MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 37

17.6K 270 23
                                    

       Nandito kami sa loob ng hospital room ni Andrei, meron siyang stage 3 dengue. Sa ngayon ay nagpapahinga siya at inihahanda ng mga doktor para sa blood transfusion. It was a tough decision to make dahil bukod sa masakit ay hirap pang humanap ng blood type niya. Minaya't maya ng mga doktor ang pagsasalin dahil pababa ng pababa ang platelet count niya.

             Dalawang bag ng dugo na ang naibigay ko sa anak ko kaya nakakaramdam ako ng kaunting pagkahilo at pagkabalisa ngunit kung hihingin ng pagkakataon na magbigay pa ako ng mas madaming dugo ay hindi ako magaatubiling ibigay kahit ikasaid pa ng aking dugo at maging katapusan pa ng buhay ko.

           Kaya kong ibigay ang lahat sa anak ko, kahit ang sarili kong buhay ay walang pag aalinlangan kong ibibigay para sa kanila, kung ako mismo ang kabayaran sa mga kasalanang nagawa ko kunin mo na lang ako diyos ko, wag ang anak ko.

           Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang lalaking ayaw ko na sana pang makita dahil ikinasasakit lang ng kalooban ko.

      "Anong ginagawa mo ditong hayop ka?" Wow! Just Wow! Ako ang ama ng pasyente tapos tatanungin ako kung anong ginagawa ko dito?

       "Wag mong ipahiya ang sarili mo sa kakatanong ng walang kakwenta kwentang bagay."

        "Umalis ka na, nandito na ko ako ng magbabantay kay Andrei."

         "Ang kapal din naman ng mukha mo no? Ang lakas ng loob mo na angkinin ang pamilya ko pero hindi mo naman sila maalagaan ng tama!" Totoo naman diba? Magkakasama sila sa bahay pero hindi nila alam na lampas 3 araw ng may sakit ang anak ko?

          "Wag kang magpanggap na malinis! Ikaw nga jan inabandona mo sila diba? Sino sating dalawa ang mas mabigat ang kasalanan?"

           "Gago ka a!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko ang pagmumukha niya. Sadsad siya sa sahig at bahagyang umatras ang stretcher na kinahihigaan ni Andrei.

             Sinusubukan niyang gumanti pero hindi niya kaya dahil hindi niya ako matamaan.

            Ikaapat na subok niya at nasapul ako sa panga pero ni hindi man lang ako napangiwi, napakagaan ng suntok niya. Dahil sa ingay ay tuluyan ng nagising si Andrei at naabutan niyang sinusuntok ako ng baklang to. "Dont hurt my dad!"

                "Anong ginagawa niyong dalawa?" Biglang dating naman ni Jhane na may dalang prutas at damit na bihisan ni Andrei.

             "Paalisin mo na siya! Nandito na ko hindi nyo na siya kailangan!"

            Aba't ako pa talaga ang mawawalan ng papel ngayon? "Lawrence calm down. Andrei needs him,magpahinga ka na lang muna sa bahay." Mababasa mo sa hilatsa ng mukha niya ang di pagkapaniwala at matinding disgusto. Pero wala din siyang nagawa kundi ang umalis.

           "Psshhh! Anong problema ng baklang yon?" Nakakairita siya sa totoo lang. Nahihilo ka na nga tapos ganito pa? "Dont call him a GAY!" Nanlilisik ang mata ni Jhane sa galit pero natuwa ako, ang laki kasi ng mga mata niya habang gigil na gigil niyang ipinaglalaban na hindi bakla ang kupal na yon.

         "Okay! Fine!" Mananahimik na lang ako para wala ng gulo, mas madaming bagay ang kailangan naming ayusin ngayon.  "Do you want to eat baby?" Aasikasuhin ko na lang ang anak ko.
           "Magpahinga ka na lang muna sa isang tabi, ako ng bahala sa kanya." Atleast naman may pakielam pa din siya sakin.

         "Anong nagustuhan mo sa kanya?" Kahit masakit kailangan ko tong tanungin.
         "Napakabait niyang tao, kaya niyang tanggapin kahit ang pinakamasamang bahagi ng pagkatao ko. Siya ang lahat ng bagay na hinsi ikaw Jarred."

         That hurts me more."Gaano na kayo katagal na magkasama?" Hindi ko alam kung paano ko nga ba nakakayanang itanong ang mga bagay na ito sa kanya. "Higit isang taon na kamin nagsasama."
            "Isang taon na? Ganon mo lang ako kabilis na napalitan?" Dumapo ang palad niya sa pisngi ko, pero mas masakit na nakikita kong umiiyak siya. Umiiyak NANAMAN siya ng dahil sakin. Naoffend siguro sa tanong ko. "Wag mong isumbat sakin yan dahil ikaw ang mas matindi sating dalawa! Masama bang naghanap ako ng pagmamahal sa iba? Yung pagmamahal na desserve ko,yung pagmamahal na steady at wala akong kailangang ireach na level dahil kung magkulang ako ng kaunti iiwan nanaman ako! Walang pressure, yung masaya lang! Wala akong kahati at alam kong ako lang talaga! Yung hindi ko kailangang hulaan kung saan ako lulugar! Kasalanan ko ba kung nahanap ko na yung taong binigyan ako ng assurance,yung taong hindi ako kayang saktan, yung taong isinasaalang alang ang desisyon ko, yung taong ako ang top priority! Gustong gusto ko yung ganon Jarred! Hindi ko napigilang mahulog ang loob ko kay Lawrence dahil taglay niya lahat ng katangiang hinahanap ko.!"

            Humagulhol siya. Lumabas na ko dahil hindi ko na siya kayang makitang masaktan at umiyak. Hindi ko na din kayang makinig sa mga sinasabi niya, dudurugin ako non lalo.

            Sa twing lalapit ako sa kanya sakit lang ang dala ko. Siguro nga hindi ko na dapat siyang lapitan pa. HINDI NA DAPAT DAHIL.........

              EVERYTHING WENT BLACK.





Samsungchinina

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon