MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 27

20K 354 47
                                    


                        Nandito pa din kami sa tahanan ng mga Cruz. Kanina pa kami tapos kumain ngunit nanatili kami sa hapag kainan. Nagkekwentuhan kami ng kung ano-anong bagay ng bigla na lamang mapunta sa akin ang tanong.

"So where's your ex-husband hija?" makapigil hiningang tanong ni tita Lauren, alanganing sagot naman ang ibinigay ko sa kanya. "H-hindi ko po alam."

"Really? Nawala na lang siya ng ganun-ganun lang?" parang hindi siya makapaniwala. "MOM! Hindi siya komportable,tama na yan" sinaway naman agad siya ni Lawrence.

"Okay lang! Iniwan niya po ako para sumama sa ibang babae. Yun po ang totoo." Umamin na ako. Gusto ko kasing maging tapat sa kanila, bilang kapalit ng pagtanggap nila sa amin bilang parte ng kanilang pamilya. Mahirap naman kung sa ibang tao pa nila malalaman, maigi na ring sa mismong bibig ko magmula.

"What? May tao pala talagang kayang gumawa ng ganon kasamang bagay? I'm sorry to hear that anak! Mabuti naman at hindi ka sumuko sa buhay, napaka tapang mo." Hinawakan niya pa ang mga palad ko, pakiramdam ko hindi ako nag iisa ng mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng isang ina sa katauhan ni tita Lauren. "Para po sa mga anak ko. Para sa kanila kaya kailangan kong tatagan ang loob ko."

"Please, wag mo naman sanang masamain ang itatanong ko. Kung sakaling bumalik ang dati mong asawa? Babalikan mo ba siya at iiwanan mo ang anak ko? I'm sorry sa tanong pero gusto kong malaman kung tunay na nga ba ang nararamdaman mo para sa anak ko, bilang ina ayokong makitang nasasaktan siya kaya gusto ko lang makasigurado. I'm sure naiintindihan mo ako right?"

"Of course, of course tita I understand. Hindi ko na po magagawang balikan ang dati kong asawa, hindi ko po kayang sikmurain at patawarin ang ginawa niyang kasalanan sa akin. Hindi ko na din po siya kayang pagkatiwalaan. M-mahal kop o ang anak ninyo." Totoo yun, kung sakali mang papiliin ako kung sino sa kanilang dalawa, si Lawrence at si Lawrence lang ang pipiliin ko. Hindi saw ala na akong nararamdaman para sa dati kong asawa, syempre sa ayaw at sa gusto mo parate siya ng buhay ko dahil dugo't laman niya ang nananalaytay sa dugo ng aking mga anak, hindi ko siya makakalimutan kailanman dahil dala-dala ko habang buhay ang bunga n gaming pagsasama. Ngunit kung sasabihing patatawarin ko siya at magiging buong pamilya kaming muli? Mukhang Malabo ng mangyari, si Lawrence na talaga e. sa kanya ko nakikita ang future ko.

Nakangiti siya sa akin. "Thanks for answering, salamat sa honesty mo. Walang kaso saakin kahit na ano o sino ang kasintahan ng mga anak ko, basta hindi sila sasaktan. Yun ang mahalaga sakin." Napaka bait talaga niya, napakabuti niyang ina at asawa. Gusto kong maging katulad niya pagdating ng araw.

"Pwede po ba akong magtanong?" Nakakahiya pero hindi ko gustong matapos ang gabi na ito ng hindi ako naliliwanagan kung bakit ganito kainit ang pakikitungo nila sa akin. "Oo naman Hija. Ask me anything you want to ask me."

"Bakit po napakadali sa inyong tanggapin ang isang katulad ko?" Itinanong ko na ang kanina pa bumabagabag sakin, hindi ko na kasi kayang itago pa.

Tinitigan niya ako ng matagal bago niya ako sagutin. "Alien ka ba? " Nakatagilid pa ang kanyang ulo na tila totoong kinakabahan sa isasagot ko. "P-po?" Nakakatawa naman talaga ang tanong niya. "Sabi mo kasi bakit madaling tanggapin ang isang katulad mo? Ano ba ang isang katulad mo? Alien?" Nagtawanan kaming lahat, sa kanya pala nagmana ng sense of humor si Lawrence. "Hija. Hindi porket may anak ka at nagkaroon ng asawa ay naiiba ka na sa lahat. You are a WOMAN. At bawat babae ay may karapatan na mahalin. At kasasabi ko lang kanina diba? I don't care kung sino, ano at kung saan galing ang partner ng anak ko, ang mahalaga sa akin, yung hindi sasaktan ang mga anak ko. Just love Lawrence hija. At promise tatanggapin kita ng buo at pagkakatiwalaan din ng buo."

I'm lost for words. Wala na, hands up na 'ko sa pamilya na 'to.

"O, bago pa magkaiyakan, kantahan muna tayo. Masyado ng madrama yung atmosphere e." tito Gilbert.

At tumungo na nga kaming lahat sa sala ng bahay ng mga Cruz.

Lawrence's POV

Kanina pa ako tahimik, hanggang ngayon kasi nakatatak pa din sa isip ko ang sinabi ni mommy. "Walang kaso sa akin kahit ano o sino ang kasintahan ng anak ko, ang importante ay wag silang sasaktan." Tss. You don't know what you're talking about mom.

"Uy! Kanina ka pa tahimik, ano bang iniisip mo. Hindi ka Masaya kasi tanggap na ko ng family mo?"Jhane.

"Masaya! Hindi lang ako makapaniwala."

Sinundot ko siya sa tagiliran, kinikilig pa din ako sa mga sagot niya kanina sa harap nila mommy. "Ikaw a! patay na patay ka sakin, di ka na nahiya kila mommy. Alam ko napaka irresistible ko, pero sana di ka naman nagpahalata kung gaano ka naghahabol sa'kin. Tsk! Tsk! Tsk! Nakakahiya tuloy kila Mommy."

Malakas na hampas sa braso ang natamo ko sa kanya."Kapal mo! Napaka humble mo talaga." Tawa siya ng tawa. And I'm happy too, dahil ako ang dahilan ng mga pagtawa niya . ang sarap niyang pakinggang tumawa, ang sarap-sarap sa tenga, parang malamyos na musika ang humahaplos sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang tawa niya. "Sige na nga, 'yaan mo next time try ko magpakasweet sa harap nila mommy, para hindi masyadong halata na patay na patay ka sakin.."

This time mag asawang hampas sa braso na ang napala ko. May pagkasadista din pala 'tong babaeng maganda na 'to. "Grabe na talaga yung pagka humble mo, napakaswerte ko naman sa boyfriend ko."

"I know right! Gwapo na humble pa, san ka pa?"

We laugh and laugh and laugh hanggang sa sumakit ang mga tiyan namin. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam, nagkaroon ako ng bestfriend at lover, 2 in 1 kung baga. Ito ang unang pagkakataon na nagpakatotoo ako sa sarili ko. Yung tipong hindi ko kailangan itago ang tunay kong pagkatao sa lahat. She bring out the best in me.

"Thank you Lawrence." Eto nanaman siya, bigla biglang nag tethank you. "For what?"

"For everything, for loving me and my children, for accepting me, for taking me here. Sa pagdating mo sa buhay ko. At higit sa lahat para sa pagmamahal mo sakin. Medyo mabilis ang lahat ng bagay para satin, pero ramdam kong totoo ka, ramdam kong mahal mo ko talaga. At salamat don kasi kahit gani-"

"Shh! Stop saying that! You're perfect. Minahal kita kasi ganyan ka. Minahal kita kasi ikaw yung mabait na mommy ni Andrei at Sam. I love you just the way you are."

And there, I kissed her passionately and god knows what will happen next. This woman is my everything, my one and only and my forever.

Woooohhhhh! Ang sarap magbasa ng comments. Ang sarap sa pakiramdam na kada bukas ko ng account ko ang dami kong notifs.

Thank you guys. Di mawawala yan, kada update ko laging may thank you.

God bless us always.

@samsungchinina143

<3<3<3<3

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon