MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 41

12.5K 199 17
                                    





Jhane's POV

Puspusan ang paghahanda ko para sa nalalapit naming kasal ni Lawrence. Nakakaexcite at na mis ko yung pakiramdam na mastress dahil sa sobrang daming wedding gown na magaganda hindi na ko makapili. ang banyaga ng pakiramdam kasi nahihiya ako na ikakasal ako ulit ngunit sa ibang lalaki, at natutuwa dahil muli akong ikakasal. Kung minsan ang hirap ko talagang intindihin. 

Wala na akong hihilingin pa sa buhay na mayroon ako ngayon, masayang pamilya, malulusog na mga anak at isang mabuting partner sa buhay. Tunay ngang kapag naranasan mo na lahat ng pinaka masalimuot na pwedeng mangyari sa buhay mo, may kapalit itong ginhawa at saya na walang kapantay.

ibinigay ng diyos saakin ang isang problemang akala ko ay hindi ko kakayanin, ngunit sa sobrang kabaitan at pagmamahal saakin ng diyos, gumamit sya ng instrumento sa katauhan ni Lawrence.

Ginabayan ako ng diyos upang mapunta sa Restaurant niya, binigyan kami ng pagkakataon na magkakilala at mahalin ang isa't isa. Naniniwala ako na nakaplano na ang mga bagay-bagay na mangyayari sa hinaharap, ika nga e, nakaukit na sa palad natin ang ating kapalaran bago pa man tayo isilang.

Minsan napapaisip din ako, bakit kahit hindi na tayo deserving sa biyaya ng diyos patuloy pa din tayong binibigyan? napakadami kong ginawa na pagkakamali, napakarami kong nagawang kasalanan pero binigyan pa din ako ng biyaya na sobra sobra pa sa mga ginawa kong kabutihan sa kapwa ko. Napaka hiwaga talaga ng pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.

Si Jarred naman ay hindi na muling nanggulo pa sa amin ni Lawrence, alam kong patuloy ko pa din syang nasasaktan, pero hindi ko naman kayang isakripisyo pa ulit ang sarili kong kaligayahan para sa kanya. Siguro naman sa lahat ng sakit na naranasan ko mula sa kanya deserve ko naman ang lumigaya sa piling ng taong mahal ko,masama na kung masama pero hindi ko na talaga mapagbibigyan si Jarred sa gusto nyang mangyari, hindi naman sa nagagalit pa din ako sa ginawa nya, napatawad ko na sya totoo 'yon, ngunit hanggang don na lang.

Mukhang tanggap na din naman nya kasi hindi na nya ipinilit pa ang sarili nya saakin, nagpapakaama na lang sya para sa mga bata, at dama ko din naman na talagang pursigido syang bumawi sa mga anak nya. 

Sa ngayon ay unti-unti ng nasasanay ang mga bata sa presensya nya. pinakikilala ko sya bilang tunay na ama at kahit na batid naming hindi naman nila maiintindihan pilit pa din namin ipinaliliwanag ang sitwasyon. Lalo na kay Andrei, matanong sya at sinasagot ko naman ng katotohanan ang bawat tanong nya, lumaking matalino kaya kahit papaano ay nakakaintindi na sya. Si Samantha naman, medyo ilag pa din sa daddy niya pero hindi na sya umiiyak sa tuwing kinakarga sya, yun nga lang hindi sya maisama ni Jarred kapag namamasyal dahil nagwawala kapag hindi niya ako nakikita.

hindi naman kami nagkukulang bilang magulang kahit hindi normal ang aming pamilya, ang mga responsibilidad namin bilang magulang ay hindi nagbago, mahal na mahal namin ang mga anak namin at yan ang sisiguraduhin namin na hindi kami papalya na ipadama sa mga bata na kahit hindi kami buo, mamahalin namin sila ng sobra sobra sa paraan na hindi nila mararamdaman ang kanilang kakulangan. Nakahanda kaming isakripisyo ang lahat para sa kanila hanggat kaya naming ibigay ay ibibigay namin ang kanilang mga kahilingan. 

Naguusap naman kami paminsan ni Jarred pero tungkol lang talaga sa mga bata, kamustahan lang at uuwi din sya kaagad kapag naihatid nya si Andrei. Ramdam ko din ang kanyang pag iwas lalo na ang tumingin ng deretso sa mga mata ko kapag naguusap kami. Binabaliwala ko na lang yung pagkailang nya saakin. Masasanay din naman siguro kami unti unti, pasasaan ba at makapag uusap kami muli na parang matalik na magkaibigan.....

Jarred's POV

Tinitipon na ang mga bisita sa kasal nina Jhane at Lawrence. Mukhang masyadong nagmamadali si Lawrence kaya wala pa man ding isang buwan ay idadaos na ang kanilang kasal. Sabagay kung ako si Lawrence ay baka wala pang isang minutong pumayag si Jhane na magpakasal saakin ay baka hatakin ko din sya sa kahit na saang simbahan.

Naaalala ko pa ang detalye ng Kasal namin ni Jhane. Napakaganda nya non at napakainosente sa suot niyang bestida.ako ang pinakamasayang lalaki nang araw na yon. Hindi mabilang ang paro parong nagliliparan sa aking sikmura, na tila ba nagkakasiyahan sila sa loob ng aking tiyan. Gusto kong balikbalikan ang araw na yon. Yun ang alaala na babalik balikan ko dahil doon ko na lang makakasama ang babaeng pinakamamahal ko.

Sinarado na ang pintuan ng simbahan hudyat na malapit ng magsimula ang seremonya ng kanilang pag iisang dibdib. Kung iniisip nyo na imbitado ako ay nagkakamali kayo. Nakatanghod ako dito sa isang gilid sa mapuno na bahagi ng simbahan. Sinasaktan ang sarili ko sa tanawing hindi ko na dapat pang makita. 

At unti-unti na ngang binuksan muli ang pinto ng simbahan at ng mabuksan na ay pumasok na ang bride at nag martsa patungo sa altar. ramdam na ramdam ko ang pagpiga sa puso ko. humigpit pa ito lalo  ng ibigay na ang kamay ng asawa ko kay Lawrence. at doon ay nagtagumpay na ang pangahas na kamay sa pagdukot sa puso ko palabas.

  "Jhane, wilt thou have this man to be thy wedded wife to live together after God's ordinance in the Holy Estate of Matrimony Wilt thou love hhim? Comfort him, honor and keep hhim, in sickness and in health, and forsaking all others keep thee only unto hhim as long as you both shall live?"  

"Yes Father:-Jhane. sinaksak niya ang puso ko sa ginawa nya at tuluyan na itong namatay. kahit expected ko na masakit pa din talaga. 

"Lawrence, wilt thou have this woman to be thy wedded wife to live together after God's ordinance in the Holy Estate of matrimony? Wilt thou love her Comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, and forsaking all others keep thee only unto her as long as you both shall live?"

"Sana hindi sya sumagot,sana hindi sya sumagot,sana hindi sya---" ang sumunod ko na lamang na narinig ay ang hiyawan ng mga tao

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon