Jhanes POV
It was a normal day. As ussual madaming tao na kumakain, madaming kabataang nagkakasiyahan, at higit sa lahat madaming pamilyang sama- samang kumakain, they're happy, and it shows to the way how his husband stares lovingly at his wife, and how the wife willingly serves food for her children.Naiinggit ako. At hindi ko maiwasang masaktan para sa mga anak ko. Hindi nila mararanasan ang ganyan. Hindi ko mapigilang sisihin at magalit kay Jarred. Dahil sa kanya hindi na kailan man mabubuo ang pamilya namin. Hindi na kailan man makakaranas ng buo at masayang pamilya ang mga anak ko.
Bawat araw na lumilipas ay unti-unting napapalitan ng galit ang pagmamahal ko kay Jarred. At aaminin kong natatakot ako. Natatakot akong tuluyang magupo ang kalooban ko ng galit. Ayokong magtanim ng galit sa kahit na kanino, lalong-lalo pa sa ama ng mga anak ko. Ayokong magalit dahil baka magalit din ang mga anak ko sa ama nila. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ni jarred. Ang magulang ay magulang. Dapat respetuhin at igalang. Hindi ko matatanggap na lumaking may galit ang mga anak ko kay Jarred. Ano man ang nangyari saaming dalawa, walang kinalaman yun sa mga bata.
Inaabala ko ang sarili ko para makalimutan ko ang masasakit na pangyayari sa buhay ko. Ayoko ng nawawalan ako ng pagkakaabalahan dahil malamang na tutunganga lang ako at mag iisip ng mag iisip ng kung ano-anong bagay. Iiyak nanaman ako at masasaktan. Nagsasawa na kong umiyak, dahil sa nakalipas na ilang buwan ay wala akong ibang ginagawa kundi ang pag iyak.
I'm trying my best to move on, kahit paunti-unti, kahit mahirap at higit sa lahat kahit masakit. Kailangan kong mag move on, nandito na ako sa stage ng realizations. Yung tipong narerealize ko na yung mga bagay na mali, yung mga bagay na hindi ko napapansin dati. Ngayon lahat nagsisink in.
Ito yung panahon na napapansin kong may kakaiba pero I choose to disregard those changes because of an unreasonable reason because I love him. At dahil mahal ko siya, kaya kong tanggapin kahit pa niloko at sinaktan niya ko.
Hindi pala dapat ganon, kasi sa bandang huli, ang mga tanga sa pag-ibig lang ang kawawa. Sila lang ang naiiwan mag-isa, at sila lang din ang nasasaktan. Habang ang mga taong minahal nila ng sobra ay maligaya sa piling ng mga taong mahal nila.
Yes, it's true. If you love someone, fight for them.
Pero ang pinakatama ay ipaglaban, kung may ipaglalaban. Ipaglalaban kung walang ibang ipinaglalaban.
Kasi kahit lumaban ka ng lumaban, kung wala namang ipaglalaban, mababalewala lang ang effort.
" Ms Javier, paki assist naman, table 9. Nagkaron kasi ng commotion sa second floor. Kailangan ako don." Sabi ni Ms. Pacheco. Ang head waitress namin. "Ok ma'am ako na pong bahala." I smiled at her. "Thank you Ms. javier"
Ganito lang ang ginagawa ko mag hapon, mag ayos ng mga tables para sa guests. Ok din naman ang sahod. Maliit pero kasya naman saaming mag ina. I love it here. Mababait ang mga tao at marunong makisama. Hindi ka maiilang sa kanila at higit sa lahat tulungan sa trabaho at walang lamangan.
"Ms. Javier, how do you feel? Nakakapagpahinga ka na ba ng maayos?" Nagulat ako sa malaking boses na nagsalita sa likuran ko. Bigla bigla talaga siyang sumusulpot kung saan saan. "Ok naman po ako Sir. Thank you po pala sa pagbibigay ng konsiderasyon sa kalagayan ko." He laughed. Naamaze ata siya sa panlalaki ng mata ko sa gulat. "No problem. Ayoko namang may mapahamak sa mga employee ko."
Kapansin-pansin ang palagian niyang pangangamusta saakin. At nagiging hobby na din niya ang panggugulat saakin. Noong isang araw din ganyan siya.
Hay nako. Mapapaanak akong maaga dito kay Sir e. "Nasaan pala ang baby mo? Parang diko siya nakikita." Nagtataka siya habang nakamasid sa paligid na tila may hinahanap. "Ahm, na kay dawn po siya. Ayun po at pinanggigigilan nila." Sabay turo ko sa pintuan kung saan tanaw ang panghaharass ni Dawn kay Andrei. Haha pinipilit niya kasing halikan si Andrei sa pisngi
. Tinutulak naman ni Andrei ang mukha ni Dawn. Ewan ko ba sa batang yan. Ayaw magpahalik. "Seems like they are fond of your baby." Nginitian ko na lang si Sir. Tuwang-tuwa talaga ang mga katrabaho ko sa kanya. Palangiti kasi ang bata at hindi iyakin. Mabuti nga yun, hindi ako nahihirapan sa pag-aalaga dahil madaming karelyebo. May mga pagkakataon ngang nahahawakan ko lang si Andrei kapag tulog na o di kaya'y nagugutom.Andrei is growing so fast. Parang kailan lang beybing baby pa siya. I sigh. Time flies so fast.
Nagpaalam na si Sir dahil madami pa raw siyang gagawin. Ako naman ay ginawa na ang mga trabaho ko dahil dumadami na din ang tao.
Mr. Lawrence Cruz POVIt was a normal day for me. The traffic, meetings, the people that's coming in and out of my restaurant it's all normal. Except that woman, that pregnant woman who stole my attention the moment she steps in my office.
I find her special and, and....... I dont know. I just find her special and.... beautiful?
Nah. I must be crazy. May asawa na siya. She's even pregnant for god's sake!
What am I thingking? I shake my head, para maiwasan ang labis na pag-iisip sa kanya.
She's beautiful and kind. Hindi nakapagtataka na makakuha siya ng atensyon at paghanga sa mga lalaki. At isa na ako don.
OMG masasabunutan ko na ang sarili ko nito e. Nakakasira siya ng bait. Bago siya dumating sa buhay ko sigurado ako sa mga desisyon ko. Ngayon naging tagilid ang lahat ng paninindigan ko. I like and hate her at the same time.
Kailangang mawala ang pagkagusto ko sa babae na yon. Dahil ramdam kong hindi sya makakabuti sa pagkatao ko. Hindi siya makakabuti sa buhay ko.
Meron akong madilim na sekreto. At walang dapat na makaalam non, kundi masisira ang buhay ko at lahat ng pinaghirapan ko. Hindi siya ang makakasira ng prinsipyo ko sa buhay.
Hoooo... Pag umabot ng 1000 words yung ud ko tinatamad na ko. Gusto ko iupdate na kaagad.
Sorry a. Sana pagtyagaan nyo na lang.
Thank you sa lahat ng votes and comments.
Love love love!!!
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...