Kabanata 6

26 2 0
                                    

Napalunok ako bago ibinaba iyon. Iniwan ko lang doon at hindi na muling pinansin pa. Suminghap ako at nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit bago lumabas at dumeretso sa locker. Sinubukang iwaksi ang mga naiisip at mas lalo iyong naramdamang hindi naman natural sa akin. 

Maingay ang mga estudyante sa hallway. May mga nagtutulakan at nagsisigawan. May mga grupo rin sa kabila na nag-aasaran. Tahimik lang ako habang nilalagpasan sila. 

I wasn't used to befriend with anyone since the first day I was transfered here. Siguro hindi talaga ako likas na pala-kaibigan. Para kasi sa akin, friendship is so expensive. It requires money and time. Iyon ang tumatak sa akin simula pa noong nasa abroad pa lang ako. Kung hindi ka galing sa mayamang pamilya, you will be bullied. You will be treated as an outcast. Sa tanang buhay ko, I had never ever experienced that thing. Kung ano ako rito, ganoon din ako sa abroad dati. I don't like aynone. Ayoko ng maingay. Ayoko ng pakealamera at mas lalong ayoko sa mga taong kawawa at walang plano sa buhay. 

Kaya kung minsan napapaisip ako kung bakit ang daling kumapit at sumunod ni Leilana sa akin kahit na hindi naging maganda ang naging simula namin. Ganoon din lahat na nasa team ko. Alam ko kahit na mababait sila kung minsan ay sumasama rin ang loob nila sa akin. 

"Bakit ka ba kasi nakikipagkaibigan doon?"rinig kong mariing tanong ni Shiela kay Grace habang nasa loob ako ng cubicle.

Hindi nakapagsalita kaagad si Grace.

"Mayaman 'yon! Kahit sino naman ay lalapit at gugustuhing maging kaibigan niya"puna naman ni Ryse kaya napataas ang kilay ko.

"Galante ba?"si Shiela.

Nagtawanan silang lahat.

"Madalas nanlilibre 'yon sa starbucks!"puna pa ni Ryse.

"Mabait si Venice"giit ni Grace kaya narinig kong hinampas siya.

Lalabas na sana ako pero narinig kong nagsalita si Gia.

"Sinasabi mo lang naman 'yan dahil napili ka niyang maging parte ng team niya. Nagtataka nga ako kung bakit siya pa ang naging junior head ng gymnast kung ganoon naman ang ugali niya"

Natawa silang lahat dahil sa sinabi ni Gia. 

Lumabas ako. Natahimik silang lahat. Nagulat naman si Grace nang makita ako. Dahan-dahan namang binitawan ni Ryse ang kwelyo ni Grace at nag-iwas ng tingin sa akin. Napaawang ang baba ni Gia habang deretso ang tingin sa akin. Tinignan ko lang din siya pabalik. Ganoon din ang ginawa ko sa iba. Nangapa naman ng sasabihin si Shiela pero inunahan ko na siya.

"Practice"mariing untag ko. Napayuko naman sina Ryse pero pinagtaasan ko lang sila ng kilay.

I don't have any energy para pumatol sa kanila. It's their opinion. Hindi ko kontrolado ang utak nila kaya hinayaan ko nalang. After all, ako lang naman ang nakakaintindi at nakakakilala sa sarili ko kaya bakit pa ako magpapaliwanag?

Umpisa noon, they voluntarily quit gymnastic. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan nilang gawin iyon. Ganoon na ba sila ka-guilty? I just laugh it all. Nanatili si Gia but after the rumor spread about her dating the head gymnastic facilitator, hindi ko na siya pinagbigyan pa. That facilitator was dismissed immediately. Nang talagang napatunayan ay inireklamo at sinibak sa trabaho and for Gia, she was suspended. 

Obsession, greed ,and pride will really supress your dignity.

"Okay, again"narinig kong sigaw ni Carys habang papalapit ako sa dako nila. Natigilan sina Stan nang makita ako. Sinenyasan ko lang sila na magpatuloy. 

"Again!"sigaw ulit ni Carys kaya napailing ako. Mabilis kong binaba ang mga dalang gamit sa bleachers at nilapitan siya para palitan.

"Ako na"giit ko kaya napatango siya at dumeretso na sa posisyon kung saan siya magpa-practice.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon