MY HUSBANDS MISTRES-CHAPTER 11

22.7K 289 23
                                    

Jared's POV

"Wow! Ang ganda naman dito, pinong-pino ang white sand! Thanks love! Sana maulit ito." Wika ni jullie pagkatapak na pagkatapak ng paa namin sa pinong white sand ng isla boracay.

"Kahit gawin nating linggo linggo ang pagpunta dito pwede na"

"Huh? Pano ang asawa!t anak mo?"

Hindi ko na siya sinagot. Nginitian ko na lang siya at hinatak sa hotel room namin para makapagpalit na ng swimming wear.

hindi ko alam ang magiging reaksyon niya pagkatapos kong sabihin sa kanya na siya ang pipiliin ko. Siguro sasabihin ko na lang over candlelight dinner. I!m prety sure na magoover react siya kapag nalaman niya ang desisyon ko. But this is the right thing to do, ito ang alam kong tama, hindi desserve ni jhane ang taong katulad ko. She desserves a better man, way better than me.

Jhane's POV
NAMIMISS ko ang amoy ni jarred gusto ko siyang mayakap ngayon. Siguro siya ang pinaglilihian ko, iba kasi ang pagkamiss ko sa kanya ngayon e. Kung pwede nga lang na lumipad ako gagawin ko e, maamoy ko lang siya.

Bigla na lang nawala ang lahat ng inis ko sa kanya. Inasikaso niya ang pagkain na dapat kong kainin, pati vitamins ko siya din ang nag asikaso, hudyat na tanggap niya na din ang baby. Akala ko talaga ayaw niya dito sa dinadala ko, yun naman pala sobrang stress lang siya sa sobrang dami ng work niya sa office.

"Baby, gusto mo makita si daddy? Pasensya ka na a, may kailangan kasing asikasuhin si daddy sa malayo, kaya behave ka lang ha? Wag mo papahirapan si mommy."

Kumakain ako ng fries na sinawsaw sa ice cream ng tumunog ang doorbell. Kahit tamad na tamad akong tumayo, ginawa ko pa din ang gate upang bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni mitch.

"Mitch? Bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman gusto no lang malaman kung okay ka na. Napakasweet mo talagang kaibigan. Di mo man lang ako pinaupo bago mo ko tanungin ng kung ano-ano."

"Ay sorry. Haha tuloy ka pala."

Pinaupo ko siya sa sofa at pinagtimpla ng juice.

"Okay naman ako. Ikaw ba?"

"Nasan si jarred? Dapat inaalagaan ka niya."

"Wala siya may dinedevelop daw kasing bagong hotel sa boracay kaya pinadala siya dun ng kompanya."

"Sigurado ka naman bang may dinedevelop na hotel? Dapat nandito siya sa tabi mo. Muntik ka ng makunan, hindi ka niya dapat iwanan mag isa."

"Uy, grabe ka. Hindi naman niya ako pinababayaan. Pinainom nga niya ko ng gamot kagabi e. Kailangan niya lang kasi talaga magtrabaho kasi magdadalawa na yung anak namin."

"E diba ayaw niya naman sa bata? Jhane tanga ka ba? Wala ka bang napapansin na kakaiba sa asawa mo?"

Ayun na nga ang tanong na iniiwasan kong sagutin. dahil alam ko na may kakaiba nga sa asawa mo, but I dont want to entertain the tought. Baka mamaya magkamali ako ng hinala, mag away lang kami ni jared. Ayokong awayin niya ko. Yung mga articles kasi na nababasa ko sa internet nowadays, yung paghihinala ang unang sanhi ng panlalamig ni mister kay misis.

"W-wala akong napapansing kakaiba. Ganun naman talaga siya, masungit kapag may pinagkakaabalahan."

"Sigurado ka ba namang trabaho nga ang pinagkakaabalahan? Baka naman ibang trabaho na ang tinatrabaho niyan?"

"Mitch tumigil ka na nga! busy lang yon."

"Sabi mo e. dont tell me I didn't warn you someday. I have to go, mag memeet pa kami ni mommy. Bye!"

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon