Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, nasa ikalimang buwan na ako ng aking pagbubuntis. Hindi ko na masyadong matandaan angvmga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na dalawa't kalahating buwan. Mas madalas kasi akong tulala at walang kibo sa mga paahon na yon kaya hindi ko matandaan kung papaano ko nga ba nagawang patuloy na mabuhay sa nakaraan buwan na bagamat nandito nga ang aking katawan, subalit ang aking kamalayan ay lumilipad sa lugar na hindi ko alam.Ganun pa man, alam kong kailangan kong ituloy ang buhay dahil may dalawang batang nakaasa sakin. Masakit na masakit pa din sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa buhay ko two months ago.
Sa sobrang desperasyon kong makalimot ay iniwan ko ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sakin kay jarred. Including our house. Dinala ko lang ay iilang photo album at mga damit naming mag ina. The rest ay iniwan ko na. Iilang mga bagay lamang ang pinili kong dalhin kasama ang sakit at bigat ng kaloobang iniwan ni jarred saakin.
Bumili ako ng maliit na bahay sa tagaytay gamit ang kakaunting pera na naipon naming mag-asawa. Ipinagpapasalamat ko lamang na hindi niya kinuha ang pera sa bangko. Kahit papaano may awa pa din siyang natira para sakin.
Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang restaurant malapit sa bahay namin. Sinasama ko nalang ang anak ko sa trabaho, wala kasi akong mapagiiwanan. Hindi na din ako nagparamdam lay mommy isabelle at mga kaibigan ko, I even changed my number. Ayoko ng madaming tanong at ayoko na ding maalala ang mga itinuring kong kaibigan na tinraydor lang ako dahil kasabwat sila sa panloloko ni jarred.
"Baby, behave ka lang a. Magtatrabaho na si mommy." Nginitian ang anak ko. Tinagilid niya ang ulo niya at saka ako nginitian na akala mo naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
Pumayag naman si Mr. Cruz na dalhin ko si andrei sa trabaho. Basta daw wag lang siyang makakasagabal sa trabaho ko. Mabuti nga at mabait ang boss ko. Mabait pa din sa akin ang diyos.
"Ms. Javier. Inapprove ko na ang request mong 2 days a week ang day-off mo. You need more rest para sa baby mo."
"Talaga po? Maraming salamat Sir. Nahihirapan na din po kasi akong gumising ng maaga."
"Well if that's the case do you want me to fix your schedule? Gusto mo ba lagi kana lang 12 pm to 10 pm?"
Napangiti ako ng malapad. Ang bait bait talaga ni Sir! "Ok lang po ba?" Nahihiya na ko sa sobrang kabaitan niya. Approachable yan si Sir, lagi kasing nakangiti kapag tinatawag siya ng mga empleyado niya. Halatang mabait na tao. "Ofcourse okay lang! Ayoko namang mapahamak kayo ng baby mo. Ilang biwan ja nga pala ang baby?" Hinapalos niya ang tiyan ko at napapitlag ako. Nakakailang!
"I'm sorry! Hindi ko sinasadya. Naexcite lang ako sa baby mo." Nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Okay lang po. Hindi lang po siguro ako sanay. Anyway the baby is turning 6 mos. Next week."
"O, is it heavy?"
"Hindi naman. Masakit lang sa balakang kasi nakakangalay."
"Ganun ba? Ok I have to go. Aayusin ko na lang yung schedule mo starting tommorrow."
"Ok Sir thank you." Nakakatuwa talaga si Sir, ang bait bait na ang gwapo gwapo pa. Para siyang hollywood actor sa sobrang kagwapuhan at kakisigan. I think humahanga na ako sa boss ko.
Dont get me wrong, humahanga lang. Iisang lalaki pa din ang minamahal ko hanggang ngayon.
Bigla na lamang akong nalungkot ng maalala ko siya. Umaasa pa din akong babalik siya, pero at the same time alam ko namang wala na talagang pag-asa.
Kasi kung talagang mahal niya ko, hindi niya maiisip na iwan ako. Hindi ko man matanggap ay alam ko sa sarili kong wala na talaga siya. Iniwan na ko, at hindi na siya babalik.
Masaya na siya ngayon. Samantalang ako luhaan pa din at basag ang puso. Habang siya nagpapakaligaya ako miserable. Napakaunfair naman ng buhay para sakin. Galit ba saakin ang diyos? Lahat kasi ng taong minamahal ko ng lubos kung hindi mamamatay, iniiwan naman ako. Napapaisip na lang tuloy ako. Ganun na ba ako kasamang tao? Para masaktan ako ng ganito? Para iwanan ng mga taong minamahal ko? Ano bang kasalanan ko? Bakit ganito kalupit ang diyos saakin?
Tinapos ko na ang mga trabaho ko at nagmadali na akong umuwi kasama ang anak ko. Hindi ko na siya kayang kargahin dahil bukod sa mabigat na siya ay anlaki pa ng tiyan ko. Kaya naman pinalakad ko na lang siya.
"Andrei? Wag mong iiwan si mommy a? Kayo na lang ni baby amg meron ako. Pagkayo ang mawala, mamamatay ako." Nakakatuwang ngumiti siya ng napakatamis sakin. As if He understand what I'm saying. Ito lang ang naging bonus ko sa buhay. Ipinagpapasalamat ko lang na nabiyayaan ako ng anak, hindi lang isa kundi dalawa. Kahit ganito ang kinahinatnan ng relasyon namin ni Jarred, forever naman akong magpapasalamat na nakilala ko siya. Dahil sa kanya may dalawa akong anak na mag-alaga sakin sa pagtanda ko.
Jarred's POV
It's been a while ng mabalitaan ko ang kalagayan ni jhane at ng anak ko. Sabi ni mommy umalis daw si Jhane at hindi nagpaalam kung saan siya pupunta, in short nawawala ang mag-iina ko. Gustuhin ko mang umuwi at hanapin sila ay hindi pwede. Kailangan din ako ni Jullie, She's having a hard time on her first trimester. Yes! I'm having a baby with her. Sa ngayon ay inadvice ng doctor na mag bed rest hanggang mag second trimester siya.6 weeks na ang ipinagbubuntis niya. Nagaalala pa din naman siya kay Jhane. Kaya lang ay wala naman kaming magagawa, mahal namin ang isa't isa. Lalo pa ngayon na magkakababy na kami. Mahal ko siya at mahal din niya ako. Kasalanan man sa paningin ng iba, wala na kaming pakialam. Ang importante ay masaya kami at hindi na nagtatago, malaya na kami kahit saan kami magpunta.
Mahirap na hindi ko nakikita ang anak ko, pero mas mahirap kung uuwi ako at haharapin ko ang panghuhusga ng mga kaibigan ko. Alam ko naman na mali ako e. Alam kong nagkamali ako. Talaga bang mga kaibigan ko sila? Kasi ang tunay na kaibigan susuportahan ka kung anong makakapagpasaya sayo. Hindi yung sila pa ang kaunahang huhusga sa mga desisyon mo.
Ayoko na lang buksan ang mga social media accounts ko, alam oo naman na mga negative comments lang ang marerecieve ko. At isa pa alam kong wala na kog babalikang trabaho sa pilipinas. Umalis ako sa trabaho ng walang paalam, sigurado akong nadissapoint sila sakin. Wala na din ang inaasam kong promotion.
Ngunit ganun pa man, hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko. Dahil kung hindi ko isinakripisyo ang mga bagay na yon, hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makasama ang babaeng mahal ko. She's worth all of my sacrifices. Kung mauulit man ang naging sitwasyon namin noon hindi ako magdadalawang isip na piliin ulit si Jullie.
Gabi gabi kong ipinagdarasal na sana ay nasa mabuting kalagayan ang mga anak ko at pati na din si Jhane. Sana mahanap na niya ang lalaking para sa kanya. At sana kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon, sana ay alagaan siya at mahalin. Yung hindi siya ipagpapalit sa kahit na ano at sa kahit na sino. Yung lalaking hindi ako.
Napakabait na tao ni Jhane. And she desserves the BEST GUY IN THE WORLD. Unluckily that BEST GUY IN THE WORLD is not me. Hindi ako desserving sa pagmamahal niya, at lalong hindi ako karapat dapat na makapiling niya panghabang buhay. Alam ko na kapag nakita na niya ang taong kayang pantayan ang pagmamahal na kaya niyang ibigay, ipagpapasalamat niya sa diyos nawala ako sa buhay niya.
Minahal ko siya. Totoo. Minahal ko din siya, pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Jullie. It's too late to appologize, tapos na e. Nangyari na, nasaktan ko na siya. I will never regret my decisions but I'll forever be sorry for the damage. Habang buhay kong dadalhin ang kasalanan ko sa mga anak ko. Hindi sapat ang salitang SORRY para mapatawad nila ko. Pero pagdumating ang panahon na susumbatan nila ko. Nakahanda akong lumuhod sa kanila mahingi lang ang kanilang kapatawaran...
Hooooo...... Maikli lang talaga ang UD na kya ko. Sorry. Pagtyagaan nyo nalang muna.
Anyways thank you sa lahat lahat ng votes, comments and sa lahat ng nagbabasa.
LOVE YOU ALL.
SAMSUNGCHININA143
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...