Kabanata 40

7 1 0
                                    

Sunday afternoon when Leilana and I have our swim. Tuwang-tuwa naman siya habang tinatalsikan ako ng tubig kaya kahit naiinis, nagawa ko paring matawa dahil hindi siya tumitigil. That same afternoon after our swim, I unexpectedly ask her to ride with me. Noong una nagulat pa at ilang beses akong tinanong kung ayos lang ba ako o kung may sakit ba kasi hindi iyon normal sa akin. I told her that I'm fine and I have the time so we shouldn't waste it with some petty arguments. Sumama rin naman kalaunan. Nagulat pa nga nang tinigil ko ang kotse sa harap ng isang bar.

"What behavior is this?"namilog ang mga mata niya kaya pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago padabog na sinarado ang pintuan ng kotse. Makahulugan niya parin akong tinignan hanggang sa nakalapit na ako sa kanya.

Inakbayan ko siya at hinila na para makapasok kami.

"What are we doing here?"naguguluhang tanong niya sa akin.

"Let's have fun tonight"untag ko.

Napakunot pa ang noo nito.

"Anong nangyari sayo? Hindi ikaw 'yan! May sakit ka ba?"aniya sabay hawak sa noo ko kaya iniwas ko ang mukha ko mula sa kanya.

"Ayaw mo ba? Let's just go home---

"Wala naman akong sinabi. Nagtatanong lang kasi parang hindi ikaw 'to. Ano bang nakain mo at bigla kang nag-aya?"

Umiling lang ako.

"At isa pa! Pasado alas sais palang. Mamayang 9 pa ang bukas ng bar na 'yan. Halatang hindi ka sanay eh"aniya sabay hila na sa akin pabalik sa kotse.

"Because this is really my first time. Akala ko pa naman matutuwa ka dahil dinala kita rito. Why? Ayaw mo ba akong makasama?"

Umismid naman siya dahil sa tanong ko.

"Napaka-arte! May narinig ka ba mula sa akin na sinabi ko 'yan? Talagang nagtataka lang ako"giit niya pa kaya napanguso nalang ako. "Dinner nalang muna tayo tapos babalik lang ulit kapag bukas na"aniya kaya sumunod nalang ako.

Sa isang french restaurant lang kami kumain. Patuloy parin siya sa nga katanungan niya kaya halos mainis na ako buong oras habang kumakain kami.

"I brought you here because I want to experience this with you"untag ko nang nakaubos na kami nang halos limang shot ng martini. Napailing nalang siya. Halos masakit na ang ulo ko habang siya, parang wala paring nararamdaman.

"May problema ka ba? Biglaan ang pag-aya mo"tanong niya habang iniinom ang pangsampu niyang baso ng tequila. I also ordered one pero pinigilan niya ako.

"Maghahalo ang mga iniinom mo! Mas lalo kang malalasing"saway niya pero napanguso lang ako bilang pagmamakaawa na hayaan nalang niya. Napairap siya bago ako hinayaan. She even fixed my silver cowl neck sequin chain crop top. I partnered it with my black leather mini skirt and my silver stilleto. Habang siya, a blue crop tank top bra and a boot cut pants. Her outfit is inspired by an iconic character in a series na pinanood namin noon.

"Is there something wrong? May problema ba kayo ni Chester?"

I pout like a little kid after finishing my glass. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin. Napasinghap siya nang hindi kaagad ako nakasagot.

"Sandro and I are over.....for real"aniya kaya nagulat naman ako roon.

"Why? What do you mean for real?"

She licked her lower lips. Kumibit-balikat pa ito bago ininom ang shot na kalalapag lang sa harapan niya. Naglapag din ng baso para sa akin kaya mabilis ko din iyong inubos.

"I don't think he wants me to be part of his future. I keep on asking him if he's serious about our relationship. Kung may plano ba siyang ipagpatuloy pa namin iyon"umiling siya.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon