"Where have you been?"salubong agad ni Leilana sa akin pagkauwi ko galing sa airport. Nakita ko rin ang nag-aalalang sina Tita Amanda at Tito Augustine sa likuran niya. Mabilis silang lumapit sa akin nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bahay. Rinig ko parin mula rito ang orchestra na patuloy parin sa pagtugtog.
I almost forgot that it's my birthday and the party isn't yet done.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap ng sarili. I'm already wearing a trench coat.
"Hija..."tawag ni Tita nang nagpatuloy ako sa paglalakad at aamba na sanang aakyat ng hagdanan.
Nilingon ko sila. Hinawakan ni Tito si Tita sa braso. Tahimik lang namang nakatingin sina Stan at Leilana sa akin. Bakas ang pagtataka at pag-aalinlangan sa kanilang mga itsura.
Napasinghap ako.
"I'm sorry, Tita. I'm already tired. Hindi na po siguro ako babalik sa party"hilaw akong ngumiti sa kanya.
Namumungay ang mga mata nito. Bakas din ang lungkot at pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin mula sa akin. Ramdam ko rin ang kagustuhan nilang magtanong pa pero tipid lang silang tumango.
"We understand. You need to rest"maingat na sambit niya kaya napangiti ako.
Sandali ko pa silang tinitigan hanggang sa tuluyan na akong tumalikod para maka-akyat na.
"Happy birthday.....again Venice"narinig ko ang pagbati sa akin ni Tita kaya bahagya akong natigilan.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Pagod naman akong napalingon sa kanila. Tipid na nakangiti sa akin si Tito.
"We love you and we're just here for you. Always remember that"
Napalunok pa ako sa sinabi niyang iyon. Nagtiim-bagang lang ako bago tumango.
Naiintindihan ko at alam ko rin. Alam ko na kahit anong mangyari, may masasandalan parin ako. Kahit anong mangyari, may mauuwian ako at may mahahagkan. Pero ngayon, hindi ko na alam. Gulong-gulo ang isipan ko. Halos hindi na ako makapag-isip ng maayos.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto at dumeretso sa aking bathroom. I opened my faucet and after that, bumuhos na rin na parang gripo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko dahil umiyak na ako kanina sa loob ng kotse, mauubos na lahat at wala na akong luha pang maiiyak kapag nakauwi na pero meron pa pala.
Nag-angat ako ng tingin sa salamin na nasa harapan ko lang. Bakas ang pamamaga at pamumula ng aking mga mata. Wala nang bakas ng make-up sa mukha ko dahil habang nagba-byahe kami kanina pauwi, inalis ko na gamit ang wipes at tissue sa sasakyan. Halos pasalamatan ko pa nga si Manong Boy dahil hindi siya umiimik habang umiiyak lang ako sa likuran.
Mariin akong pumikit at hinayaan ang patuloy na pagbuhos ng mga luha.
I know, I can wait. I will wait, Chester. Ayaw kong isipin na umalis ka. Hindi ko matanggap. Hindi ka nagpaalam. Kaya umaasa ako na babalik ka.
You didn't say goodbye. So some parts of me believe that means you'll come back. A part of me believes that you are coming back. And I just have to wait here. I will just wait and wait for you.
Maybe just like how some lessons that you taught me for the past years, this is one of it too. Patience. Being patient. I'll just have to be patient because you are too.
Hindi ka basta-bastang umaalis. You've put up with me for the past years and this is one of them too. Maybe you just needed space and time to ponder. Kasi alam kong napapagod ka rin. Nagsasawa pero babalik ka. Kasi mahal mo ako eh. Mahal mo ako. Naniwala ako. Maniniwala ako.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...