Jarred's Pov
Tinititigan ko si jhane dahil kinakapa ko pa din hanggang sa ngayon kung may natitira pa ba akong pagmamahal para sa kanya.Sa tagal ng pagtitig ko sa kanya mula pa kanina na nakatalikod siya ay napagtanto ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Yun ay AWA, hindi ko na maramdaman ang pagmamahal. Siguro ay nawala na dahil kay jullie. Naawa ako sa kanya dahil alam kong pag iniwan ko siya, wala siyang pamilya na matatakbuhan. Tanging mga kaibigan niya lang ang maaasahan niya.
Laking pasasalamat ko lang at hindi naman hinihingi ni jullie na iwan ko ang pamilya ko.. Pero alam ko sa sarili ko na kung hihilingin niya ay walang pagdadalawang isip kong iiwanan si jhane. Walang kwenta na kung walang kwenta, sinusunod ko lang kung anong makakapagpasaya sakin. Alam ko rin na hindi magiging maligaya si jhane saakin kung siya ang pipiliin ko, dahil magiging madilim ng tuluyan ang buhay ko kung iiwanan ako ni jullie, ayokong madamay sila sa kamisirablehan ng buhay ko, and jullie is the best choice.
Ang hiling ko lang para kay jhane ay makahanap siya ng tamang lalaki na mamahalin siya at hindi gagayahin ang ginagawa ko sa asawa ko ngayon.
Jhane is an amazing person, napakabait, maasikaso, at mapagmahal. Kinakantyawa nga ako ng best friend kong si arthur dahil perfest wife material daw ang asawa ko ngunit nagawa ko pa ding magloko.
Kahit sa sarili ko nagtataka din ako, hindi ko din alam ang sagot sa lahat ng "bakit" na tanong ng mga taong nakakaalam mg kagaguhang ginagawa ko sa misis ko.
Nang nagsimula na siyang maghain ng pagkain ay nginitian ko na lang siya at nagumpisa na kaming kumain.
"Love, sorry pala kanina kung nasigawan kita." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya..
"Okay lang yun, kasalanan ko naman kaya mo ako sinigawan. Dapat kasi inintindi ko na lang na pagod ka."
Lalo akong nakunsensya sa isinagot niya sakin. Ganyan pa din kaya ang isasagot niya sakin kung malaman niya ang mga pinagkabusyhan ko kagabi kaya hindi ako nakauwi.
(Flashback)
Pauwina ako ng makarecieve ako ng tawag galing sa unknown number."Hello?" Tanong ko sa tumatawag.
"Kayo po ba si Mr. Jarred javier?"
"Yes, ako nga. Bakit po? Ano pong kailangan niyo?"
"Kilala niyo po ba si Ms. Jullie herera?"
"Opo, siya po ang girlfriend ko. Bakit?"
"Nahimatay po kasi siya sa mall, isinugod ko po siya sa ********* hospital. Pakipuntahan na lang po siya sa room 407."
"What! Okay sige papunta na ko."
Dali dali akong pumunta sa hospital at tinungo ang roon number ni jullie. Naabutan ko siyang namumutla at mahimbing na natutulog.
Kinausap ako ng doctor niya at napag alaman kong mababa ang dugo niya at mababa din ang pottasium nia.
Hayy, malamang nag puyat nanaman siya dahil sa trabaho niya. Isa kasi siyang architect sa isang sikat na kompanya.
Okay naman daw siya, kailangan lang niya magpahinga. Binantayan ko siya magdamag.
"Okay naba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya ng magmulat siya ng mata.
"Nasaan ako?" Tanong niya sa mahinang boses.
"Nasa ospital ka, nawalan ka ng malay kahapon sa mall. Ikaw naman kasi siguro hindi ka nanaman natulog kagabi dahil sa trabaho mo. " pinapagalitan ko siya.
"Dito ka nagpalipas ng gabi? Pano angasawa mo? Tinawagan mo man lang ba siya na hindi ka makakauwi? Baka nag aalala na siya."
Grabe! Yun ang inisip niya kesa sa kalagayan niya?
"Wag mong isipin yun. Madali lang naman magdahilan. Ang isipin mo yung makapagpahinga ka at gumaling!"
"Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko." Malambing niyang sabi sakin.
"Hindi ako uuwi hanggat hindi ka okay. Kumain ka muna."
Napilit ko siyang kumain, at pinatulog ko muna siya bago ako tuluyang umalis.
(End of flashback)"Di kaba papasok sa opisina ngayon?" Tanong saakin ni jhane pagkatapps namin kumain.
"Hindi na muna love, pasyal nalang tayo?"
Tuwang tuwa naman siyang tumango.
"Kunin muna natin si andrei kina michelle."
"Okay ikaw ang bahala.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Okay sa susunod ulit..
Enjoy reading.~samsungchinina143
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...