Kinakabahan na ako para mamaya, ngayon na kasi yung araw na imemeet ko yung parents ni Lawrence. Excited ako at kabado, baka kasi may mali lang akong masabi, ayawan na nila agad ako.
Napaka bilis lang ng mga pangyayari, nung nakaraang linggo lang matatag ang paninindigan ko na hindi muna ako papasok sa isang relasyon, tapos biglang eto na, may boyfriend na ko ngayon. Hindi mo talaga pwedeng idikta ang future, mangyayari ang dapat mangyari sa ayaw mo man o gusto. Hindi mo pwedeng ipilit ang mga gusto mo kung hindi yun ang itinadhana ng diyos para sayo. Kahit anong pilit mong pag-iwas, gagawa at gagawa ang diyos ng paraan para bumalik ka sa tadhanang ginawa niya para sayo.
Napakabilis ng pangyayari pero nagpapasalamat ako sa diyos, mukhang ibinigay na nga nya ang taong makakasama ko habang buhay. Kung iisipin ko parang ipinlano ng diyos ang lahat para saamin ni Lawrence. Mula ng iwan ako ni Jarred napadpad ako sa lugar na hindi ko alam at sa lugar na wala akong kakilala, napadpad ako sa restaurant niya at nagkakilala kaming dalawa, nainlove kami sa isa't isa at heto na nga kami ngayon, masayang Masaya dahil tila walang hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.
Ito nga siguro ang dahilan ng diyos kung bakit niya hinayaang iwan ako ni Jarred, siguro dahil hindi talaga kami para sa isa't isa, siguro dahil si Lawrence ang itinakda niyang makasama ko hanggang sa huli. Siguro dahil gusto niyang Makita ko yung taong makapagpapasaya at tunay na nagmamahal sakin, hinayaan niya kong masaktan para matutuhan ko ang mga bagay-bagay tungkol sa pakikipagrelasyon.
Mahal ako ng diyos, kaya niya ipinaranas saakin lahat ng sitwasyon na nabanggit ko. Mahal niya ako kaya't mas minatamis niyang masaktan ang puso ko ng husto para makilala ko ang tamang tao na para sakin.
God led me to Lawrence. At pahahalagahan ko habang buhay ang panibagong biyaya na ibinigay niya sakin. Mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko, pagsisilbihan ko siya sa lahat ng paraan na alam ko. Pahahalagahan ko siya ng higit sa pagpapahalaga ko sa aking sarili. Mamahalin ko siya ng kasing sidhi ng pagmamahal ko para sa mga anak ko, He desserve it!
"Ready Baby?" -LAWRENCE
Napangiti ako ng sumilip si Lawrence sa pintuan ng kwarto ko. "Medyo kinakabahan lang ng konte." Pagpapakatotoo ko.
"Bakit ka naman kakabahan? I assure you, magugustuhan ka nila. Relax ok? You're beautiful, wala silang hindi magugustuhan sayo" Pangungumbinsi niya pa sakin, para namang nakatulong.
"Bolero! Halika na nga baka naghihintay na parents mo." Nanguna na akong lumabas ng kwarto at binitbit si Samantha palabas. Si Andrei naman ay tumakbo na agad kay Lawrence at kusa ng nagpakarga.
Isa pang ikinatutuwa ko, kumportable ang mga anak ko sa presensya ni Lawrence, isang lingo pa lang ng maging kami pero close na sila agad ng babies ko. Sa totoo lang papa na ang tawag ni Andrei kay Lawrence. Yun din naman kasi ang gusto ni Lawrence, gusto niyang kilalanin siyang papa ng mga anak ko. Total we will live together sooner or later, kailangan na silang sanayin.
"Dito mo pala ilagay si Sam." Turo ni Lawrence sa higaan pang bata sa gitna ng passenger at driver's seat. "Binili ko to kanina, last time kasi nung nanood tayo ng movie karga karga mo si baby hanggang sa makauwi tayo." Dugtong pa niya.
Sus! Siya nga tong karga-karga si baby Sam habang namamasyal kami sa mall e. Nakakatuwa kasi nakasabit pa sa balikat niya yung baby carrier. Para silang tunay na mag ama. Hindi siya nahihiya, parang tuwang-tuwa pa nga siya e.
"Salamat!" Natutunaw na talaga ang puso ko dahil sa kabaitan ng tao na to. Mukhang mahal pa base sa brand, napakalambot ng kutson ng higaan ni Sam. Seryoso na talaga siya sakin.
"Baby, you don't have to say thank you, everytime na may ibibili akong bagay sa inyo. It's okay, I love doing it. Akina si baby ako na ang magaayos sa kanya." Napaka sarap ng feeling ko ngayon, pakiramdam ko nakajackpot ako sa lotto.
"We're here! Welcome to our house." Anunsyo ni Lawrence, jusko! Triple na yung kaba ko. This is the moment. Eto na talaga, dito ko na malalaman kung may patutunguhan pa ba 'tong relasyon na 'to.
Sumalubong saamin ang dalawang may edad na babae at lalaki at dalawang magagandang babae, sila siguro ang pamilya ni Lawrence. Nginitian ko sila at ganun din sila saakin, napaka sincere nila, parang si Lawrence. "H-hello po! Magandang tanghali po."
"Hello!" Sabay sabay nilang bati.
"Papa! Fly! Fly!." It's Andrei, tinakpan ko kaagad ang bibig niya, nakakahiya. Baka isipin nila na feeling part na kami ng family nila.
"You call Him papa? How cute! Hija can we hold them?" it's Lawrence mom. This is unbelievable. Totoo ba 'to? Okay lang sa kanila na tinatawag na papa ng anak ko ang anak nila? "O-oo naman po." Kandautal akong sumagot.
"Really? Daddy, kunin mo si baby boy. Take him inside." Utos ng mommy ni Lawrence sa asawa nito, I guess it's Lawrence dad? Sumunod naman agad ang huli at inakay na papasok si Andrei, parang hindi na kami napansin. Yung dalawang magandang babae naman ay pinagkaguluhan na si baby Sam. Anong nangyari? Naiwan na kaming dalawa ni Lawrence dito sa labas.
"Told you! They're not as bad as you think they are." He winked at me, at hinatak na niya ako papasok sa garden nila.
Nakahanda na ang mesa ngunit wala pa ang mga kasama naming kakain. Busy pa yata sa mga chikiting ko. "Sorry! Ganun lang talaga sila, sabik kasi sa baby." Pagbibigay pasensya ni Lawrence.
Hindi din nagtagal ay sinaluhan na kami ng buong pamilya sa hapag.
"Hello Hija. I'm sorry nawala na sa isip ko ang lunch, nakipaglaro pa kasi kami sa mga bata. Nakalimutan ko na ngang magpakilala e. By the way I'm Lauren Cruz" nakangiti pa siya habang nakalahad ang kanyang mga palad saakin, agad ko namang tinanggap ito. "It's okay Madame, ako nga po pala si Jhane Javier. Nice to meet you po." Gumanti naman ako ng ngiti. "Oh please! Don't call me Madame. Just call me Mom, okay?" Grabe, maiiyak na talaga ko sa saya dito. Ganun nila ako katanggap? Ganun nila ako pinagkakatiwalaan? Sana hindi panaginip ang lahat ng ito. "P-po? Okay po M-mom."
"My name is Gilbert Cruz, Lauren's husband and Lawrence's dad. Nice to finally meet you Jhane. Ako din ayoko ng tito. Call me Dad " Masuyo rin niyang inilahad ang kanyang palad saakin at walang pag aalinlangan ko itong tinanggap. "Hello Jhane! My name is Laura Cruz-Tan, Lawrence's older sister. Nice to meet you." Pagpapakilala ng babaeng matangkad, maputi at balingkinitang babae, sya pala ang ate ni Lawrence, ang ganda nila, kamukhang kamukha ng mommy nila. "Hi Jhane! I'm laurain Cruz, Lawrence's oldest Sister. I'm so happy to meet you. Finally, nagka girlfriend na din ang bunso namin."
Lahat sila ay mababait at magaganda kaya naging komportable ako ngayon.
"So, let's eat?" Anunsiyo ni Daddy Gilbert."
Wew! Sunod-sunod yung update ko ngayon, Congratulations to me.
Mag enjoy sana kayong lahat sa pagbabasa.
Thank you sa support
LOVE,
@SAMSUNGCHININA 143.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...