MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 23

22.6K 297 18
                                    


      Sa pagpihit ko patalikod ay damang-dama ko pa ang malakas na pagtahip ng aking dibdib, shocks! Nakakahiya. Paarte-arte pa ko ako naman pala ang hindi makatiis. Nangangamatis ang buong mukha ko ngayon, ang init init ng pakaramdam ko. Kasi naman e! Di na lang siya umalis kanina kaagad-agad, ayan tuloy nahuli pa niya ako na nakasilip sa kanya. Naloloka na ata ako, parang nawala ako sa huwisyo. Kanina lang alam ko pa ang tama sa mali, ngayon naglahong parang bula ang katinuan ko sa katawan. Napapangiwi ako sa kahihiyan, sino ba naman kasing gaga ang gagawa ng kahihiyang ginawa ko.

Biglang kumulog, kahit ang langit pinagtatawanan ako. Lord! Para naman kayong nanunukso e.

"Jhane! Ang lakas ng ulan, di ka ba naaawa sakin? Baka magkasakit ako! Sige ka, obligado kang alagaan ako."-Lawrence.

Ano ba naman yan, paano ko siya haharapin ngayon? Naaawa din naman ako sa kanya, pero kasi nahihiya ako e. Nangangamatis yung mukha ko tapos magpapakita ako sa kanya? Nakakahiya na nga na nahuli niya ko ng nakasilip dadagdagan ko pa ng panibagong kahihiyan? No way! Magpapalamon na lang ako sa lupa kaysa lumabas doon.

"Jhane! Baka tamaan na ko ng kidlat ngayon ditto. Sige na please! Papasukin mo na ko."

Aba't talaga naman. Bakit kasi hindi na lang siya umuwi? "Sige na nga wag na kung ayaw mo! Hayaan mo na lang akong magkasakit at tamaan ng kidlat dito. Sabagay, hindi na siguro tatalab sakin ang kidlat. Wala na kasing mas lalakas pa sa tama ko sayo." Nangunsensya pa ang loko.

"Jhane! Okay lang kung hindi mo ko papasukin sa bahay mo, basta papasukin mo ko sa puso mo." 'Di ko na napigilan, ang kanina kong pag ngiti-ngiti ay nauwi sa paghalakhak ng bongga. Garalgal na nga ang boses sa lamig nagagawa pang bumanat, Oh Lawrence, Why so gay?

Ng humupa ang pangangamatis ng aking mukha, dumiretso na ako sa pintuan at kumuha ng dalawang payong sa gilid. Papapasukin ko na ang lokong yun at baka makaistorbo pa kami sa aking mga kapit bahay.

Lumiwanag naman ang namumutla niyang mukha ng iabot ko sa kanya ang payong, titig na titig siya sakin at parang wala sa sariling inabot ang bagay na iniumang ko sa kanyang harapan. "Halika na? Pasok tayo sa loob?" pag aaya ko sa kanya, tumango naman siya at nagsumiksik sa aking gilid, nakisukob pa sa aking payong.

"Ano ka ba, nababasa ako." Tatawa-tawa kong saway sa kanya, tila naman siya natauhan at dali daling umusod palayo. Ayan lalo tuloy siyang nabasa. "Ano ka ba, binigyan kita ng payong para gamitin." Di ko na kayang pigilan, bumunghalit na ako ng tawa. Lalo na nung para siyang timang na tumingin sa mga palad niya at ngayon niya lang ata napansin na payong ang iniabot ko sa kanya kanina. Taranta naman niyang binuksan ang payong at isinuklob sa mamasa-masa niyang ulo. "Sorry, nakakatulala kasi ang kagandahan mo e." Nakangiti pa siya, kinilig nanaman ako, at syempre pag kinilig ako automatic na mangangamatis ang mukha ko.

Tinalikuran ko na siya dahil baka mahuli niya akong nag bablush. Mahirap na no, kung magkataon another kahihiyan nanaman to. "Tara na? Pasok ka na." Nakakahiya talaga. "Sa puso mo?" Nagulat ako sa tinuran niya, siya naman ay natatawang nailing na naiilang. Sa huli ay tinawanan nalang namin ang uneasiness na nararamdaman naming.

Nang makapasok siya ay naglagay ako kaagad ng mainit na tubig sa tasa at iniabot sa kanya, para naman mainitan ang nanlalamig niyang katawan. Kapansin-pansin ang kanyang panginginig, dahil siguro sa lamig.

"Pasensya ka na, wala kasi akong damit na panlalaki dito sa bahay ko, wala akong maipahihiram sayo"

"Okay lang, meron naman akong baon sa loob ng kotse ko." Ganun? Prepared? Nais ko sanang ibulalas ngunit hindi ko na lang itinuloy.

"Ganun ba? Pahiram ng susi ng kotse mo at ako na lang ang kukuha." Atubili kong alok sa kanya, nangangatal na kasi siya, nakakaawa naman kung palalabasin ko pa siya gayong pagkalakas-lakas ng hangin sa labas.

"No! Ako na lang! Baka magkasakit ka, Malamig pa naman sa labas."

"Ako na, Look at yourself, nangangatal ka na baka lalo kang lamigin kung lalabas ka pa. Ako na lang ang kukuha stay put ka lang diyan at bantayan mo yung pinakulo kong tubig." Di ko na siya pinasagot at nagmadali na akong tinungo ang daan palabas. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang pakay ko. Nagmadali na agad akong makabalik, kung ano mang dahilan ng pagmamadali ko ay hindi ko na alam.

Naabutan ko si Lawrence na Nakabaluktot na nakahiga sa sahig. Mukhang hindi talaga maganda ang tama niya."Ano ka ba naman! Ang laki laki ng sofa bakit hindi ka na lang doon nahiga? Magkakasakit ka talaga sa ginagawa mo."

"Baka kasi mabasa, Mahirapan ka pang patuyuin. Ang sarap mo pa lang mag-alaga? Kilig ako." Nagagawa pa talaga niyang mambola sa ganitong kalagayan? Ang taas na ng lagnat niya. "Tumigil ka nga jan, Mahiga ka na sa sofa, aayusin ko lang ang pampaligo mo."

Tinimpla ko na ang tubig na gagamitin niya sa pagligo, maligamgam iyon kaya siguradong giginhawa ang pakiramdam niya. Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo niya? Dapat hindi na siya nagantay na bumuhos ang ulan, dapat kanina pa siya umuwi para hindi na siya nabasa pa ng ulan.

Tinawag ko na siya mula sa sala dahil handa na ang kanyang pampaligo. Nang makapasok na siya sa banyo ay inayos ko naman ang kanyang hihigaan, wala akong extrang kwarto kaya ditto ko na lang siya patutulugin sa sofa. Alam kong hindi siya magiging komportable pero mas okay na ang sofa kaysa sa sahig. Nagluto na din ako ng lugaw para mainitan ang sikmura niya bago ko siya painumin ng gamot.

"Kainin mo 'to para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga ka na." ihinain ko na sa kanyang harapan ang lugaw na kahahango ko pa lamang sa kalan. "Wow! Salamat, ang bait nyo po." Hinigop niya agad ang lugaw kung kaya't napaso ang kanyang mapupulang labi. "Ano ka ba! Kita mong umuusok pa, ibig sabihin mainit pa. Akin na nga 'yan." Hinalo-halo ko ang lugaw at saka inihipan at itinapat ko ang kutsara sa kanyang bibig. Sinubuan ko siya hanggang sa maubos ang lugaw na isinandok ko. Nakakatuwa at naubos niya.

"Matulog ka na para gumda ganda ang pakiramdam mo mamaya pag gising mo" tinutukan ko siya ng electricfan para hindi siya lamukin. Nakakahiya naman kasi sa aking bisita. "Hindi na kailangan, kanina pa maganda ang pakiramdam ko. Tsaka ang galing kaya ng nurse ko, at ang ganda ganda pa. Syet! Na inlove ako lalo."

"Tumigil ka na nga jan! puro ka kalokohan. Magpahinga ka na." Siyempre galit galitan ako para hindi niya mahalatang kaninang kanina pa umaapaw ang saya sa puso ko. Nararamdaman ko nanaman ang hindi ko dapat maramdaman.

Ang hudas ayaw talagang matulog. Ito nga at titig na titig sakin, wari mo'y nananaginip ng gising. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan niya ako sa mata ng diretso. "Ikaw ang pinangarap ko. Pinangarap kong maging ina ng mga anak ko, At ikaw ang bumuhay ng damdamin sa loob ko na akala ko ay hindi ko na mararamdaman kalian man. Alam kong masyadong mabilis pero minahal na kita. Sa mga nakalipas na araw na itinataboy mo ko, bakit mas lalong tumindi ang pagmamahal ko para sayo? Sumusugal din ako, isinusugal ko ang damdamin ko kahit alam kong walang magiging tugon mula sayo. Hindi ako natatakot na sumubok sa pag ibig dahil walang lugar sa buhay ko para sa pagsisisi. Gayahin mo ko, wag kang matakot na subukan ulit magmahal. Mahalin mo lang ako, gagawin kitang pinakamaligayang babae sa mundo."

Unti-unting nagtubig ang gilid ng aking mga mata. Yung mga mata niya, nagpapahiwatig ng sinseridad, at katotohanan. Parang sinasabi sakin na puro katotohanan lang ang lalabas mula sa kanyang mapupulang labi. At ang labing yon ay unti-unting naglanding sa labi ko.

Okay! Updated na ulit siya. Tnx guys for patiently waiting sa ud ko.

Till next time. Have a blessed Sunday everyone <3 <3 <3 LOVE LOVE LOVE!

#samsungchinina143@facebook.com


MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon