"Anong ako? Wala naman akong atraso sayo ah?"
Masama ko siyang tinignan. Napaatras naman siya nang nilapitan ko. Rinig ko ang pagtawag sa kanya ng mga kasama pero walang kahit na sino ang tumangkang pigilan ako.
Namimilog ang mga mata niya akong tinignan.
"What are you planning to do?"
Kuryuso niya akong tinignan. Bakas ang pagtataka sa kanyang mga mata.
"Anong plano? Tinatanong mo ba ako kung ano ang plano ko?"he even have a time to scoff in my face.
Umismid ako at bahagyang natawa.
"I don't know what you are planning to do but I am telling you to stop getting my way"pinagtaasan ko siya ng kilay.
Napanguso naman siya. Mukhang malalim ang iniisip.
"You're not even practicing! Are you even playing?"inirapan ko siya.
Inosente niya akong tinitigan habang nakanguso parin ang kanyang bibig.....mukhang naguguluhan sa mga sinabi ko.
"Venice"rinig ko si Leilana kaya sa huling beses ay masama ko siyang tinignan bago tinalikuran.
That idle, dimwit and obnoxious person!
I rolled my eyes mentally.
Tinignan ako nina Lucas kaya I leveled their gazes.
Hinawakan ako ni Leilana sa braso habang nililingon ang mga iyon.
"Pagpasensyahan niyo na"she said nicely. Hinawi ko naman ang kamay niya kaya bahagya siyang natawa bago pabirong hinampas ang braso ko.
"Ai! Ang sungit mo talaga"saway niya pero hindi ko siya pinansin. "Nakita mo nang natutulog 'yung tao"aniya pa.
"Natutulog dito? Eh siya nga 'yung nagpumilit na baguhin 'yung schedule ng practice nila eh"giit ko naman.
Umismid siya.
"Hindi naman siya 'yung nagdesisyon"
Napailing ako. Sumenyas ako kay Carys na forward na sila sa next routine kaya agad siyang tumango. Nakarating na sila Stan at kumpleto na ang mga gamit kaya nag-uumpisa na rin ang ibang boys sa kanilang warm-up habang ang iba naman ay sa kani-kanilang routine na.
"Siya parin 'yung nagpumilit!"giit ko pa.
Matagal niya akong tinitigan.
"Galit na galit ka? Ang gwapo kaya niya"ngumisi siya kaya ngumiwi ako.
As if I care? Hindi naman gwapo 'yon!
Napailing nalang ako.
"Kaya ka ganyan kasi puro ka gwapo"puna ko. She just smiled at me. Hinampas pa ako at mukhang ayaw nang dugtungan ko pa ang mga sinabi.
I am annoyed the whole time pero namuo parin ang kagustuhan kong ma-perfect ang routine sa araw na ito. I should at least make things perfectly. May mga oras na matalim kong tinititigan ang ibang baguhan dahil kung hindi natutumba ay nagkakamali naman.
"This is your last warning, Avril"I said nonchalantly. Kabado naman siyang napatango dahil sa sinabi ko.
Hindi naman tumigil sa pangungutya si Leilana habang nanonood lang sa gilid kaya kung minsan ay sinisigawan ko na.
"Ang harsh mo talaga today. Maliban sa hot papi, ano pang ikinagagalit mo sa mundo?"
Tawang-tawa si Leilana habang magkarugtong naman ang kilay ko.
"Marami at isa ka na roon"puna ko.
She sigh dramatically.
"Ang sama talaga ng ugali mo sana kunin ka nalang ni Lord"tumawa siya kaya hinampas ko ang braso niya.

BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...