Kabanata 35

10 1 0
                                    

The past few days has been a hell for me. I couldn't focus on my work because he's messing with me. This isn't healthy for my professional growth anymore. I really need to finish everything here so that pwede na akong bumalik sa Pransya. I need to get away here as soon as I can dahil kung hindi, paniguradong mahuhulog lang ulit ako sa mga bitag niya. I am not afraid of him anymore. I am not afraid of the pain that he will eventually caused me once I fell in love with him again or once I get in his life again. Hindi na ako natatakot sa mga iyon because I've been there. I'm just afraid of the process I'll be going through again. Once I'll get hurt and he'll destroy me again. Ang hirap malampasan ang lahat ng iyon. Kaya natatakot akong pagdaanan ulit iyon dahil hindi ko na alam kung makakaya ko ba ulit iyon.

Unknown number:

Hi Miss President! It's Trina. I just want to remind you about our dinner later. I'll see you sa resto. Thank you so much in advance.

Mabilis kong pinatay ang phone pagkatapos kong mabasa ang mensahe galing kay Trina. Umuwi lang ako sa bahay para magbihis. Nagkasalubong pa kami ni Leilana.

"May pupuntahan ka?"tanong niya.

"I have dinner with someone tonight"tipid na untag ko kaya napatango lang siya. She complimented my dress and my look at hindi na muling nagsalita pa pagkatapos. Tipid lang naman akong napatango bago tuluyang nagpaalam sa kanila.

I also messaged Tita about it para hindi na niya ako hanapin pa. Although they're in the city right now at bukas o sa makalawa pa makakauwi. They attended a prestigious event which they invited me and I politely declined their invitation. So much exposure for my almost two months here.

Wearing my simple black dress. Hinayaan kong nakalugay lang ang aking buhok na natural ang curl sa dulo. I put a simple and light make-up. Just powder, blush, and a nude lipstick. Sinalubong naman ako ng pagbati ng mga staff nang pumasok na ako ng resto. Iginiya rin nila ako sa table kung nasaan mukhang kanina pa naghihintay sina Trina, Chester at Star. Nakaupo lang sila. Nanatili naman ang tingin ko kay Chester na tuwang-tuwa habang nilalaro ang bata while Trina was just watching them happily. Saka lang sila natigilan nang nakalapit na ako. Mabilis namang tumayo si Chester para paghilahan ako ng upuan. Tumayo rin si Trina habang tahimik lang namang nanonood ang bata sa mga matatanda.

"You're so beautiful, Venice"untag ni Trina sa akin kaya tipid ko lang siyang nginitian.

"Thank you"untag ko naman kay Chester sa mababang boses nang nakaupo na ako. Seryoso lang siyang tumango sa akin. Lumapit naman ang waiter para sa aming order. Nang natapos na kami sa pag-order ay siya namang pagsalita ni Trina.

"I'm really sorry for what happened kanina sa beach. Star wasn't really used to being with someone unfamiliar with her. Lalo na kapag tungkol sa Tito Chester niya"she smiled at me pagkatapos ay binalingan naman niya ang anak na nakatingin lang din sa akin. Pinapanood ang bawat kilos at galaw ko. Sumulyap ako sa bata kaya nang nagtama ang tingin namin sa isa't-isa, mabilis siyang umiwas sa akin ng tingin at napahawak pa sa braso ni Chester.

"It's okay. You don't have to apologize. Naiintindihan ko naman---

"It's actually my fault. Hindi ko sana sinabi iyon sa kanya without giving her a heads-up. At isa pa, wala siyang kaalam-alam na may ipapakilala ako sa kanya"Chester trailed me off. Nagtiim-bagang naman ako nang bumaling ito sa bata. He slightly pinch her cheeks. Mabilis namang tumawa ang bata at nag-angat ng tingin sa kanya. I saw how he's gentle towards her. The way she deals with the child.

"Walang may kasalanan sa nangyari. That's just how some children react with the situation. And in Star's case, she was just overwhelmed with the idea that her Tito has another friend which is somehow unfamiliar with her"paliwanag naman ni Trina. Napatango lang din naman ako sa sinabi niya.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon