MY HUSBANDS MISTRESS- CHAPTER 30

20.6K 332 61
                                    


Jarred's POV

"Bakit ba ayaw mo pa ring umalis? Bumalik ka na sa pamilya mo. Hindi ko kailangan ang lalaking katulad mo! Wala kang kwenta, ayoko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan, walang hiya ka! Pinatay mo ang baby ko." Sunod-sunod ang maririnig na pagkabasag ng kung ano anong bagay sa loob ng tinitirahan naming bahay ni Jullie. Pilit kong iniiwasan ang mga ibinabato niyang bagay na inaasinta niya talaga para tumama sa akin.

Ang tagal na niyang ganito, months? Weeks? Hindi ko na alam kung gaano na katagal. Bigla bigla na lamang siyang magwawala ng walang sapat na dahilan at walang specific na oras. At bigla-bigla din siyang magiging sweet, at unti unti ding magiging possessive, yung tipong walang pwedeng tumingin sakin dahil susugudin niya na lamang bigla at sasampalin.

YES! Bumigay na ang pagiisip ni Jullie. Hindi niya kinaya ang stress buhat ng mawala ang baby namin. Gustuhin ko man siyang ipasok sa mental hospital ay hindi ko naman kakayanin ang gastos. Eto nga at sinusumpong nanaman siya. Pumalya kasi ang paginom niya ng gamot, tapos nalipasan pa ng gutom dahil hindi niya kinain ang hinanda kong pananghalian.

Natanggal na ako sa trabaho ng isang beses na dinala ko si Jullie doon, may tinanong kasi saakin ang katrabaho kong babae,ng bigla na lang binuhusan ni Jullie ng kumukulong soup ang co worker ko. Nagdulot yun ng malaking eskandalo sa restaurant at ora mismo akong tinanggal sa trabaho. Ang natitira ko pa sanang ipinasok ng ilang araw ay hindi ibinigay saakin, kulang pa daw kasi yun sa hospital bills ng katrabaho ko.

Kaya ngayon, heto ako at inuubos ang oras ko sa pagbabantay sa may sayad na si Jullie. Tumigil na siya sa pagwawala at naghahalo ng kung ano anong pagkain sa kusina namin. Ganyan siya palagi pagkatapos niyang magwala ng walang dahilan.

"HON! Come here, I cooked something for you!" Hindi ko siya pinansin at niligpit ko na lang ang mga basag na baso, plato at kung ano ano pang babasagin na bagay. "JARRED! ANO BA? PAG HINDI KA LUMAPIT DITO I'LL KILL MYSELF!" Oh god! Padabog kong ibinato ang mga napulot kong bubog sa trashbin at tumalima na sa kusina. Naabutan ko si Jullie na nakaindian sit sa ibabaw ng lababo at maganang kumakain ng di ko mawari kung pagkain ban g tao o ng baboy. Halo halo kasi ang mga gulay, kanin,sabaw at toyo. Pinaghalo halo niya at magana niyang kinakain habang nakakamay. Tang ina! Tang ina talaga!

"Hon! Kanina ka pa? Cmon join me. Ang sarap nito. I made this for you. Cmon! Lets eat!" napatingala ako sa kisame para pigilan ang pag agos ng aking mga luha at para na din pigilan ang galit ko. "Akin na yan! Tumigil ka na!" Napipikon na ko. Hindi ko na masikmura ang mga pinaggagagawa niya.

"AYAW MO? AYAW MO!"Nagulat ako ng humugot siya ng kutsilyo mula sa kanyang likuran at itinutok ito sa akin. "I'M GONNA KILL YOU. PINAGHIRAPAN KO 'TONG LUTUIN TAPOS HINDI MO KAKAININ? BAKIT GANYAN KA? SAYANG ANG PAGKAIN." Ngayon naman ay umiiyak niyang binitawan ang kutsilyo at humagulhol na parang akala mo siya na ang pinaka kawawang tao sa mundo.

Shit! Hindi ko na kaya, kung tatagal pa ako ng kahit isang Segundo kasama ang babae na 'to ay di malayong mabaliw na din ako. Hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. natatakot na ko na baka bigla na lamang niya akong saksakin kapag natutulog ako.

*Door bell*. Sino naman ang bibisita sa amin? Wala naman kaming close na kapit bahay ditto, wala na din kasing gustong lumapit saamin dahil na din sa kalagayan ni Jullie. Anyway, binuksan ko na ang pintuan para gulatin ng wang wang ng ambulasya sa labas at pagpasok ng medical team sa loob ng bahay naming. Di din nagtagal ay nakita kong tulog si Jullie at nakahiga na sa stretcher, nakakulong ang kanyang mga kamay sa damit na walang manggas. Mabilis ang mga pangyayari at diko namamalayang paalis na ang ambulansya lulan si Julie, may kinausap na lalaki na may bitbit na bata ang isang nurse na kasam ng medical team. Ng tumangon ang lalaki ay umalis na din ang nurse buhat naman ng marahil ay sarili nitong kotse. Windang pa ang aking kamalayan ng naglakad ang lalaki at ang bata sa aking direksyon. Bumalik lang ako sa huwisyo ng tuluyan ng makalapit ang mag ama? Sa aking harapan.

"Hello, I'm Tony and this is my child Felicity. I am Julie's Husband, and this is our daughter." Parang may bombing sumabog sa loob ng katawan ko. Naparalisa ang buo kong katawan sa nalaman ko. Paano? Paanong nangyari ito? Anong klaseng biro ng tadhana ba ang nangyayari? "Can I have a word with you? I will tell you anything that you wanna know." Hindi na niya ako hinintay na makasagot, pumasok na silang mag ama sa loob ng bahay ko. Tumalima na din ako dahil gusto kong malaman ang lahat. Lahat lahat!

"Itanong mo na ang lahat ng gusto mong itanong, sasagutin ko ang lahat. At pwede akong magpakita ng katibayan na ako ang asawa ni Julie. "-tony. So he's a Filipino?

"Anong katibayan naman ang dala mo?" Kating kati na akong makita ang katibayan niya."I have here the original copy of our Marriage certificate and a certified true copy of our marriage contract from NSO. Kung hindi ka naniniwala ay pwede mong itanong diretso sa NSO mismo." Inilapag niya sa centertable ang mga nabanggit niya at agad kong kinuha upang tingnan ang mga dokumento. Legit ang mga dokumento at hindi ako pwedeng magkamali doon. JULIE HERRERA CHAVEZ ang tunay na pangalan niya. "Bakit Herrera pa din ang ginagamit niya? Bakit hindi ang apelyido mo?"

"Hindi niya pinabago ang apelyido niya sa kahit anong legal niyang dokumento, kahit ang passport niya ay maiden name niya ang nakalagay. " Nagumpisa na siyang magkwento. Mataman lang akong nakinig."Galit siya saakin dahil pinilit ko siya para pakasalan ako. Binuntis ko siya ng sapilitan para wala na siyang dahilan para hindi ako pakasalan. Scholar siya ng Daddy ko noong college. Hindi kami mag boyfriend noon, binlackmail ko lamang siya para sumiping saakin. Magmula ng second year college siya ay naging Fuck buddy kami. Wala siyang magawa dahil nakasalalay ang scholarship niya. Hanggang sa makagraduate siya ay fuck buddy pa din kami. Hindi ko na idedeny na mahal ko siya. At natakot ako na baka mawala siya sakin, sa oras kasi na makagraduate siya ay wala na akong maipapanakot sa kaniya. Binuntis ko siya at ng malaman ng daddy ko ay agad kaming ipinakasal. Hindi niya matanggap na nakakulong na siya saakin kaya matapos niyang manganak ay tumakas siya sa aming hacienda. Hinanap ko siya ng matagal na panahon at eto nga at natagpuan ko na siya." Napasabunot ako sa buhok ko. Naisahan ako ng babaeng yon. Naloko din ako! Pakiramdam ko ngayon pinagkaisahan ako ng buong mundo. "Bakit patuloy mo pa din siyang hinahanap kahit alam mo naman na ayaw niya sayo?" I was just curious.

"Hindi na ito para sa aming dalawa. Para na lang 'to sa anak namin. Hindi ako nanggugulo. Ngunit bilang ama, gagawin ko ang lahat maibalik lang ang ina ng anak ko. Hindi naging madali ang buhay ni Felicity dahil wala siyang ina. Sana ay maunawaan mo ako. Alam ko ang lahat ng nangyari sa inyo. Let's have a deal, ibalik mo sakin ang asawa ko at Malaya ka ng bumalik sa asawa mo. Hindi ka na makukulong dahil sa pagsasawalang bahala mo kay Julie, at sa hindi mo pagbabayad ng hospital bill ng katrabaho mo. Nasa iyo ang lahat ng adbentahe pare! Layuan mo na si Julie at bumalik ka kung saang lupalop ka galing!" Imbis na mainis ay natuwa pa ako. Sa wakas, makakawala na din ako kay Julie.

Hindi pa naman huli ang lahat. Babalik na ako sa mag iina ko. Hihingi ako ng tawad kahit ipagtabuyan pa nila ako. Jhane, mahal ko. Babalik na ako. Patawarin mo sana ako sa kasalanang nagawa ko. Kahit anong parusa pa ang matamo ko mula sayo ay tatanggapin ko, mapatawad mo lang ako at mabuo muli ang pamilya natin na winasak ko.

Ayan, dahil most requested ang POV ni Jarred. Eto na siya. Medyo napaaga.

Enjoy reading mga beh.

@samsungchinina143

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon