MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 17

23.7K 403 62
                                    


        My life here in america is far different from the philippines. Dito pahirapan ng paghahanap ng trabaho. Hindi ko magagamit ang pinag-aralan ko sa pilipinas. Makahanap man ako ng matino tinong trabaho, mababa naman ang sweldo. Nahihiya na nga ako kay Jullie dahil mag mula nang dumating ako, siya ang sumagot ng lahat ng expenses namin. Mas nakakahiya naman kung hihingi ako kay mommy.

        Gustuhin ko mang magpadala kay mommy ng pera para kung sakaling mahanap niya ang mag-ina ko, may panggastos sila. Alam ko naman ang responsibilidad ko. At wala akong plano na talikuran 'yon. Kaya lang ay katulad ng palagi kong dahilan WALA NANAMAN AKONG MAGAGAWA!

       T*ang ina! Nabubwisit na ko sa sarili ko! Gustuhin ko mang umuwi sa Pilipinas para doon na magtrabaho at mamuhay, hindi naman papayag si Jullie. Wala na daw siyang mukhang ihaharap sa mga kakilala niya.

    Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Sinasakitan ako ng ulo sa labis na pag-iisip. Alam kong magiging mahirap ang pagharap sa mga consiquences ng kasalanan namin. Hindi namin napaghandaan ang bagay na ito. Naging padalos-dalos kami sa aming mga desisyon.

       Pero ano pa nga bang gagawin? Kun'di tanggapin na lang ang sitwasyon at gawan ng paraan.

      Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang mga desisyon ko. Naiinis lang ako kung bakit hindi ko napaghandaan ang bagay na ito. Nanliliit na ako sa sarili ko. Kung pwede lang na ibaon ko ang sarili ko sa pinakamalalim na hukay sa mundo gagawin ko.

          Nahihiya ako kay Jullie, pero mas lalo akong nahihiya kay Jhane. Iniwan ko na nga, pati ba naman ang responsibilidad ipapapasan ko sa kanyang mag-isa? WTF! Ito ngang kay Jullie na hindi pa nalabas at nasa sinapupunan pa lang, nahihirapan na akong sustentuhan. Paano pa kaya si Jhane na dalawa ang binubuhay?

       Nag-aalala ako sa kanila. Paano na kaya sila kumakain at nabubuhay ngayon? Napapadasal na lang ako sa diyos sa tuwing binabayo ng kaba ang dibdib ko sa pag-aalala.

          Akala ko tapos na ang problema kapag nakapili na ako kung si Jullie ba o si Jhane. Umpisa pa lang pala yon ng mas malaking problema. Ito na nga kinakarma na ko. Halos pumutok na ang utak ko sa sobrang dami ng problema ko.

       Sana hindi pa ko tuluyang takasan ng bait para makapag-isip ako ng tama kung paano ko susulusyunan itong bagong problemang kinasasangkutan ko. Sana.....

Jhane's POV

      Nagmumuni-muni ako sa loob ng kwarto ng lumapit saakin ang anak ko at nagpa kalong. "Ma, yigo? Yigo?"

      Tinawana ko lang siya dahil siya na mismo ang nagpaalala sakin na oras na ng kanyang pagligo. Nakakatuwa, natatandaan niya ang mga ginagawa ko sa kanya araw-araw.

       Sana palagi lang siyang bata at inosente. Yung tipong gigising ng walang inaalala at walang pinoproblema. Sana lagi lang siyang ganito.

       Alam kong importante sa isang bata ang kumpletong pamilya. Pero anong gagawin ko kung ito ang ibinigay na tadhana ng maykapal? Hindi ko na gugustuhing kwestyunin ang karunungan ng diyos. Ibabalinh ko na lang ang buong pagmamahal at atensyon ko sa mga anak ko. Para kahit may kulang man, ay hindi naman ako papalya na punuan ang pagkukulang na yon.

       Kahit papaano swerte pa din ang mga anak ko dahil lalaki sila na may inang nagaaruga. Ako nga noon, wala ni isang magulang na gagabay sa aking paglaki. Kung meron mang gumabay sa akin ay hindi ko naman kaano-ano.

       Sana lamg ay bigyan ako ng lakas ng diyos para manatiling buhay hanggat kaya na ng mga anak kong tumayo sa sarili nilang mga paa. Para pumikit man ako at matulog pang-habang buhay ay hindi ako mangangamba kung papaano sila, kung paano sila kakain, at kung sinong mag-aalaga sa kanila.

      Yun na siguro ang pinakakinatatakutan ng mga magulang. Ang pumikit ang kanilang mga mata ng wala pang kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

      Me, myself ay 'yun ang pinakakinatatakutan. Isipan pa lang ang bagay na iiwan ko sila pinanginginigan na ako ng katawan.

      Hindi ako natatakot mamatay, natatakot ako para sa mga anak ko. Dahil alam ko kung gaano kahirap lumaki ng walang magulang. Mamulat sa buhay na nag-iisa at walang kakampi. Dahil kapag may nanghamak sa iyong pagkatao ay iiyak ka na lamang sa isang tabi, dahil alam mong wala kang laban. At walang magulang na magtatanggol sa iyo. Kaya pipiliin mo na lamang at manahimik at wag ng depensahan ang iyong sarili.

        Tinuro saakin ng mundo ang lahat ng kailangan ko malaman sa pinaka mahirap at masakit na paraan. Ayoko ng pagdaanan yun, at mas lalong ayaw kong pagdaanan yon ng mga anak ko.

      Hindi na baleng saluhin ko ang lahat ng hirap ng nag-iisa. Basta masiguro ko lamang na nasa maayos silang kalagayan.

     Ayoko ng manisi ng kahit na sino. Pagod na ko. I'll let go the anger, the heartache. And i'll try to forgive them. Yun na lang naman ang dapat kong gawin. Tanggapin at magpatawad para makaahon na ako ng tuluyan sa sakit. Kapag magawa kong magpatawad, makakahinga na ako ng maluwag dahil mawawala na din ang bigat saaking kalooban.

      Tama na din ang paninisi saaking sarili. At tama na din ang pagtatanong kung saan ako nagkulang.

      Dahil I realize na pareho kaming nagkamali. Naging masyado akong maluwag at mapagbigay sa kapritso ng aking asawa. At siya naman ay naging mapangabuso sa kalayaang ibinibigay ko sa kanya.

      Naging masyado akong kampante at kuntento. Habang siya ay umabuso at naging mapaghanap.

     Tanggap ko na. Tapos na talaga. Tapos na talaga kami.

     Masakit, ngunit masaya ako. Dahil sa wakas, makakalaya na ako sa sakit. And at the same time, it's painful. Dahil ang daming nasayang, pagmamahal,oras, at higit sa lahat, ang masaya naming pamilya.

     Hindi na ako ulit iiyak. Kasi ako lang naman ang nasasaktan at nahihirapan. Pero sila? I doubt it. Baka nga hindi na nila ako naaalala. Mamahalin ko na lang ang aking mga anak at ang aking sarili.

     Hindi ko isinasarado ang aking puso, kung saka-sakali mang may darating na muling makakapagpatibok ng aking puso.

    Kung sakali mang may magmaahal saakin, ay sisiguraduhin kong pantay ang pagmamahal ko sa kanya, at saaking sarili. Ngunit higit kaninoman, mas mamahalin ko ang aking mga anak.

      Dahil sila lang ang magmamahal saakin ng totoo. At panghabang-buhay.....


    Okay updated na ulit siya.

O ayan a, tinatry ko na makapag update regularly.

  Pasasalamat ko na din sa inyo kasi nageeffort kayong basahin ang story ko.

    Hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo kahit araw araw pa.

   THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU!

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon