Ang ganda ng tanawin, gumagalaw ang sanga ng mga puno dahil sa mabining paghampas ng hangin. ang sarap titigan ng mga batang naglalaro sa park kung saan kami kasalukuyang namamasyal na mag iina kasama si Lawrence. Napakapeaceful at napaka gaan ng pakiramdam ko ngayon.
Hindi ko inakala na makakaramdam pa pala ako ng ganitong klase ng kapayapaan, yung pakiramdam na malaya, yung kahit na anong gawin ko wala na akong dapat pang ikabahala kasi alam kong hindi na ako nakakagawa ng anumang bagay na labag sa batas. Ibang iba na ako ngayon, napatawad ko na ang dati kong asawa at napatawad ko na din ang sarili ko, ang sarap sarap sa feeling.
Malaya na ako, malaya na kaming namumuhay ng lalaking pinakamamahal ko, wala na yung sakit at hindi na ko binabagabag ng konsensya ko. Mapayapa na ang mga tulog ko at hindi na ako pabilingbiling sa kama. Ganito ang pakiramdam ng tunay na masaya, yung purong kaligayahan lang ang mararamdaman mo, secured ang puso ko dahil hindi pumapalya si Lawrence sa pagpaparamdam sa akin na mahala niya ako, at pati na din ang mga anak ko. Merong maliliit na pagbabago, syempre lahat naman ng bagay pabago bago. Sinusundan ko na lang ang bawat pagbabagong nangyayari sa buhay namin ni Lawrence.
Nararamdaman ko ang halaga ko bilang babae sa piling ni Lawrence,pinahahalagahan niya ang nararamdaman ko kaya naman natuto akong pahalagahan ang sarili ko. Ganun pala dapat talaga, bago ka magmahal ng iba, dapat mahalin mo muna ang sarili mo, paano ka nga naman magmamahal kung hindi mo alam kung paano mamahalin ang sarili mo?
Ang payo ko lang sa kapwa ko babae, mahalin mo muna ng isang daang pursyento ang sarili mo, kapag kasi mahal mo ang sarili mo, malalaman mo ang halaga mo at malalaman mo ang purpose mo sa mundo. Hindi dapat minamadali ang pag aasawa, yan ang natutunan ko sa buhay. Ang akala ko kasi noon, sapat na na mahalin at asikasuhin mo ang iyong asawa para hindi na siya maghanap ng kalinga sa iba. Maling mali ako don, kahit pala gawin mong hari ang asawa mo, maghahanap at maghahanap sila ng ibang hihigit sayo, hindi sila marunong makuntento, palibhasa alam nilang sa kanila umiikot ang mundo mo, kasi alam nilang mahal mo sila ng isang daang porsyento, mali yung ikaw lang palagi ang nagsasakripisyo sa relasyon nyo, mali na lagi na lang ikaw ang nagbibigay.
Natutunan ko na ang pagibig sa sarili ang pinakamahalagang pagibig sa mundo. Pag napagtagumpayan mo ito, hindi ka na mangangamba kung sakali man na iwanan ka ng iyong sinisinta dahil kaya mong bumangon sapagkat mahal mo ang iyong sarili.
At natagpuan ko na ang taong kaya akong paligayahin buong buhay ko, siya ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Nagulat ako ng may malakas na tugtog ang biglang umalingawngaw sa paligid, paglingon ko sa likuran ay nakakita ako ng napakaraming tao na nagpapalakpakan, lahat sila ay nakangiti at may hawak na hugis pusong lobo. Pinakawalan nila ng sabay sabay ang lobo at napuno ng makukuay na puso ang kalangitan, nilingon ko sina Lawrence sa likuran para tingnan ang kanilang atensyon subalit nakaluhod na Lawrence sa aking harapan ang nakita ko, may hawak siyang kahita ng singsing na nakabukas, kumikinang ang maliliit na bato nito. Napakagandang singsing, "Magandang singsing para sa maganda kong girlfriend, na soon to be wife sana kung tatanggapin niya ko bilang asawa." Naglaho ang napakaraming tao sa paningin ko at tanging si Lawrence lang ang nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? Pakakasalan niya ako at ipagkakatiwala niya saakin ang pangalan niya?
Hindi na magkandaugaga sa paguunahan ang mga luha ko. Dahil sa sobra-sobra at naguumapaw na kaligayahang nararamdaman ko. Hindi ko na maapuhap ang tamang salita. Isang magaan na halik sa labi na lamang ang tangi kong naisagot.
"Is that a yes?" He smiled at me at napakamot pa ng ulo. Parang hiyang-hiya. Tumango tango naman ako bilang pagsang ayon. Napasuntok siya sa hangin dahil sa sobrang tuwa. Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. Napakagaan, napakaligaya, napakarami pang ibang positibong pakiramdam na hindi ko na pipiliing isa-isahin. Nagyakapan kami sa gitna ng kumpol kumpol na mga tao, at sa kumpol ng tao nakita ko si Jarred, he's smiling at us. Para bang ipinahahatid na Masaya na din siya para saamin ni Lawrence, para bang nagpapaubaya. Wala na yatang espasyo sa puso ko ang sobrang kaligayahang nadarama ko ngayon, umaapaw na ito at tila ba naaapawan ang buong paligid ko ng kaligayahan na nadarama ko. Kahit na saan ako tumingin puro nakangiting mukha ang nakikita ko.
Siguro naman ay hindi lang ito panaginip. Kasi kung panaginip 'to hindi n asana ako magising....
Jarred's POV
Umalis na ako sa parke kung saan nagpropose si Lawrence sa asawa ko. Nakapagisip-isip na din ako at humantong ang desisyon ko sa pagpapalaya ng tuluyan sa babaeng pinakamamahal ko at tanging babaeng mamahalin ko sa tanang buhay ko. Kung sa kay Lawrence siya magiging Masaya e, e 'di sige. Hindi na ako magpapakakontrabida pa, ayoko na din sisihin ang sarili ko at mga taong naging parte ng kasalanan ko, tapos na ang lahat para magsisihan pa, dapat akong magpakalalaki at tanggapin na hanggang ditto na lang talaga. Kailangan ko na lang tanggapin na tapos na ang kabanata ng pagiibigan namin ni Jhane. Habang buhay naman akong tatay ng mga anak naming at habang buhay din siyang magiging ina ng mga anak ko. At habang buhay kong itatatak sa isip ko na minsan ko siyang naging asawa, nakasama sa iisang bubong at minsan ko siyang napasaya, habang buhay kong itatabi at iingatan ang alaala naming dalawa sa pinakamalalim na parte ng puso ko.
Ikekwento ko sa mga apo ko kung gaano siya kabuting ina at asawa. Kahit siya magka amnesia hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam ng pagaasikaso at pagmamahal niya. Damang dama ko pa din ang bawat halik, haplos at mga yakap niya, nalalasahan ko pa din ang masasarap niyang luto, hindi ko nakakalimutan ang bawat maliliit na detalye sa katawan niya, kiliti, nunal lahat lahat na. hindi ko na yata siya makakalimutan, kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko na sa iba na niya gagawin ang lahat ng yon. Napapikit ako at inalala ang lahat ng bagay na ginagawa niya saakin nung mag asawa pa kami, kailangan ko ng masanay na Makita siyang sa iba na ginagawa ang mga bagay na yon. Sa ibang lalaki na at hindi na sakin. Natatakot ako sa sakit na pwede kong maramdaman. Natatakot ako sa sakit.
Puta iniisip ko pa nga lang nasasaktan na ako e.but I have to move forward. This is the first step. Ang namnamin ng unti-unti ang sakit hanggang sa masanay ako.....
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...