MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 9

22.1K 285 34
                                    

Jarred's Pov

FUCK! So that explains everything, why I'm physically attracted to herthis past few days.


Kung kahapon siguradong sigurado na ako na ipagtapat kay jhane ang tungkol kay jullie, ngayon ay nagaalangan na ako kung dapat ko bang ituloy ang plano ko.


Nanginginig ang tuhod ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, hindi makakabuti sa kalagayan niya kung sasabihin ko na may ibang babae akong minamahal na mas higit sa pagmamahal ko sa kanya.


"How? you're taking pills right?" Hindi ko napigilan ang pag alpas ng galit ko kaya yun ang lumabas sa bibig ko.


"I-i dont know, maybe I missed taking pills tapos na tiyempuhan natin ka-"


I cut her off "THE FUCK! Dapat nag iingat ka!" Nararamdaman ko ang pag pintig ng ugat sa magkabilang gilid ng noo ko dahil sa sobrang dissapointment.


"Ayaw mo ba? Akala ko ba gusto mo ng madaming baby? Ito na ibinibigay ko na sayo! Ano bang problema?"


"Yan! yang batang yan ang problema!" Sigaw ko habang nakaturo sa tiyan niya. Pagkatapos ay tumayo na ako at iniwan siyang umiiyak sa kwarto.


Yes! I want lots of babies, but not with her anymore. Gusto ko magkaroon ng maraming anak kay jullie. I maybe a jerk, but dont judge me! Nagpapakatotoo lang.


I called my friend Arthur para yayain uminom sa isang bar. I want to ask some advice. Nalilito na kasi ako kung anong gagawin ko. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko, I should be happy because I'm having another baby, I'm going to be a father again. But why Do I feel this way? I regret that I got Jhane pregnant again!


Kung sa ibang pagkakataon sana baka natuwa pa ako, nung mga panahon na wala pa si jullie sa eksena. Dont get me wrong, hindi ko pinagsisisihan na magkakaroon ako ng baby ulit. Ang pinagsisisihan ko lang, ay kung bakit kay jhane pa? Bakit sa babae na gusto ko ng hiwalayan?


Ayoko na sanang magdagdag pa ng inosenteng tao na masasaktan. Siguro ito na ang karma ko. Pinaparusahan na siguro ako ng diyos dahil sa kagaguhang ginagawa ko.


Tumigil ang mga agam-agam ko ng mamataan ko si arthur na pumasok sa entrance ng bar, kinawayan ko siya at ng mapansin niya ako ay unti-unti siyang lumapit sa direksyon ko.


"Ano nanaman ba ito jarred?" He aske habang u,oorder ng inumin.

"Jhane is pregnant."

"Wooah! Congrats man, tatay ka nanaman."

"Ayun nga yung problema ko e."Alanganin kong pag-amin sa kanya.

"Bakit? Ano namang problema kung buntis siya? Kasal naman na kayo a." Gulat niyang tanong.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Gusto ko ng makipaghiwalay pare!Hindi na ako masaya. Pero may dalawang batang maapektuhan kaya nahahati ako ngayonsa pagdedesisyon, nahahati ako sa tama at mali.


"What? Gusto mong hiwalayan si jhane? For who? for jullie? Gusto mong hiwalayan ang babaeng pinili mong dalhin sa altar para sa babaeng nakilala mo sa bar at nag aya na makipag sex sayo?"Walang preno niyang sabi."Hindi ko inakalang masasabi ko to sayo jarred, ang tanga mo! Ang tanga tanga mo kung pipiliin mo si jullie over jhane!"galit na galit niyang sabi sakin.


Halos pumutok na ang mga ugat ko sa ulo dahil sa pagtitimpi na wag na siyang patulan, FUCK! Kailangan ko ng mahihingahan ngayon. Hindi ko kailangan ng sermon niyang rinding rindi na kong pakinggan.


Hindi kasi nila maintindihan ang damdamin ko e!Hindi naman kasalanan ang magmahal iba? Ang kasalanan lang ay dahil nakatali ako.

Pero eto na nga o, gagawin ko ng tama ang lahat, makikipaghiwalay na nga ako para makalaya na kaming lahat makapamuhay ng walang inaalalang makasakit kami ng iba "Please Arthur, not now. Hindi ko kailangan ng payo mo ngayon, I just want you to listen.


"Well, just in case you dont know, I'm a very busy person. I dont have time to listen to your nonsense problems. I dont care on what you are fighting for, so spare me to this mess." And he left.


Bigla akong pinanawan ng lakas, pakiramdam ko lumambot ang mga tuhod ko. I'm not even sure if I can even stand to walk. Nabato ako sa kinauupuan ko. Bukas na bukas din ay mag fafile ako ng vacation leave, kailangan ko ng panahon na makapag-isip.


Jhanes's POV

"Mrs. ito na po ang gamot na kailangan ninyong inumin, pampakapit po ito ng bata. Wag niyo din po masyadong i stress ang sarili ninyo para maiwasan niyo po ang pagkakaron ng miscarriage. Ingat po kayo misis dahil kaag naulit po ito ay baka hindi na natin maagapan."

Pasok sa kanang tenga labas sa kabilang tenga ang mga sinasabi ng doctor saakin, lutang ang isip ko. Sobra sobrang pagkadismaya ang nararamdaman ko.

"jhane, naririnig mo ba ang sinasabi ng doktor? iwasan daw ang STRESS! Hindi ka ba natatakot na maulit ang nangyari sayo? Pano kung di kita nakita? Paano na kayong mag-ina? tsaka nasaan ba ang asawa mo? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya naman sinasagot." Walang putol na litanya ni michelle sakin. Siya kasi ang nakakita sakin sa kusina ng mawalan ako ng malay, dinudugo raw ako ng makita niya ako na nakahandusay sa sahig. Hindi ko na matandaan ang ibang pangyayari, basta ang alam ko lang ay masakit na masakit ang puson ko at nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig and after that, everything went black.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari saamin ng baby ko, kung nagkataon siguro na hindi ako nakita ni michelle, baka nakunan na ako. Ang sakit sakit lang kasi e, ang sakit sakit sa pakiramdam ng isang ina na ayawan ng sariling ama ang batang dinadala niya. Hindi ko maintindihan si jarred, bakit ayaw niya? nabigla ba siya? natakot? Saan?

Ang dami dami kong tanong na si Jarred lang ang makakasagot pero after he rejected OUR child ay hindi pa siya nagpapakita ulit. ni hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ni mich. Masisiraan na talaga ako ng bait sa kakaisip sa asawa ko!

Nagulat ako ng pabalibag na bumukas ang pinto ng kwarto na inookupa ko at bumungad sakin ang pawisang mukha ni jarred.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Whoooo. sorry sorry sorry kung sobrang tagal ng update,


And super THANK YOU sa lahat ng nag vote at nag comments and ofcourse sa lahat ng nagbabasa ng story na ito. Super thank you kasi pinbagtiyatyagaan niyo basahin kahit INAAMAG yung writer sa tagal mag update, HAHA!


MAdaming MAdaming thank you guys!

LOVELOTS!!!

-samsungchinina143

twiter atsamsungchinina

fb. samsungchinina143












MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon