MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 49

1K 10 6
                                    

Lawrence

Lumipas ang mga araw ng hindi ko alam paano, masaya naman ako sa nagging desisyon ko pero merong bigat at sakit na hindi ko din alam saan nanggagaling.

Hindi naman biglaan ang mga nagging desisyon ko, sa totoo lang matagal na itong bmabagabag sa isip at puso ko. ayokong i-entertain ito noon dahil okay naman ako kay Jhane at sa palagay ko masaya ako sa kanya.

As she walked down the aisle, I started to feel all kinds of doubts. Biglang hindi na siya yung pinangarap kong makasama habang buhay, hindi na siya yung mukhang gusto kong makitang mag martsa papunta sakin. sa dambana ng simbahan.

Lahat ng dahilan na pwede kong maisip para tumakas sa sarili kong kasal isiniksik ko sa utak ko para majustify ko lahat ng duda na nararamdaman ko. Nandun yung awa pero mas nangingibabaw ang mga rason kung bakit hindi ko dapat ituloy ang kasal.

Kung pipilitin ko ang sarili kong ituloy ang kasal ay habang buhay ko lang pagsisisihan at lalo ko lang masasaktan ang apat na taong importante sa buhay ko, ang mag iina at ang taong matagal ko ng mahal ngunit ayaw kong aminin sa sarili ko dahil sa kumplikasyon na maidudulot ng pakikipagrelasyon ko sa kanya.

Sadyang napakagulo ng utak ko mula noon pa man at padalos dalos ako sa mga desiyon ko sa buhay. Alam ko sa utak ko na tamang desisyon ang pakasalan si Jhane dahil mabuti siyang tao at mahal niya ako, mahal ko din ang kanyang mga anak. Naranasan kong maging ama kahit na sandaling panahon lang at ipinagpapasalamat koi yon kay Jhane.

Pero sadyang hindi malilinlang ang puso, hindi mo mapipili kung sino ang ititibok. Kahit paulit-ulit lokohin ng utak ay sadyang hindi ito malilinlang. Nakakainis na kinailangan pang may masaktan akong tao before I realized kung sino ba talaga ang nais ng puso kong makasama.

She doesn't deserve this, I knew that at lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kailanman dahil hindi ko akalain na magdudulot ako nang labis na sakit kay Jhane, sa babaeng pinangakuan ko nang pang habang buhay na relasyon at pagmamahal, ang lalong mas masakit ay dinamay ko pa pati ang mga bata . What I did was unforgivable, her face as I run and leave will haunt me forever.

Ang lalong nagpapabigat sa akin ay ang kaisipan na paano ko pa siya nagawang saktan gayong alam ko lahat nang pinagdaanan niya sa kanyang dating asawa. Paano ko nagawang paghilumin ang sugat niya upang buksan lamang muli ang pilat sa mas masakit at madiin na paraan. I'm a terrible person, sana hindi ko na lang sila kinuha upang bitawan lang din muli sa dulo, nagulo ko pa ang sanang tahimik na niyang mundo. Paano ko siya nasaktan gayong alam ko at nakita ko kung gaano siya kadurog nang iwan siya nang kanyang asawa?

Wala akong pinagkaiba sa kanyang asawa. Lahat nang ginawa ko ay panloloko, pinaniwala ko siya na siya lang ang mahal ko at siya lang ang nakikita kong dadalhin ko sa altar at pagaalayan ng aking buong buhay at apelyido. Pinaniwala ko siyang ako ang taong mamahalin siya kahit na ano pa man ang nakaraan niya, pinaniwala ko siyang handa akong panindigan ang kanyang mga anak at kaya kong maging ama kahit hindi ko sila kadugo.

Kung magiging tapat ako sa aking sarili, hindi naman talaga pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya kundi awa. Habag sa kanyang sitwasyon, I want to save her and her children, so I enter their lives, only to discover that I will end up harming them even more.

Sinanay ko ang mga bata sa presensya ko, pinakilala ang sarili ko bilang ama nila. I still think of them, in fact I really loved them. Sana dumating ang panahon na mapatawad nila ako, kahit sa palagay ko mga bata pa sila at walang alam at naiintidihan sa mga pangyayari gusto ko pa ding maalala nila ako dahil minsan akong naging ama sa kanila. Sana dumating ang panahon na mapatawad nila ako at sana masagot ko kung ano man ang mga itatanong nila kung bakit ko nagawang saktan at iwan ang mommy nila sa mismong araw ng aming kasal.

Sa ngayon ay hindi pa ako handang harapin si Jhane at ayusin ang gulong ginawa ko. Hindi ko pa kayang makita at salubungin ang galit sa kanyang mga mata. I know eventually we'll talk and I have to explain why, pero hindi pa din ako handa sa ngayon. Blangko pa din kasi ang utak ko, though alam na alam ko naman ang mga rason kung bakit pero hindi ko kasi alam kung paano ko ihahatad sa kanya ang totoo kong damdamin nang hindi ko siya nasasaktan.

Napahiya siya sa lahat ng tao at yun ang hindi ko na mababawi kailanman, kahit na ano pang sorry ang gawin ko hindi ko na mababawi lahat ng nagawa ko. Ako man ay wala na ring mukhang maiharap sa mga kakilala ko. Masisiraan na nga ako ng ulo sa kakaisip kung paano ko lulusutan ang mga ginawa ko, hindi ko alam paano ko patutunguhan ang mga kaibigan at kakilala ko. Alam ko din na sa oras na magpakita ako sa kanila ay hindi nila ako tatantanan ng katatanong, siguro ang iba sa kanila ay makakaintindi ngunit karamihan malamang ay hindi. Siguro ako na ang pinakawalang kwentang lalaki sa mga mata nila, pero okay lang dahil yun din ang tingin ko sa sarili ko.

Halos hindi na ako kumakain at naliligo, wala akong gana sa lahat ng bagay. I am with the person that I truly love pero hindi pa din ako lubos na masaya. Pinapatay ako ng guilt every second of everyday, hindi tumitigil ang utak ko sa kakaisip buong araw. Sana dumating yung araw na maging okay ulit kami at maging magkaibigan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thanks for supporting

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon