang sustento." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na akong luhaan.

     Paano na ko ngayon? Hindi ko namalaman kung anong iyak at sigaw ang gagawin ko para bumalik si jarred. Hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak pero hindi ko naman magawang tumigil. Bakit ito nangyayari sakin? Ano bang kasalanan ko?

     Paano na ang mga anak ko? Ni wala akog pinagaralan, paano ko sila bubuhayin? Masisiraan ako ng ulo sa kakaisip.

     Para na akong baliw na tinatawag si jarred kahit naman alam kong hindi niya ko naririnig. Nakasalampak ako sa sahig ng garahe namin ng biglang sumulpot sa harapan ko si mommy isabel.

   "What happened? Ija, stand up. Bakit ka umiiyak?" Nakakahiya ang itsura ko pero wala na akong pakielam. "Ma, s-si j-jarred!! Si jarred po iniwan na ko. T-tulungan niyo ko ma, hanapin natin siya. Hindi niya ko pwedeng iwan! Hindi pwede, parang awa niyo na tulungan niyo ko." Hindi ko alam kung naintindihan niya ko dahil paputol putol ang pagsasalita ko sa sobrang pag iyak pero nakikita ko sa mga mata niya ang awa at pakikisimpatya.

     "Stand up ija. Hindi makakatulong sa baby mo ang pag iyak. I'll help you, hahanapin natin ang asawa mo but please ayusin mo ang sarili mo."

    Nalalabo ang paningin ko ng tumayo ako. Hirap na hirap pa nga akong tumayo dahil wala akong lakas. Nawalan ako ng gana sa kahit na anong bagay.

    Papasok na kami sa loob ng bahay ng sumikip ng husto ang puson ko. Ang sakit sakit kaya napaupo na lamang ulit ako sa sahig. Nahihilo din ako at parang anumang oras ay mawawalan ako ng malay.

     "O My God ija! You're bleeding." Natataranta na si mommy isabelle ng tumawag siya ng ambulansya. Hindi ko na kaya, hinihila na ako ng antok kaya ipinikit ko na ang aking mga mata. Kahit sandali lang, gusto kong tumakas sa realidad. Kahit sandali lang mawawala ang sakit,mawawala lahat alalahanin at problema. Kahit sandali lang.

  Waaaaaaa!!!! Maikli lang yan, sana pagtyagaan nyo na.

Salamat nga pala sa nagbabasa at nagcocomment and vote. Madaming madaming salamat at tinatangkilik niyo tong story ko. Sana di kayo magsawang mag vote at mga comment at syempre sana di kayo magsawang basahin tong story ko.

   LOVE LOVE LOVE!!!

  

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon