Jarred's POV
Ilang araw na ang lumipas ng maiuwi ko ang magiina ko sa bahay ng mommy ko, ilang araw ng ako ang nagaasikaso sa dalawa kong anak mula paliligo,pagpapakain at maging sa pagtulog. Kahit ilang araw na ang nakalipas ay hindi ko pa din makausap ang dati kong asawa, sa palagay ko kasi hindi pa din siya handa na pagusapan ang mga bagay-bagay. Hinahayaan ko muna siyang mag isip-isip habang pilit kong kinukuha ang pagmamahal at atensyon ng mga anak ko.
Noong unang araw ni Samantha sa pangangalaga ko ay nahirapan ako, hindi siya tumitigil sa pagiyak dahil malamang na hindi siya sanay sa mga bisig ko, para siyang may inaabangan na kumuha sa kanya mula sa mga kamay ko. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang bata dahil hindi naman siya sanay sa presensya ko, kailan niya lang naman ako nakilala kaya't tiyak kong nangangapa din siya kung tama ba na magtiwala siya sakin o hindi. Inabot ako ng alas dos ng madaling araw bago siya tuluyang nakatulog, napagod siya sa kakaiyak at napaos kaya't awang-awa ako sa anak ko. Si Jhane naman ay hindi lumabas sa kwartong inihanda ko para sa kanya, hinahatidan ko lang siya ng pagkain kung sakali mang gutumin siya. Si Andrei naman ay walang kahirap hirap akong pinakisamahan, kahit naman papaano naalagaan ko si Andrei noong kami pa ni Jhane kaya siguro hindi siya gaanong nanibago na ako ang kasama niya sa bahay, pero siyempre ramdam ko din ang pagkailang sakin ng bata.
Sa ilang araw na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi makipaglaro at asikasuhin ang mga anak ko. Sinisigurado kong naeenjoy nila every moment that they are with me, at sa ilang araw na lumipas ay masasabi ko naming kahit papaano may improvements naman ako as a dad, feeling ko mas naging close kami ng mga bata though minsan hinahanap nila ang mommy nila ay hindi naman ako nagkukulang sa pagpapaunawa na "mommy needs an alone time".
Nilalaro ko ang mga bata sa maluwang naming bakuran ng mahagip ng mata ko si Jhane na nakatayo sa kanang gilid ng malaking glass door. Hindi pa ako makapaniwala kung talaga bang nakikita ko siya o dala lang bang matindi kong pagnanais na makita siya. Wala ng bakas ng lungkot sa mukha niya, napakaaliwalas na tulad noong araw na una ko siyang nasilayan.
Hindi na mabakasan ang mga nangyari sa kanya nitong nakaraan lamang, nahihiwagaan ako sa mga nakikita ko pero mas nanaisin ko naman na ganyan ang kalagayan niya kesa sa malungkot niyang mukha.
Nang mapansin siya ni Andrei ay agad-agad siyang tumakbo sa mommy niya samantalang si Samantha ay tila inaantok na sa pagkakakarga ko. Masuyo naman niyang hinalikan si Andrei ng lumapit ito sa kanya, isang napakagandang tanawin ang nasasaksihan ko ngayon. Lumapit na din ako sa kanya at wala akong masabi natila isang pipi, hindi ko din kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Pinakialaman ko na ang kusina mo. Nagluto ako ng sinigang, kain na tayo?". Hindi na siguro siya nakatiis at binasag niya na ang katahimikan.
"Ok, ibababa ko lang si Sam sa crib niya, susunod din ako." Kahit taranta ang buong sistema ko, ipinagpapasalamat ko na nakasagot ako ng hindi nauutal. Kahit kasi masaya ko na tila ok na siya, nakakabahala pa din dahil hindi ko mabasa ang mga iniisip niya. Mahirap din pala na parang bigla-bigla ok na siya samantalang kahapon lang halos hindi niya ginagalaw ang luto kong pagkain.
Nang maibaba ko ang natutulog kong anak sa kanyang crib ay sinipat ko muna saglit kung presentable ba ang itsura ko. Ng sa tingin ko ay maayos na ako sinaluhan ko na ang aking magina sa hapag.
Maayos naman si Jhane sa napapansin ko dahil wala akong ginawa buong oras ng pagkain kundi ang titigan siya. Mukha naman siyang masaya pero nagaalala pa din ako, nakakabahala kasi hindi ko mapaniwalaan na magiging maayos agad ang isang babaeng iniwan ng kanyang groom sa aaraw mismo ng kasal nila.
"Bakit?" napansin niya yata na nakatitig ako sa kanya. Umiling na lang ako dahil mukhang nailang siya ng makita niya kong nakatingin.
Tinapos ko na ang pagkain at nagkusa na akong ligpitin ang hapagkainan, isang bagay na hindi ko ginagawa noon ng mag asawa pa kami, nasanay ako na laging ako ang pinagsisilbihan kaya babawi ako at susulitin ang pagkakataon para makuha ko ulit ang asawa ko. Nang matapos ako ay nadatnan kong nakaupo si Jhane sa salas.
"Pwede ba kitang makausap?" nagulat ako dahil ininahan nanaman niya kong magsalita, yun din sana ang gusto kong sabihin sa kanya. "Sure. Ano bang gusto mong pagusapan natin?" sagot ko naman.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy sakin dito sa bahay mo, salamat din sa pagaasikaso sa mga bata. Gusto ko sanang magpaalam na, pero wala naman kaming mapupuntahang magiina, wala pa din akong trabaho. Kung pwede sana dito na muna kami pansamantala, aalis kami agad kapag nakahanap ako ng trabaho. Kung pwede lang sana sayo?"
Alam kong hiyang-hiya siya sa mga sinabi niya, labis labis naman akong natutuwa sa ipinapakiusap niya, dahil may pag-asang mabuo ulit ang pamilya naming kaya't hinding hindi ko siya tatanggihan sa pakiusap niya. Sa katunayan nga kung pwede dito na siya mamalagi habang buhay, laking tuwa ko lang."Kahit habang buhay pa kayong tumira dito ay okay lang. I don't mind at all. We're family, kahit ano pa man ang nangyari saating dalawa ay pamilya pa din tayo dahil sa mga anak natin. Sana naman ngayon bigyan mo ko ng pagkakataon na buohin ang pamilya na nasira ko. Kung pupwede lang din sayo." Diniretso ko na agad ang nilalaman ng isip ko. Bahala na si batman.
"Ayoko na munang isipin yan Jarred, masyadong madami ang sugat ko sa panahon na 'to, ang prayoridad ko lang ay pagalingin ang sarili ko. Hindi ko isinasarado ang posibilidad ngunit hindi pa sa ngayon. Sana naiintindihan mo."
"Maghihintay ako hanggang sa maghilom ka, I'll wait hanggang sa kaya mo na kong mahalin ulit."-Jarred
"Salamat."-Jhane
Walang problema sakin kahit gaano katagal ang kailangan kong hintayin, basta't bukas siya sa posibilidad na maayos pa ang relasyon naming matiyaga ko siyang hihintayin at sasamahan ko siya sa buong proseso hanggang sa maging maayos siya, tutulungan ko siya sa lahat ng paraan na kaya ko. Alam kong hindi madali pero kakayanin ko, kakayanin ko na lahat ng sakit at hirap maging akin lang siya ulit. At ipinapangako ko na kung maging akin siya ay hindi ko na siya pakakawalan pa.
#WattPride
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RomanceI was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since he left us. I can clearly remember the night that he left. Flashback "Jarred dont leave us...