MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 46

6.5K 110 11
                                    

Jarred

Hindi ko inaalis ang paningin ko sa panganay ko na si Andrei, kahit saang sulok ng parke siya pumunta ay sinusundan ko siya ng tingin dahil napapraning ako sa mga balitang naririnig ko tungkol sa mga batang nawawala at natatagpuang walang lamang loob. Paniguradong papatayin ako ni Jhane pag hindi ko naiuwi ng buo ang mga bata kaya kahit ngalay na ang mga braso't binti ko sa pagkalong ko kay sam at sumasakit na ang mata ko sa hindi pagkurap sa pagbabantay kay andrei ay okay lang basta para sa kanilang kaligtasan.

Hindi naman na mailap saakin ang mga bata, sa ilang araw naming pagsasama ay unti-unti na din silang nasasanay sa presensya ko, nakuha ko na din kahit papaano ang loob ng bunso ko kaya heto at nkatagal siyang kasama ako ng mahigit apat na oras. Iginala ko na sila sa mall kanina bago ko sila dinala sa parkeng ito. Masayang masaya ang mga bata lalo't binilhan ko sila ng laruan, ito na lang kasi ang paraang magagawa ko upang gumaan ang konsensya ko sa ginawa kong pagtalikod sa kanilang mag iina, hindi man nila lubusang maunawaan ang lahat ng nangyayari, matindi ang bulong saaking isip na kailangan kong bumawi, kahit hindi naman maiintindihan ng mga anak ko kung bakit kailangan kong bumawi sa kanila.

Hindi ko lubos maisip kung bakit at paano pumasok sa isipan ko na iwan sila para sa isang babae? Gaano ba kagago ang pagiisip ko ng mga panahon na iyon? Inuna ko ang tawag ng laman kaysa sa mga anak ko? Paano ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Anong kademonyohan ang nagtulak saaking ipagpalit ang makitang lumaki ang pamilya at mga anak ko? Hanggang ngayon ay hindi ko pa din mahagilap ang mga sagot sa tanong na yan na matagal ng nagpapahirap sa kalooban ko, mga anak ko sila, dugo ng aking dugo at laman ng aking laman kaya't paano ako humantong sa desisyon na iwan sila para sumama sa isang babaeng kwestyonable ang pagkatao? Pilit kong hinahagilap ang mga rason na ibinigay ko noon kay Jhane bago ako tuluyang umalis at tinalikuran ang lahat ng aking responsibilidad sa aking asawa at anak, mga rason na batid kong walang kasing rupok at tibay upang panindigan, siguro nga ay wala talaga akong paninindigan, dahil hindi ko napanindigan sa asawa ko ang lahat ng ipinangako ko sa harap ng altar, walang anuman sa mga wedding vow ko ang aking napanindigan.

Wala akong silbing asawa at ama, wala na din akong karapatan pa sa aking asawa, hindi na din ako worthy para sa kanya, pero susubukan ko pa din, kahit gaano pa yan kahirap ay handa na ako. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon lalo na ngayong wala ng sagabal upang mabuo ang aking pamilya, wala ng ibang taong involve sa buhay namin ni Jhane kaya't wala na din akong dapat ipangamba, saakin pa din ang bagsak niya lalo na ngayong wala siyang ibang mapupuntahan kundi sa piling ko.

Pumunta na si Andrei sa amin ni sam at basang basa na siya ng pawis, naalala kong wala na siyang pamalit dahil nagamit ko na kanina ang extrang damit na baon namin. Napakakulit naman kasi ni Andrei, nasa stage siya kung saan ineexplore na niya ang potential niya kaya napakakulit at hindi mapirmi sa isang lugar, pagkatapos kong tuyuin ang likod niya ng bimpo ay niyakag ko na siya pauwi, wala pang kinse minutos ay nasa bahay na kami. Inilapag ko na si sam sa crib at si Andrei ay pinaliguan ng Mommy niya.

Habang nagluluto ako ng meryenda ay umupo si Jhane sa tapat ko, alam kong may gusto siyang sabihin kaya hindi ko siya tinignan dahil ayoko siyang mailang, hinayaan ko lng siya hanggang sa tumikhim siya at finally inopen ang topic kung paano ang magiging set-up namin sa bahay. Hindi ko nagulat dahil naisip ko na din ito, hinayaan ko na muna siyang mag salita.

"Jarred naisip ko lang na kailangan natin ng arrangement dito sa bahay mo, kailnga natin magdesisyon kung sino ang magtatrabaho at maiiwan sa mga bata."

"Ako ang magtatrabaho at ikaw ang maiiwan sa bahay Jhane, wag ka na sanang makipagtalo pa tungkol sa bagay na 'yan." hindi naman siya nag protesta at ikinatuwa ko 'yon.

"Sabihin mo na lang kung anong mga bagay ang pwede at hindi ko pwedeng galawin sa bahay mo. Para naman may respeto at paggalang pa din tayo sa privacy ng isa't-isa."

"Galawin o angkinin mo ang lahat sa bahay na'to, wala tayong magiging problema Jhane. Sana ay panatilihin mong malinis ang bahay natin at pakiusap ko lang ay isama mo na ang damit ko sa paglalaba, yun lang." para kaming mag asawang muli sa ganitong set up, natutuwa ang puso ko.

"Sige, ako ng bahala sa mga gawaing bahay, ngunit paano naman ako makakaipon para makaalis sa poder mo kung mananatili lang ako sa loob ng bahay?"

Of course wala akong planong paalisin ka. "Bibigyan na lang kita tuwing sahod ko para makaipon ka din at mabili mo ang lahat ng gusto mo. Ibibigay ko sayo ng buo ang sahod ko at ikaw ng bahala sa mga gastusin natin sa loob ng isang buwan."

"Hindi mo naman kailangang ibigay saakin ang lahat ng sahod mo, ang kailangan ko lang ay budget na pagkakasyahin ko hanggang katapusan ng buwan, alam kong may pangangailangan ka din kaya hindi tamang ibigay mo saakin ang lahat ng sweldo mo."

"I neglected you and the kids for a long time Jhane, hayaan mo akong bumawi sa inyo ng mga bata, isipin mo na lang na ito ang paraan ko para makabayad sa mga utang ko ng mga panahong hindi ko ginampanan ang pagiging ama ng tahanan sa pamilyang ito."

Slap.

Nagulat ako ng sampal ang isinagot ni Jhane saakin. "Akala mo ba mababayadan mo ng pera ang mga nawalang panahon? Ang mga nawala saamin ng mga anak ko? Akala mo ba talaga ay ganun lang kadali ang buhay? Hindi ka nagbago sa paglipas ng panahon Jarred, wala ka pa ding kwenta." Nag walk-out na siya palabas ng kusina.

And then it hit me, hindi nga maganda ang dating ng sinabi ko, pero wala naman akong ibig sabihin gusto ko lang makabawi pero mali nanaman ang mga salitang lumabas sa bibig ko, ano nanaman bang ginawa ko? Paano pa ako makakabawi sa asawa ko kung ganitong para siyang tigre sa tuwing nasasaling ko siya? Ah bahala na, I will still choose to hope for the best, hindi naman talaga madaling bumawi sa nawalang panahon mahirap dahil hindi ko na mababago ang mga panahong nasayang at nawala saamin. But I'm here now at kahit ano pang sakit ang maranasan ko ay okay lang, handa akong tiisin ang kahit na ano kung si Jhane naman ang kapalit ng lahat...

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon