MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 3

25.4K 307 13
                                    

(Jhane's Pov)
Maaga akong nagising, ay mali , hindi pala ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang kahihiyan na nadarama ko. Tinanggihan niya ko kagabi at sobrang nahihiya ako dahil ako ang nag initiate. Hindi na ata interesado sakin ang asawa ko, siguro pumapangit na ako. Tumataba na ata ako kaya hindi na siya naaattract saakin.

Napabuntong hininga na lang ako habang naghahanda ng agahan namin.

Matapos kong magluto, umakyat ako ng kwarto namin para sana gisingin si jarred, pero naka business attire na siya ng maabutan ko. Kumunot noo ako dahil masyado pang maaga, 6:20 pa lang.

"Aalis kana agad? Masyado pang maaga." Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang neck tie niya.

"Yeah, i have loads of work to do." Sagot niya habang nakatitig sakin.

Tinitigan ko siya pabalik "Oh, I see. Kumain ka muna bago ka umalis" sabi ko at tinalikuran na siya.

Nararamdaman ko ang titig niya sakin habang nakatalikod ako. At siya naman ay nakasunod lang saakin papuntang kusina.

Ipinaghanda ko siya ng makakain niya at umupo na para sandukan ang sarili ko ng pagkain. Wala kaming imikan at tahimik na kumain ng bigla na lamang niyang ibinagsak sa plato ang kubyertos niya.

"Damn Jhane talk to me! Dahil pa din ba ito sa nangyari kagabi? I said I'm sorry, I'm really tired last night!" Bulyaw niya saakin sabay tayo at martsa palabas ng kusina.

Nagulat ako sa sigaw niya pero nagawa ko pa din siyang sundan. "Jarred I'm sorry, napahiya lang ako kagabi kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo ngayon." Nakatungo kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga siya at pumikit ng mariin. "I'm sorry sobrang stressed lang talaga ko kaya napagbubuntungan kita. Promise I'll make it up to you pag natapos na itong pinagkakabusyhan ko." Hinalikan niya ako sa noo at pumanhik na sa kotse niya at pinaandar na ito.

Siguro masyado talaga siyang busy sa trabaho niya kaya kailangan kong habaan pa ang pasensya ko. Kailangan kong intindihin at pagpasensyahan ang pagbabago ng mood niya. Ganun naman talaga dapat diba? Kasi kailangan sa mag asawa dapat may isang laging iintindi.

Lumipas ang maghapon ko sa pagaasikaso kay andrei at sa bahay. Ganito lagi ang daily routine ko. Pagkagising mag luluto ng almusal,aasikasuhin ang damit ni jarred aalagaan si andrei at lilinisin ang buong bahay. Gusto ko kasi laging malinis ang bahay para makapagrelax si jarred pag uwi niya dito sa bahay.

Naghanda ako ng specia dinner para makabawi ako kay jarred. Mukhang nainis kasi talaga siya kaninang umaga. Kaya para makabawi ako ipagluluto ko na lang siya ng special dinner.

Hinihintay ko si jarred sa labas ng bahay namin. 6:30 na kasi at alam kong malapit na siyang umuwi. Ganito kasing oras yung ussual na uwi niya.

8:00 na at nangangalay nako sa paghihintay sa pinto sa pagdating ni jarred. Nilalamok na rin ako pero nananatili pa din akong naghihintay sa pinto gusto ko kasi ako mismo ang sasalubong sa kanya pag baba niya ng sasakyan. Kaya nag hintay ako ng naghintay, 12:45 na pero wala pa din siya naghintay pa din ako ng naghintay hanggang sa mangalay ako at mapaupo na sa pintuan. 3:50 am na pero wala pa din ang taong hinihintay ko. Naiiyak ako! Ganun ba siya ka busy na kahit tawagan man lang ako dahil hindi siya makakauwi ay hindi niya magawa? Ang sama sama na ng loob ko pero naghintay pa din ako hanggang mag-umaga. At nang narinig ko na ang tunog ng sasakyan niya ay napatayo ako at hinintay siya hanggang sa makababa siya.

"Bakit ngayon ka lang?" Nanlulumo kong tanong sa kanya.

Nagulat siya ng makita niya akong nakatayo sa pintuan at naghihintay sa kanya. "Tinapos ko lang ang mga paper works ko para makapagday-off sa linggo." Pagod na pagod na sagot niya. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko at nasumbatan ko siya.

"Ganun ka ba ka busy at hindi mo magawang tawagan mang lang ako na hindi ka makakauwi? Hindi mo ba alam na may naghihintay sayo? I'm worried sick! Hindi ko alam kung may nangyari na ba sayo kaya hindi ka nakauwi! You should have call me para hindi ako mukhang tangang naghihintay sa wala!" Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Pwede ba? Lowbat ang cellphone ko kaya hindi kita natawagan! Pagod na pagod ako sa trabaho tapos ganyan ang isasalubong mo sakin? Imbis na mainit na kape ang isalubong mo bubungangaan mo ko? Kung alam ko lang na bunganga mo lang ang naghihintay sakin pag uwi ko hindi na sana ko umuwi! Buwisit!" Iritang irita niyang sabi.

He left me dumbfounded. What was that jhane? Kakasabi mo lang kanina na hahabaan mo ang pasensya mo sa asawa mo! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Sinundan ko si jarred sa kwarto at nadatnan itong mahimbing na natutulog. Tinanggal ko at sapatos at medyas niya at inayos ang pagkakahiga niya. Mukha talaga siyang pagod na pagod. Naiinis nanaman ako sa sarili ko. Pagod na nga ang asawa ko sa trabaho binungangaan ko pa.

Tumabi ako kay jarred at hinalikan siya sa labi. At hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakayakap sa asawa ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks sa nagbabasa nito. Happy reading.

~samsungchinina143

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon