Jhane's POV
Hindi ko na matandaan kung ilang ulit na ko na bang pinahid ng bimpo ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Marahil sampu, labing isa ovlabing anim? Hindi ko na alam. Ang alam ko lang ngayon ay masakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko dinudurog ako.Ang hirap na alam mong niloloko ka pero nagpapanggap kang wala kang alam. Ang hirap na sa araw araw na kasama mo siya may takot ka na baka magising ka na lang isang araw na iniwan kana niya.
I'm so scared! Oo takot na takot ako kaya iniiwasan ko na magkasarilinan kaming dalawa.
Katulad na lang kapag umuuwi siya, kung di ako magpapanggap na tulog, doon ako natutulog sa kwarto ng mga bata.Ang hirap. Ang hirap hirap! Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang mga anak ko. I dont want them to experience a broken family. I dont want them to feel neglected.
Unti-unti akong pumasok sa kwarto namin. And then I saw him peacefully sleeping.
Nanginginig ang mga kamay ko habang kinakapa ko sa ilalim ng unan ang cellphone ni jarred.
When I successfully got his phone under his pillow, I close our bedroom door and make my way to the living room.
Inisa isa kong basahin ang mga messages niya. At tinignan kung may kahinahinala ba sa mga text messages niya. Hindi naman ako nabigo dahil nabasa ko naman ang sweet messages nila sa isa't isa.
Kusang nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko ng mabasa ko ang mensahe nila para sa isa't isa.
"Hi hon. Tulog ka na, alam ko namang pagod ka dahil sa byahe. Good night. I love you"
From jullie."I will hon. You too, pahinga kana din. I love you. Dont worry sooner or later magtatabi na tayo sa pagtulog forever. Goodnight and I love you so much.!"
From jarred.Kinuha ko ang number ni jullie sa phonebook ni jarred atsaka ibinalik ang phone sa ilalim ng unan ng magaling kong asawa.
Tommorow, makikipagkita ako sa jullie na yon. At kung kailangan kong lumuhod sa harapan niya layuan lang niya ang asawa ko, gagawin ko. Hindi to para sakin, kundi para sa mga anak ko!
Jullies Pov.
Busy ako sa pagiimpake ng gamit ko. Yes, I'm leaving. And I'm leaving for good.Matapos ang lahat ng nangyari sa boracay, lalo lang tumibay ang desisyon kong iwanan si jarred. My consience is eating me alive. Hindi ko kayang sumira ng pamilya, hindi ko kayang gawin. Kahit pa sabihing mahal na mahal ko siya, hindi naman ako masamang babae para agawin siya sa anak niya.
Naizziper ko na ang huling maleta na gagamitin ko pag alis ng makatanggap ako ng text message mula sa isang unknown number.
"Hi, goodafternoon. My name is jhane, jarreds wife. Pwede ba tayong magkita? Please meet up with me. Wala naman akong gagawin sayo, gusto lang sana kitang makausap to ask some questions. Please text back. I really really need to talk to you. Text me when you're available."
Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko. Bakit naman niya ko gustong makausap? May nalalaman na ba siya?
Napabuntong hininga ako at napagdesisyonang itext sa kanya ang location kung saan kami magkikita.
Jhane's Pov
Dumating ako sa restaurant na sinabi ni jullie 2 hours bago ang napagkasunduan naming oras.Ang sakit naman na pati mga kaibigan ni jarred nagawa akong lokohin. Pinagtakpan pa nila ang kalokohan ng kaibigan nila. I feel like na pinagkaisahan ako.
Ang sabi ng kaibigan ni jarred girlfriend niya ang jullie na yon. At napahiya pa ko sa harap ng asawa ng kaibigan niya dahil sa pag aakalang niloloko nito ang asawa niya. Siguro pinagtatawanan na nila ko.
Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay ko.
Nagkagulatan kaming pareho dahil dumating kami ng mas maaga sa pinag usapang oras. Gayon pa man ay sinimulan ko ng sabihin kung ano man ang gusto kong sabihin.
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Gusto kong malaman mo na alam ko na ang relasyon mo sa asawa ko. Hindi ka girlfriend ni mike diba? Ang totoo girlfriend ka ng asawa ko. Nakita ko kayo sa boracay. At nalaman ko din na ipagpapalit niya kami ng mga anak niya para sayo." Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabi ang mga salitang maaring makapagpababa ng tingin sakin ng mga tao. Pero wala na akong pakialam, para ito sa mga anak ko. "Jullie, alam kong mahal na mahal mo ang asawa ko, at alam ko din na mahal na mahal ka niya. Pero kasi kasal kami at may mga anak. Kahit hindi kana sakin maawa, kahit sa mga anak ko na lang. Nagmamakaawa ako sayo, layuan mo na ang asawa ko. Maganda ka, bata, at dalaga. Madaming madami ka pang makikita na higit sa asawa ko. Please jullie. Iwan mo na ang asawa ko nagmamakaawa ako sayo." Lumuhod ako sa harapan niya, at natataranta siyang hinila ang mga kamay ko upqng tumayo.
"Please jhane, stand up. Dont do this to yourself. Wag kang mag iskandalo. I'm leaving the day after tommorow, kaya tumayo kana jan."
Dahan dahan akong tumayo "Really? Aalis ka? Iiwan mo na si jarred? Totoo ba yan?"
"Yes jhane. Yun naman talaga ang dapat. Dahil yun ang tama. Patawarin mo ko dahil nasaktan kita. Patawarin mo ko dahil ginulo ko ang tahimik mong buhay, patawarin mo ko kasi nasaktan ka dahil sakin. Patawarin mo ko dahil inigaw ko ang oras na dapat para sa inyo ng mga anak mo. I'm sorry ka-"
"Sshh.. 'Di mo na kailangan humingi ng tawad, tao ka lang at nagkakamali. Naiintindihan ko. Ang mahalaga handa kang ituwid ang mga pagkakamali mo. Pagkakatiwalaan ko ang mga salitang binitiwan mo. Madami ka pang makikilala at mahahanap mo din ang lalaking para sayo. Yung sayo talaga at wala kang magiging kahati. Maraming salamat sayo." Pinahiran ko ang luha ko, at ganun din ang ginawa niya. Parang nabawasan ng konti ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga sinabi ni jullie. Nabuhayan ako ng loob na may pag-asa pang maayos ang pamilya ko.
"Oo jhane, aalis ako at iiwanan ko ang asawa mo. Napakabait mong tao. Patawarin mo din sana si jarred, nagkamali kami pareho at alam kong sa pag alis ko ay mababaling muli ang atensyon at pagmamahal niya sayo, at sayo lamang. "
Pagkatapos niyang magsalita ay tumakbo na siya palabas. Hindi ko na tinangkang habulin pa sya. Alam ko naman na nasasaktan din siya, pero mali ang taong pinag-alayan niya ng pag-ibig niya.
Ipagdadasal kong sana ay matagpuan niya ang lalaking para talaga sa kanya. And it's not jarred, not my jarred!
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...