I was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago.
It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left.
Flashback
"Jarred dont leave us, please! Maawa ka naman samin ng mga anak mo, si andrei. Matitiis mo ba na hindi siya makita? At itong batang ipinagbubuntis ko? Hindi ka man lang ba interesado malaman kung babae o lalaki ito? Paano na kami mabubuhay? Alam mo naman na wala akong pinag-aralan, paano ako makakahanap ng trabaho na sasapat na pangbuhay sa dalawang bata? Please naman mag-isip isip ka muna ng maigi." Halos paluhod kong pagmamakaawa sa kanya."I'm sorry! Hindi na ko masaya. Si jullie ang makakapagpasaya sakin. Parang awa mo na, palayain mo na ko! At tungkol sa mga bata, magpapadala ko ng buwanang sustento." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na akong luhaan.
Sa ngayon ay 4 na taon na si andrei, at si samantha naman ay 1 year and 6 months. Si samantha yung ipinagbubuntis ko nung iniwan kami ng daddy nila.
At ako naman ay regular na sa pabrika na pinagtatrabahuan ko. Okay naman ang kita, sumasapat naman sa aming mag iina. Iniiwan ko naman ang mga anak ko sa nanay nanayan kong si nanay lourdes. Nakilala ko si nanay lourdes ng nanganak ako, sya ang tumulong sa mga hospital bills ko sa ospital noon. Yung ipinangako kasing buwanang sustento ni jarred ay hindi naman natupad. Wala siyang ipinadala ni singko mula nong iwan niya kami.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Sorry na delay yung prologue, kasi hindi ko pa talaga siya maayos sa ngayon, medyo busy kasi.
Salamat sa mga nagbabasa nito, at pasensya na kung masyadong magulo yung pag kaka sunod sunod ng mga chapters.
Thank you sa mga nagbabasa. God bless
~samsungchinina143

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
Storie d'amoreI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...