MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 21

23.7K 336 49
                                    



Jhane's POV

Napakaganda ng lahat ng bagay sa aking paligid. Walang pagsidlan ang kaligayahang aking nararamdaman ng una kong masilayan ang aking sanggol. Parang hindi ko na maalala ang mga pinagdaanan kong paghihirap habang ipinagbubuntis ko siya.

"Hello! Ako ang Mommy mo." Nilaro-laro ko ang kanyang mga daliri at kakat'wang masuyo niya akong nginitian. Siguro narecognize niya ang boses ko, malimit ko kasi siyang kausapin noong nasa sinapupunan ko pa lang siya.

"Good afternoon Hija!"

"Good afternoon po Ma'am Lourdes"

"How are you feeling?"

"Okay naman po. Kamusta nga po pala si Andrei, Hindi naman po ba siya naglilikot? Kumakain po ba siya ng maayos? Nakakatulog? Nakaka-"

She cut me off. "Calm down hija! Your son is totally fine, medyo umiyak lang siya kagabi kasi hinahanap ka, but he eventually stop when I told him that the baby and you are perfectly fine."

I sigh, nag aalala ako bilang ina, kahit pa sabihing tinulungan kami ng babaeng ito isa pa din siyang estranghera. Hindi ko siya kilala at hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang kanyang intensyon. Hindi ako dapat mag tiwala kung kani-kanino lalo na sa siguridad ng aking mga anak.

Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan kagaya ni Lawrence. Si Lawrence.

(Flashback)

"Mahal kita! Kaya nirerespeto kita!"

Pareho kaming natigilan. Kapwa nagulat sa kanyang biglaang pagtatapat. Hindi ako makapagsalita at para akong naitulos sa aking kinauupuan. Hindi ko alam ang sasabihin at mas lalong hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ito o hindi. Tila hiyang-hiya naman siya na nag iwas ng tingin at tumakbo patungo sa labas ng hospital room.

(Present)

"Ang labo niya talaga! Magtatapat tapos biglang tatakbo." Napangiti na lamang ako sa kawalan.

"Kailan daw po ako makakalabas? Atsaka magkano po ba ang bill ko dito? Baka po kasi ma short na yung perang naipon ko pag nagtagal pa ako dito." Hindi biro ang gagastusin sa c-section malamang short na talaga ang ipon ko. "Don't worry about it Hija, I'll handle your bill." Grabe naman kabait itong estranghera na ito. Pero hindi ko sasamantalahin ang kabaitan niya. "Hindi na po, ang pagdala niyo po sa akin sa hospital ay napakalaking tulong na. Hindi ko ho kayo gustong abusuhin kaya salamat na lang po sa offer pero hindi kop o talaga kayang tanggapin." Bahala na kung paano ako makakalabas, basta hindi ko matatanggap ang iniaalok niya. Mamaya hihingi pala siya ng kapalit.

"Please Hija! I insist, I have no intention to scare you, but believe me! I just really want to help you." Oo magaan ang loob ko sa kanya, pero hindi ko siya kilala. But I admit, the way she speaks shows how pure her intentions are. "Anyway kahit naman hindi ka pumayag, babayaran ko pa rin ang bill mo.' 

                 Napanga-nga na lang ako sa generosity ni Ma'am Lourdes.


Jarred's POV

             Pagod na pagod akong sumalampak sa sofa pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay. Nag double shift ako sa restaurant, wala e! kulang na kulang saamin kung 8 hours lang akong magtatrabaho.

            Super stressed ako, stressed sa trabaho at stress sa personal kong buhay. Hindi ako makatulog sa gabi kahit anong pagod ko. Isa din yun sa dahilan ng pag dodouble shift ko. Akala ko kasi makakatulong.

           Nagulat ako ng biglang ibagsak ni Jullie sa harapan ko ang marurumi naming labahin. "Labhan mo yan! Lahat yan!" See what I mean? Siya ang main reason ng stress ko. "Ano nanaman ba 'to? Pagod na pagod na ko sa trabaho paglalabahin mo pa ko?" Nawawalan na ko ng pasensya sa kanya. "Pagod? Parang hindi ka naman pagod habang nakikipag 'kwentuhan at tawanan' ka sa gissele na yun." Here we go again.


          Isa pa sa mga bagay na pinagtatalunan naming dalawa ay ang pagiging selosa niya. Sobra sobrang pagseselos na wala namang basehan at minsan nakakasakal na. 

         Ayaw niya kong makipagusap sa iba, makipagtawanan at lalong ni ayaw niyang mahawakan ng ibang babae ni dulo ng daliri ko. Hindi ko na alam kung pwede ko pa bang isisi sa hormonal imbalance ang pinag uugali ni Jullie ngayon.

       Bigla bigla na lang siya nagagalit kahit wala naman siyang basehan sa mga pagseselos niya. Nilabhan ko na lang ang mga damit para wala ng away.

       Habang naglalaba ko, parang ulang bumuhos ang mga alaala ko. Yung mga panahong habang ipinaglalaba ako ni Jhane.

      Habang tumatagal mas lalo kong nalalaman ang mga kamalian ko, alam ko na ngayon kung sino dapat ang pinili ko. At mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Frustration is killing me. 

      Ito ba ang buhay na pinaglaban ko? Bakit ito ang ipinalit ko sa buhay na masagana at masaya? Ano bang nangyari sa buhay ko? Sana panaginip lang lahat ng ito, kahit paluin na ako ng diyos ng bakal sa ulo, basta magising lang ako sa napakalagim na bangungot na ito. 

     I would give up anything, maibalik ko lang ang panahon, mabigyan lang ako ng isang pagkakataon na makabalik sa nakaraan. Makasama ko lang ulit ang asawa at mga anak ko.

    Diyos ko! sana nga po binabangungot lang ako. Gusto ko na pong bumalik sa pamilya ko. Gisingin nyo na po ako parang awa nyo na.


"Ahhhhh.....!!!"

          Nagulat ako at halos mabuwal ako sa pagkakatayo ng marinig ko ang sigaw ni Jullie, na mababakasan ng labis labis na sakit. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Pinuntahan ko agad ang pinanggalingan ng sigaw.............




MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon