Tatlong araw na ang nakakalipas magmula ng isugod ko sa ospital si Jullie. Pagod, puyat at gutom na gutom na ko, idagdag pa ang di maawat na pagiyak ni Jullie problema pa kung saan ko huhugutin ang perang ipambabayad namin sa ospital.Higit sa lahat ng hirap na dinadanas ko ngayon. mas mahirap ang paghihirap ng kalooban ko sa tuluyang pagbitaw ng aking anak sa sinapupunan ng kanyang ina. hindi ko naman masisi si jullie sa hindi niya maawat na pagtangis. Ikaw ba naman ang mawalan ng anak na ang tagal mong inantay.
Ayaw niya akong makita, makita pa lang niya ako ay agad-agad na siyang nagwawala. Ako ang sinisisi niya sa nangyari sa baby namin. That's unfair! Siya nga 'tong iniistress ang sarili sa mga pagseselos niyang wala namang basehan.
Madami siyang masasakit na salitang sinabi saakin, gusto kong isipin na baka dala lang ng kanyang labis na kalungkutan pero ang ilan sa panunumbat niya malalaman. Ang pagbintangan niya ako na ginusto ko daw talagang mawala ang bata para makabalik na ako sa dati kong asawa, tutal naman ay laging si Jhane ang laman ng aking isipan kaya lagi akong tulala at wala sa sarili. FUCK! Inaamin kong gustong-gusto kong bumalik sa asawa ko pero hindi ako kailanman humantong sa pagiisip na mawala ang sarili kong anak .
Tinry kong tawagan ang mga kaibigan ko para sana man lang kahit papano gumaan ang pakiramdam ko pero habang nag riring na ang kabilang linya ay tinamaan ako ng hiya. Now I know, mag-isa na lang ako at mag isa ko nalang na haharapin ang malaking problema na ito. May isa pang choice pero mas lalong nakakahiya kung hihingan ko siya ng tulong.
Si Mommy! siya na lang ang tanging choice na meron ako. Bagamat alam ko na hindi niya ako tatanggihan siyempre nakakahiya! Nadissapoint ko na nga siya ng iwan ko ang pamilya ko ngayon another dissapointment nanaman. How pathetic! Ano bang klaseng buhay ito. Hindi na ako tinantanan ng problema, kabi-kabila at samu't sari, What now? What am I gonna do now?
I'm nearly loosing my sanity, malapit na malapit ng mapigtal yung pisi ng katinuan ko, any moment now maaring magsalita na lamang ako dito na mag isa. It's very hard to lose a child ngunit higit na mas mahirap na hindi mo maidischarge ang asawa mo sa hospital dahil wala kang pambayad.
Mahabang sandali pa ang lumipas bago ako humantong sa pagdedesisyon. Kakainin ko na lamang ang aking hiya at tatawagan ang huling choice na natitira saakin. Babawi na lang ako kay mommy.
Jhane's POV
Kasalukyyan kong nilalaro si samantha ng maantala ako ng sunod-sunod na katok mula sa aming pintuan. Napabuntong hininga na lang ako spagkat hindi ko pa man nakukita ay alam ko na kung sino ang kumakatok.
Yes, it's Lawrence. Magmula nung mag resign ako sa restaurant nya hindi na niya ako tinigilan. Araw-araw siyang nandito sa bahay ko. Hindi ko naman siya pinapansin, hinahayaan ko lang siya sa labas ng bahay hanggang sa mapagod siya ay umalis.Kung inaakala nyong dahil pa din ito sa hindi nya pagsipot sa date naming dalawa, nagkakamali kayo. Nung ipinanganak ko kasi si Samantha narealize ko na hindi ko kayang pagsabayin ang pagtatrabaho, pag aalaga sa mga anak ko at lovelife. Andrei and Samantha, sila lang muna ang priority ko ngayon, gusto ko munang ipahinga ang puso ko. Gusto ko Andrei, Samantha and Jhane muna, ng sa gayon ay magkaroon ng madaming panahon si Lawrence at maging ako na din, makapag-isip-isip kung tama nga bang pumasok kami sa isang relasyon. Ayoko naman kasing ipilit ngayon tapos pagdating ng panahon bigla na lang kaming maghihiwalay dahil hindi pa pala talaga namin gustong makasama ang isa't isa sa habang buhay. Ayoko ng maulit yung nangyari saamin ni Jarred. Ako siguradong-sigurado na tapos si Jarred naman pala ay hindi pa, ako lang din ang nahihirapan at nasasaktan. Ako ng mangyari yun ulit, ayoko ng pagdaanan yung sakit maski sa aking panaginip.
Sa ngayon siguro ay itutuon ko ang aking buong oras at atensyon sa aking dalawang anghel.
Lawrence POV
Ilang oras na akong naghihintay dito sa labas ng bahay ng aking pinakamamahal, as usual hindi nanaman ako pinapasok. She said that she needs space. Gusto niyang pag isipan ko ang mga bagay bagay tungkol sa aming dalawa. Ang saakin lang, may mga bagay na hindi na kailangang pag isipan, minsan kailangan mo lang pakiramdaman.
Hindi ako naniniwalang kailangan pag isipan ang pagpasok sa isang relasyon. Kapag ba nakita mo na ang taong para sayo utak mo ba ang tumitibok? Hindi naman a, PUSO! Pakiramdam lang ang gagamitin mo hindi utak.Bagamat naiinis na ako dahil sa paulit-ulit na pagtataboy niya saakin at dahil na din sa pamamapak ng mga lamok sa aking katawan, hindi ako matigil-tigil sa aking "PANLILIGAW". Gusto ko kasi talaga siya. Mahal ko na siya at yun yung hindi niya mapaniwalaan.
Pero kahit ayaw nya, ipagpipilitan ko pa din ang sarili ko. Malay nyo makulitan sya at mapilitan na sagutin na ko. Kahit pilit na pilit na sagot okay lang sakin, basta mapasakin lang siya.
Wala akong pakialam sa nakaraan niya, ang mahalaga yung future na kami na yung magkasama. Tanggap ko ang anak niya at maging siya, wala na akong pakialam sa dati niyang asawa, wala na siyang pagkakataong bumawi dahil kukunin ko na si Jhane, akin na siya.
Tumalon ang puso ko ng mahagip ng mga mata ko ang unti-unting pagbukas ng bintana ng bahay ni Jhane. Ngunit ng namalayan niyang alam ko na nakasilip siya mula sa bintana agad-agad niya itong isinarado. Tumambling tumbling ang puso ko sa galak dahil she still cares. Nakakakilig sobra, at ngayon lang ako nagkaganito. Walang duda na siya na nga ang babaeng para saakin.
Next time dapat galing-galingan niya ang pagpapanggap. Yan tuloy hihimatayin na ko sa kilig dahil sa pa simple niyang pagsilip.
Sorry, heel week na ksi kaya busyng busy ako.
#samsungchinina143
![](https://img.wattpad.com/cover/46240175-288-k73525.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomantizmI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...