MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 18

24.6K 396 88
                                    

Jhane's POV

"Good morning Ma'am/Sir, here's your order. Enjoy!"

Nasanay na ko sa gawain ko sa restaurant. Ngingiti sa tuwing mag seserve ako sa mga tables at syempre babati sa mga customers.

Kaya lang, habang tumatagal ay nahihirapan na akong kumilos. Nangangalay na ding madalas ang aking balakang. Nasa ika siyam na buwan na kasi ako ng aking pagbubuntis kaya medyo nahihirapan na talaga ako.

Halos ayaw naman akong pakilusin ng mga kasama ko dito. Kahit ang simpleng paglilinis ng table ay ayaw nilang ipagawa saakin. Hindi naman pwedeng tatanga na lamang ako sa isang tabi at magaabang ng sweldo tuwing kinsenas at katapusan.

Nahihiya ako sa ganun, pare-pareho lamang naman kaming sinuswelduhan, kaya dapat ay pantay-pantay din ang trabaho. Kahit pa mapilit silang pagpahingahin na lamang ako sa isang tabi, mas mapilit akong gumawa ng magagaang na trabaho, yung mga bagay na kayang-kaya ko pang gawin katulad na nga lang ng pagpupunas ng mga tables at pagbati sa customer.

Ayoko pa din kasing magleave dahil kailangan ko pa ng pera pagkatapos kong manganak. Syempre isang buwan din akong hindi makakapagtrabaho. Wala naman akong ibang mapagkukuhanan ng ipanggagastos namin kundi sa sarili kong bulsa.

Nag-offer nga si sir jarred na siya na ang bahala sa mga gagastusin ko sa ospital, pero tinanggihan ko kaagad. Sobra-sobra na nga ang kabaitan niya e, ayokong abusuhin 'yon. Lalo pa't nagpaparamdam siya saakin ng kanyang damdamin.

Ayoko siyang tanggapin dahil hindi pa ako nakakasigurado kung nakaahon na ba ako. Ayokong madaliin ang lahat. Gusto ko, kung magmamahal man ako ulit ay maibibigay ko ng buong-buo ang aking sarili. Yung wala na talagang natitirang galit at pagmamahal para sa dati kong asawa.

Wala na siguro akong galit, pero pagmamahal? Hindi ko ipagkakaila na meron pa. Hindi na ganon kalalim, pero may konti pa.

Gusto ko ang ibibigay kong pagmamahal sa susunod kong karelasyon ay buo. Buong-buo na dumating man ang pagkakataong magtagpo ang nakaraan at kasalukuyan, hindi ako malilito sa pagpili. Dahil sigurado ako kung sino yung mahal ko.

Hindi pa naman siyadiretsahang umaamin. Pero ipinaparamdam niyang mahalaga ako.

Yung tipong pagpapasok siya ng restaurant, ako agad ang hahanapin ng mata niya. Kakamustahin niya ko sa umaga, tanghali, hapon at gabi. Binabantayan kung iniinom ko ba ang mga vitamins ko at kung kumakain ba ako sa tamang oras.

Yung mga ganung bagay na senyales na mahalaga ako sa kanya, hindi lang ako kundi pati na ang mga anak ko.

Willing naman ako magbigay ng chance. Hindi nga lang ngayon. Ngunit siyento por siyento ang kanyang pag-asa.

"Uhm, Jhane?". " Yes, Sir? May kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya dahil katulad ng palagi niyang ginagawa, bigla nanaman siyang sumulpot galing sa kung saan. "Wala naman. I just wanna ask you something" kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ano naman kayang itatanong niya sakin? "Ano po 'yon?".

"Are you... Busy.... Tonight?" Seriously? Kailangan talaga ganyan kabagal ang pagtatanong? Para siyang teenager. "Wala naman po. Bakit niyo po naitanong?" I smiled, parang nahuhulaan ko na kung saan papunta ang usapang ito. "Really? Hmm..... Can I invite you for dinner?" Nakakagat labi siya habang hinihintay ang sagot ko. "As much as I wanted to say yes, I cant. Wala po kasing magbabantay sa anak ko you kno-" He cut me off. "I intend to bring him along. You dont have to worry. So, is that a Yes?" Ngumiti ako sa kanya at saka tumango.

      Tila nagulat naman siya na pumayag ako. Sa ilang linggo kasi na pagaaya niya saaking lumabas ay ngayon lamang ako pumayag.

     Dinner lang naman e. Hindi naman ibig sabihin non ay magiging kami na. May delikadesa pa din naman ako dahil may asawa akong tao. Kahit naman magkahiwalay na kami ni Jarred ng landas, asawa ko pa din siya. Kasal kami sa mata ng tao at ng diyos.

      Hindi magandang tignan na magkakaroon ako ng boyfriend lalo na at ako ang babae.

     "Really? Payag ka? So, pano sunduin na lang kita around 10 pm?" Nakakasilaw naman ang ngiti ng pogi na to. Nakakahawa yung ngiti. "Ikaw ang bahala."

      Umalis na siya at tinungo ang daan papunta sa kanyang opisina.

      If ever na makaahon ako ng tuluyan sa sakit. There's a big possibility that I'll choose to spent the rest of my life with him. Walang pagmamadali, I'll just enjoy the moment..........

Jarred's POV
       Ang tagal na panahon na akong nakatambay. Walang trabaho, walang pera at wala ng pride. Sa araw-araw na mabilis na lumilipas ay nandito lamang ako sa apat na sulok ng bahay namin ni jullie. Nakatunganga at nakahilata.

        Barag barag na ang pride ko. Paano ba namang hindi, wala akong silbi, nakaasa lamang ako sa pera ni Jullie. Tinitiis ko na nga lamang ang init ng ulo ni Jullie. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng init ng kanyang ulo. Kahit sino namang asawa ay makukunsumi, kung ang iyong kabiyak ay batugan at walang silbi.

           Ano bang kamalasan ang nangyari sa buhay ko? Napapikit na lang ako sa inis, inis sa aking sarili at inis sa sitwasyon.

          Ayoko naman na lalo pang pababain ang sarili ko kung tatanggapin ko ang trabahong iniaalok ng kapitbahay naming chinese. Inaalok kasi niya ako bilang dishwasher sa kanyang restaurant. 12$ ang isan oras ko. Saan naman makararating yun?

      Nagulat ako ng lumabas si Jullie sa aming kwarto ng bihis na bihis. "Saan ka pupunta? Bakit ka tumayo? Sabi ng doktor kailangan mo mag bed rest sa loob ng anim na buwan. Apat na buwan ka pa lang." Hinatak ko siya papasok sa loob ng kwarto ngunit iwinaksi niya lamang ang aking mga kamay. "Maghahanap ako ng trabaho."

     "Ano bang sinasabi mo? Delikado yun para sayo. Tumiul ka nga!" Nag uumpisa na akong mainis sa kanya. Wala ba siyang isip? Paano kung mapahamak siya. "Unti-unti ng nasasaid ang ipon ko. Wala na akong pera! Paano tayo kakain? At paano ang panganganak ko? Kung sana kasi tinanggap mo na yung trabahong iniaalok ni Mr. Chao e d sana kahit papano may pera tayo!"

   "ANO! Nahihibang kana ba? Mataas ang pinag aralan ko tapos papasok akong dishwasher? Lalaki ako. Pagtatawanan lang ako ng mga tao!"

    "Ayan ang hirap sayo! Madami kang dahilan! BATUGAN!"

    Bago ko pa maisip ang tamang gawin ay lumagapak na ang kamay ko sa pisngi niya. Nagdilim ang paningin ko. "Sumosobra ka na! Pinagbibigyan lang kita sa init ng ulo mo dahil buntis ka. Pero sumosobra ka na!"

     Hawak niya ang kanyang kanang pisngi. Nagmartsa na siya palabas at pabalibag na isinara ang pintuan.

       Napaupo na lamng ako sa sofa. Sinabunutan ko ang aking sarili dahil eto nanaman ako. Nagpapadala nanaman ako sa aking emosyon. Ayokong saktan siya, pero nagawa ko!

   Anong klase ba akong tao?

   May point naman siya e. Ayoko lang talagang tanggapin yun.

   Isinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan ng sofa at tumunganga ng matagal sa dingding.    Matagal na matagal............




     Sooooooorrrrrrryyyyy! Ang tagal bago nakaupdate ulit.

  Anyways, enjoy kayo. Malapit na mag 20k yung reads ng story natin.

Salamat po!!!!!!!!

LOVE LOVE LOVE!

      

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon