MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 48

15.2K 176 92
                                    

Napatulog ko na ang mga bata, naiayos ko na ang mga pinggan at kalderong ginamit ko sa pagluluto kanina, malinis ang sala maging ang banyo at kusina. Nilinis ko ang lahat ng sulok ng bahay para maaliw ang isip ko sa ibang bagay, nakakabaliw kasi umisip ng paraan kung paano ako mapapatawad ng asawa ko.

Hindi ko na alam kung saan ako mag-uumpisa, hindi na din kasi ako sigurado kung mapapatawad pa niya ako. Pero kahit ganon ay hindi ko naman magagawang sumuko, hindi iyon option para saakin, kahit na mas maliit pa sa butas ng karayom ang tyansang mapatawad niya ako.

Nakatunganga lang ako sa kusina, mahigit tatlong oras na yata akong nakatulala na parang gago dito, naputol ang pagmumuni-muni ko ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. 

"Nagugutom ka na? iinitin ko ang pagkain maupo ka muna." Hindi tumutol si Jhane, gutom na gutom na siguro siya dahil sa pag iwas-iwas sakin.

Ininit ko ang Tinola sa microwave at inion ang rice cooker para uminit ang kanin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nabigla ako sa sinabi niya kaya medyo tumapon ang sabaw sa magkok. Gusto niya daw ako makausap? "Kumain ka muna, hihintayin kitang matapos atsaka tayo mag-usap."

Sa salas ko na siya inintay para hindi siya mailang sa pagkain.nagtimpla lang ako ng kape para hindi ako masyadong aligaga, ang totoo'y kinakabahan ako. Baka kasi bigla siyang magpaalam na aalis na sila. 

Hindi naman din matagal ang naging paghihintay ko, narito na siya sa katapat kong upuan, nagiintay lamang ako na buksan niya ang usapan."Gusto kong pag usapan natin ang setup sa loob ng bahay." 

"Sure, ikaw ang bahala, kung anong sabihin mo susunod ako." Ibibigay ko lahat ng gusto niya wag lang nila akong layasan.

"Since ikaw naman ang nagtatrabaho, ako na lang ang incharge sa mga gawaing bahay."

"you dont have to do that, pwede nating pagtulungan ang gawaing bahay. Ikukuha kita ng makakasama kung gusto mo. Bantayan mo na lang ang mga bata."

"Akala ko ba ay susunod ka sa lahat ng sasabihin ko?" Hindi ako nakaimik ng ilang segundo. "Sorry."

"Hindi praktikal na kumuha ng kasama sa bahay, kaya ko namang pagsabayin ang gawaing bahay at pag aalaga sa mga bata. matagal ko na yong ginagawa." May laman nanaman ang mga salita niya. Galit pa din siya. 

"Kung yan ang gusto mo." Wala na akong ibang masabi. Ayoko ng palalain pa ang galit niya.

Tumayo na siya at akmang aalis na ng pigilan ko siya. "Pag usapan naman natin ang tungkol sating dalawa." napahinto siya sa paglalakad ng ilang sandali, hanggang sa muli siyang umupo. "Gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita, at hindi mo ko mapapasuko na mahalin ka kahit ilang ulit mo kong sumbatan. Gusto kong ayusin natin ang pagsasama natin, kahit hindi na natin ibalik yung dati, bigyan mo lang ako ng pagkakataon, kahit yun lang."

Tinitigan niya ako ng matagal, sinusuri niya siguro kung sincere ba ako sa mga sinasabi ko. "Sige."

"Sige? Ibig bang sabihin ay pinapatawad mo na ako?"

"Hindi kita pinapatawad, binibigyan kita ng chance na patunayan mo ulit ang sarili mo."

"Oo, s-sige. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito."

"All under my terms." 

Iniwan na niya ako sa salas na nakanganga. Si Jhane ba yun?

Jhane's POV

Matagal kong pinag isipan ang mga desisyon na ito. Napag isip-isip ko kasing masyado ko ng nilulunod ang sarili ko sa problema ko sa puso, nakalimutan ko ng unahin ang mga anak ko. Nawala sa isip kong sila pala dapat ang priority ko at hindi ang lintik na mga lalaking nanakit saakin. Pakiramdam ko tuloy ay masama akong ina, hindi ko na maasikaso ang mga bata dahil masyado akong emotional sa dahilang wala naman silang kinalaman.

Bakit ko pinahihirapan ang mga anak ko at ang sarili ko? Bakit ko pinoproblema ang lalaking bumigo saakin at sa pangarap ng mga anak kong magkaroon ng ama? Kung naririto naman si Jarred na tunay na kadugo ng aking mga anak? Bakit ko pa pinahihirap ang sitwasyon, kung pwede ko namang pagsumikapang mabuo muli ang pamilya ko?

Nakahanda naman ang dati kong asawa na tanggapin ako kahit pa nagkaroon ako ng ibang karelasyon, nakahanda siyang buuin ang pamilya namin ngunit hindi ako tumutugon. Awang-awa ako sa sarili ko, ngunit ako nga ba talaga ang biktima dito? Hindi ba't ang tunay na biktima ay ang mga anak ko? Ipinagkakait ko sa kanila ang isang buo at masayang pamilya, ninanakaw ko sa kanila ang pagkakataong iyon dahil naging makasarili rin ako. Masyado akong nagmamalinis gayong halos pareho rin naman kami ni Jarred, nagkaroon siya ng iba at ganoon din ako. Pero siya ay handa akong tanggapin at patawarin. Ni minsan ay hindi niya ako tiningnan ng may pandidiri kahit pa nakisalo ako sa kama ng ibang lalaki.

Inaasikaso niya pa din ako at patuloy na minamahal kahit hindi na ako kasing linis ng dati. Akala ko noon ay matindi na ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya, pero ngayon? Gusto kong mahiya dahil di hamak na mas matindi ang pagmamahal niya saakin, siya yung nagbigay ng pagibig na unconditional. 

Oo nga't nagkamali siya, pero nagkamali rin ako sa kanya. Kung kaya niya akong tanggapin despite of what happened between me and Lawrence, dapat ay ako din. Dapat ay gumawa rin ako ng hakbang upang malagpasan namin ang pagsubok na ito. Hindi para sa sarili namin kundi para sa mga bata. Sila ang dapat naming inuuna sa lahat. Hindi ako o si jarred ang magbebenifit kapag nabuong muli ang pamilya namin kundi ang aming mga anak.

Kailangan ko na din sigurong patawarin ang sarili ko, para mapatawad ko na din ng buo ang aking asawa. Sa palagay ko ay kaya hindi ko mapatawad si Jarred ay dahil hindi ko maamin sa aking sarili na nagkamali din ako.

Hindi ito madali Jarred, sana ay kumapit ka lang kahit gaano katagal ang prosesong pagdadaanin natin. Sana ay hindi ka magsawa, sana ay hindi ka bumitiw kapag naging mahirap ang sitwasyon. Tiwala sa isa't isa ang kailangan natin upang maisalba natin ang ating pagsasama. 

At sana din ay hindi ako magkamali this time sa pagdedesisyon. Sana ay gabayan kami ng diyos.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


New Update!

Please subscribe to my youtube channel!

https://www.youtube.com/results?search_query=Airel%27s+Planet

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon