Akma na akong babangon pero hindi ko magawa kasi may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking likod at tiyan, hindi ko magawang kumilos dahil bukod sa mabigat ay namamanhid din ang buo kong katawan. Si Lawrence siguro 'to, nakatuon ang buong bigat ng kanyang katawan sa likurang bahagi ng katawan ko kaya siguro namamanhid ako.
Pinilit ko siyang tapikin sa kanyang braso na nakadagan sa may bandang tiyan ko. "Hmm." Umungol lang siya at lalong nagsumiksik sa pagyakap sakin. Umusod siya ng pagkakahiga at tinangay ako kasama niya.
Tinapik ko sya muli sa braso "Umaga na! magaasikaso na ko ng almusal."
"hmmm... Maya na." parang antok na antok pa yung boses ni Lawrence. Napuyat siguro kay baby Sam.
"Maaga pasok ko sa pabrika. Remember?"
Sa wakas pinakawalan din niya ako. Hindi na siya sumagot at tingin ko natulog na lang ulit. Mukhang pagod talaga siya kasi wala pang limang minuto malalim na agad ang paghinga niya.
Inayos ko muna ang aking sarili bago ako nagtungo sa kusina para magasikaso ng aming breakfast. Tocino at hotdog na lang siguro ang ihahanda ko para sa kanila.
While cooking bigla nanaman akong nakaramdam ng guilt dahil sa nangyari kagabi. Eto nanaman yung feeling na para akong nagtataksil. Ayokong isipin pero kusa talagang pumapasok sa isipan ko na considered as cheating pa din 'tong ginagawa ko. Hay ang gulo! Kabit kabit na tong problema naming. Nangaliwa ang asawa ko, at ganun din ang ginagawa ko ngayon. Siguro pag napa annul na yung kasal ko, hihintfo na din yung ganitong pakiramdam.
4:00 am ng matapos akong magluto, sinilip ko muna ang mga bata, himbing na himbing pa din naman sila sa pagtulog. Dumiretso na ako sa kwarto naming ni Lawrence para ihanda ang mga gagamitin ni Lawrence sa opisina. Tulad ko ay maaga din ang pasok niya sa trabaho. Lalo ngayon na sandimakmak ang problema niya sa restaurant, kailangan niya pang mas lalong agahan. I took a shower after kong maisaayos ang lahat ng kakailanganin namin sa pagpasok sa trabaho.
"Papa! Wake up, it's exactly 4:30 am. Malilate baka malate ka niyan." Wala naman siyang katinag tinag sa pagkakahiga kaya mas nilakasan ko ang boses ko. "LAWRENCE! GISING NA."
"tsk! Oo na wag ka sumigaw. Baka magising yung mga bata." Napilitan na siyang magdilat ng mata kahit pupungas pungas pa. "Kasi diba madami kang problema ngayon sa restaurant? Bumangon ka na para makapagisip ka ng solusyon. Nakahanda na yung almusal mo sa labas, yung mga gagamitin mong damit naihanda ko na din, so ano?"
"Tss. Daldal. Maya-maya na masyado pang maaga. Tabi ka muna ditto." Tinapik tapik niya ang pwesto sa tabi niya, niyayaya akong humiga katabi siya. Pinagbigyan ko na lang siya kasi alam kong stressed siya dahil sa dami ng problema.
Lawrence's POV
Ang aga-aga ang daldal ng girlfriend ko. Ganto pala ang mga misis? Nagrarap sa madaling araw? Adjustments! Masasanay din ako ng ganito. Sanay kasi akong gumigising na tanging aircon lang ang naririnig kong ingay. Ang sarap pala ng may asawa, paggising mo sa umaga nakahain na ang lahat ng kailangan mo. Nakakapagtaka talaga yung kupal na si Jarred. Bakit sinayang niya yung ganito kaasikaso na asawa?
"Meron akong business trip sa hongkong for two weeks. Paano yung mga bata, sinong magaasikaso?" Pagkekwento ko sa kanya, nakarecieve kasi ako ng tawag kanina galing sa dad ko. Bubuksan na kasi yung restaurant naming doon sa Hongkong, ako na lang ang pupunta para sa opening. Gusto ko sana silang isama kaya lang masyadong urgent kaya hindi ko maihahabol ang mga papeles nilang tatlo. Nag aalala ako kung paano niya maaalagaan yung dalawa kung nagtatrabaho siya. "Ganun? Naku, pano yan? Meron din yatang problema si 'nay Lourdes sa business niya."
"Yun nga din yung ipinagaalala ko. Paano kayo? Ayoko naman iasa sa yaya yung pag aalaga sa mga anak KO." Oo, mga anak KO talaga dahil nang minahal ko si Jhane kasama na doon ang kanyang mga anak. "Ayoko naman mag resign sa trabaho. Gusto ko meron akong sariling pinagkakakitaan. Ayoko ng nasa bahay lang ako." Naiintindihan ko naman siya, marahil siguro sa sinapit niya sa dati niyang asawa kaya ayaw na niyang maging housewife. "Bakit? Kaya ko naman kayong buhayin a. magresign ka na lang muna sa pabrika na 'yon. Ipapasok kita sa bagong business namin, pabrika din 'yon. Ilalagay kita sa posisyon na hindi full time para maalagaan mo yung mga bata. Para din hindi ka masyadong pagod. 'Di tulad pag factory worker ka na shifting schedule." Totoo 'yon. Meron kaming business na itatayo next year, pabrika ng mga branded na damit. Naumpisahan na ang construction ng pabrika na itatayo at target itong matapos next year. Hindi din biro ang hirap na dinanas ko maaprobahan lang ang lahat ng legal documents ng pabrikang itatayo ko.
"Ilang buwan pa 'yon. Nakakahiya na sa mga magulang mo, hindi mo naman kami kaa-no-" I kissed her para matahimik. Hindi na kami natapos sa issue na 'to. "Diba kilala mo naman na ang mga magulang ko? At alam mong hindi sila ganon. Never nilang maiisip na pabigat ang mga APO NILA. Saakin na kayo, pamilya na tayo. Responsibilidad ko na kayo magmula ng pumasok kayo sa buhay ko. Ayoko ng maririnig ulit 'to. This will be the last time that we will talk about this shit. Okay?" Ayaw na ayaw ko talagang naririnig yung mga ganon na salita. Ayokong nararamdaman nilang pabigat sila sakin dahil tang ina! Ang sarap sarap nilang gawin na priority. Ibibigay ko lahat ng kayamanan ko wag lang mawala sakin ang mag iina na 'to."Sorry. hindi na mauulit."
"So you'll resign? Sandali na lang ang apat na buwan mommy. Alagaan mo na lang mula sila baby. Para makapahinga ka din. Baka mabinat ka niyan." Mahabang sandali muna ang lumipas bago siya humarap at yumakap sakin. "Okay, sige na, panalo ka na. magreresign na 'ko. Kung di ka lang malakas sakin, hinding hindi kita pagbibigyan." Buti na lang pumayag siya. Kasi kung hindi, hindi talaga ako aalis ng pilipinas para bantayan ang mga anak KO. Bahala na si Dad ang umasikaso ng lahat. Jhane and the babies is now my TOP priority, family first.
'Di ko alam kung ano bang meron sa magiina na 'to at nagkaganito ako. Kung ano man ang dahilan, gusto ko magpasalamat sa diyos. Napaka sama ko para magpasalamat sa kinahinatnan ni Jhane at Jarred but I'll be thankful anyway. Kung hindi sila naghiwalay, hindi ko makikilala ang taong makakapagpasaya saakin ng ganito, hindi mapupunta sa mga palad ko ang mga batang kumumpleto sa lahat ng kulang sa buhay ko. Hindi ako magiging ganito kasaya kung hindi nangaliwa ang kupal na Jarred ngayon. Hindi ako natatakot kung sakali mang magbalik siya, because I swear to god. Papatayin ko kung may magtatangkang umagaw sa pamilya ko.
Isinusumpa ko na walang makakaagaw sa kanila, kahit pa ang tunay na asawa at ama ng tinatawag kong pamilya.
Yihhhh. Malapit ng mag 100k yung reads ng story natin. Super happy talaga ako kasi hindi ko nga expected na aabot ng 1000 reads man lang yung story ko e. tapos ngayon biglang makaka 100,000 reads pa? anon a? aatakihin na ko sa sobrang saya.
Dahil madaming nagrerequest ng POV ni Jarred, next chapter po ay POV na niya.
Thankie thankie mga beh! Keep on reading ,voting and commenting okay?
#allofmyreadersandfollowersis<3<3.

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...