MY HUSBANDS MISTRESS- CHAPTER 39

18.8K 317 65
                                    

Jhane's POV

Masugid kong binabantayan ang bawat pagikot ng kamay ng orasan, mahigit apat na oras ko ng binabantayan ang bawat galaw nito, nakakainip ngunit okupado ang isip ko. Nagrant na ang annulment namin ni Jarred, malaya na ako, wala na akong ginagawang kasalanan sa mata ng diyos at ng tao. Hanggang ngayon nalulungkot ako pa din ang buong sistema ko at hindi ko alam kung bakit, ayoko na sanang maramdaman ito dahil nagiging ugat lamang ng madalas naming pag aaway ni Lawrence, pero kasi tumatak sa isip ko ang itsura ni jarred ng ibaba na ang hatol para sa aming annulment.

FLASHBACK

Niyakap ako ni Lawerence ng napakahigpit ng ibaba na ng judge ang kanyang hatol, makapigil hininga ang tagpong ito dahil hindi naming sigurado kung papanigan ba kami ng batas. Mula sa aking harapan ay nasilip ko ang madilim na mukha ni Jarred, punong puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata, subalit ngumiti siya saakin at umusal ng salitang 'sorry'.

Lumabas na siya sa pintuan at agad ko naman siyang hinabol, gusto kong magpasalamat sa kanya dahil hindi niya ako nilabanan sa kaso, hindi siya nag atubiling isiwalat sa korte ang pagkakaroon niya ng kabit at ang pagaabandona niya saakin at sa mga anak namin. Sa wakas ay napagisipisip din niya ang pagkakamali sa relasyon naming dalawa.

"Jarred! Can I talk to you? Please?" Humarap naman siya agad sa akin. "Thank you! Thank you sa lahat lahat. Sa pagbibigay ng dalawang makukulit na bata, sa pagmamahal at sa lahat ng magagandang alaala. Sa papel lang tayo naghiwalay, pero habang buhay tayong magiging magkaibigan dahil may mga anak tayo."

"You don't have to thank me. Ako lang dapat ang gumagawa non. Salamat sa mga panahong nakasama kita, salamat kasi binigyan mo ko ng pagkakataon na maranasan kung paano ba ang maging hari, hari sa piling ng pinakamaganda at pinakamabait na dyosa na itinuring ko lang na parang alipin. Sorry for everything, para sa mga sinayang ko, para sa lahat ng sakit at sa lahat lahat ng pwedeng maging impact ng paghihiwalay natin sa mga bata, it's all on me. I'm sorry, ako lang lahat 'to, ako lang ang dapat sisihin. Be happy, be happy with him and love him, make him your king dahil sigurado akong ikaw ang reyna ng buhay niya. Tama ka nga na siya ang lahat ng hindi ako, mamahalin ka niya ng higit sa pagmamahal na kaya kong ibigay"

"Jarred, lahat ng sinabi ko dati, dahil lang yun sa galit ko. Alam mong hindi yan totoo."

"Shh, it's okay. Totoo naman lahat ng sinabi mo. Basta maging Masaya ka sa bagong buhay na haharapin mo. Maibsan man lang kahit konti ang bigat ng konsensya ko, Makita ko lang kayong Masaya ng mga bata okay na ko. Magiging Masaya na din ako. Ang hiling ko lang ay wag mo sanang ipagkait sakin na Makita ang mga bata kahit dalawang beses sa isang lingo."

"Oo naman! Oo naman Jarred, welcome ka sa bahay anytime."

"Mabuti naman kung ganon. Go now, kanina ka pa niya hinihintay."

Jarred's POV

Mangiyak ngiyak siya habang nakatingin sakin, hindi siya makapaniwalang napakakalmado ko habang naguusap kami ng ganito, pero tang ina, mamamatay na ko dito sa sakit at ayoko ng yong ipakita sa kanya, ayoko ng makunsensya pa siya dahil pakiramdam niya nasaktan niya ko, pero ang totoo? Ako lang din naman ang nanakit sa sarili ko, kasalanan ko naman lahat kung bakit kami umabot sa ganito.

Tumalikod na siya at unti unting humakbang papunta sa kaligayahan niya. At doon na ako tuluyang umiyak, doon na ako bumigay at halos tumupi ang tuhod ko sa sobrang sakit ng dibdib ko, habang nakikita ko silang magkaakbay at masayang Masaya "Ako dapat yon e. Ako na lang sana yon!"

That's it! It's over, alam kong sa paghakbang niya palayo ay hinding hindi na siya lilingon ulit. Ng tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay bumigat ng sobra ang pakiramdam ko, biglang gusto ko na lang ,mamatay, pero kailangan kong labanan ang lungkot na ito, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganitong pakiramdam, araw araw kong titiisin ang sakit hanggang sa tumigil, o kung titigil nga ba. Bahala na lang ang diyos saakin, ayoko ng humiling ng kahit ano, wala naman na akong ibang gusto e. yung gusto ko kasing hilingin alam kong hindi na niya ako mapagbibigyan, wala ng pagasang matupad kasi pagmamay ari ng ng iba e.

Mga anak ko na lang ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko para mabuhay, ayoko mag fail as a father, ayoko na ulit biguin ang mga anak ko, hindi ko na sila ipagpapalit sa kahit na ano pa mang bagay. Sila ang gagawin kong sentro ng mundo ko, mundo ko na kaming tatlo na lang bubuo, si Andrei, Samantha at ako. Masakit isipin pero kailangang tanggapin, ito ang first step para makausad ako.

Suntok sa buwan ang pagkalimot but I don't have a choice, sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko itong gawin. Nanamnamin ko 'tong sakit hanggang sa matapos, hanggang sa mawala na. para kahit ang maging Masaya man lang sa araw ng kasal ni Jhane ay maibigay ko bilang regalo.

Ang dami dami kong pinagsisisihan, ayoko ng isaisahin kasi mapapagod lang ang bibig ko sa kakakwento at mapapagod lang din kayo sa pakikinig, wala din namang mangyayari. She turn her back at me and I know that she will never look back. Ang dami dami kong gusting ipaliwang pero mapapagod lang ang utak ko sa pagiisip wala din namang mangyayari kasi hindi na niya gustong marinig, wala na din naman ng saysay pakinggan kasi iba na ang laman ng puso niya e.

Ang dami dami kong pagkakataon na sinayang,ang dami daming damdaming gustong lumabas mula sa dibdib ko pero wala ng silbi kasi tapos na ang lahat para sa aming dalawa. I belong to yesterday, at ako ang kahapong hindi na niya kalian man gugustuhing balikan. Dahil puro hapdi at paghihirap lang naman ang laman ng kahapon, puro pasakit lang ang dulot ng kahapon para kay Jhane.

Hindi na niya mararanasan ang masaktan sa piling ng lalaking kaya siyang ituring na prinsesa,salamat sa diyos at tinupad niya ang hiling ko noon na Makita na ni Jhane ang taong desserving sa pagmamahal niya. Salamat po at pinagbigyan niyo ang hiling ko na makilala niya ang best guy na para sa kanya. Atleast once in her life may naidulot din akong maganda sa buhay niya. Atleast kahit papaano gagaan ang pakiramdam ko kasi ako ang humiling sa diyos na Makita niya ang taong magmamahal sa kanya ng sobra sobra.

Buti na lang! Buti na lang at pinagbigyan ng diyos ang munti kong hiling. Salamat panginoon!

"

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon