Pasado alas dose palang ng hating-gabi ay nagpaalam na ako kay Tita at Tito na mauuna na akong uuwi. Hindi naman madami ang nainom ko. Nauna nang umuwi si Leilana dahil inaantok na raw ito at mukhang kanina pa naiinis dahil sa presensya ni Sandro while in Chester's case, we never had a contact or conversation the whole night. Ni hindi rin siya nakalapit sa akin. We just stare at each other from afar. May mga pagkakataong nahuhuli ko siya, may mga pagkakataon namang ako ang nahuhuli niya. I was just there, sitting while drinking champagne.
Kaya sobrang ganda ng tulog ko dahil nakainom ako kagabi. Hindi ko naman nakalimutan mag-jog at magpilates. It's Saturday. Saka lang muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Leilana about sa babaeng madalas nagpapadala ng mga pagkain na nali-link kay Chester.
I don't know. Hindi naman ako apektado sa lahat. Kahit kay Engineer Sophia. I am not insecure or jealous. Anong pagseselosan ko? Na nakakalapit siya kay Chester? What's so good about having him near me? Atsaka, noong gabing sinabi niyang hindi siya kasal at mali ang nakita ko, hindi ko na muling iniisip ang bagay na iyon. Siguro talagang tanggap ko na ang lahat kahit tama man ako o mali. I am already enough..... all by myself.
"Pupunta ka sa resort?"bungad ni Leilana nang patapos na ako sa pilates ko. She's already all dressed at naka-makeup pa. Napainom naman ako ng tubig.
"Bakit mo naman naitanong? Sasama ka?"
"Just asking if you have something to do today there. Ano pang gagawin mo?"napakunot ang noo ko dahil sa sunod-sunod niyang tanong.
"Bakit nga?"
"Tutulungan kita para mas mabilis kang matapos"aniya at malapad pang nakangiti kaya may kutob na akong may iba na namang binabalak ito.
"May binabalak ka na naman ano?"akusa ko kaya mabilis siyang umapela.
"Wala ano! Gusto ko lang namang maaga kang matatapos"
Mas lalo akong kinutuban.
"Bakit nga?"halos iritadong tanong ko.
"Gusto ko lang mag-swimming"rason niya kaya napairap lang ako.
"Magswimming ka mag-isa mo. I have so many things to do"giit ko bago siya tinalikuran at iniwanan doon. Mabilis naman niya akong hinabol. Hindi parin ako tinitigilan. Sumunod nga siya sa akin hanggang sa opisina ko. Nagtatanong at nanghahalungkat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan at basahin. Nag-volunteer pa nga na tutulong kaya hinayaan ko nalang.
"Finally!"she shrieked after I reviewed the last portfolio on my table. Halos nagulat pa ako sa ginawa niya kaya inirapan ko siya.
Nagngising-aso naman ito. Napasulyap agad sa kanyang relo at mukhang binabantayan ang oras.
"Let's have lunch?"malapad ang ngisi niya kaya medyo padabog kong sinarado portfolio at nilapag ang pen na hawak. Napahilig pa muna ako sa backrest ng aking swivel chair bago siya tinapunan ng masamang tingin.
"Anong gusto mo? Magpapadeliver ba tayo? Sa mansion nalang kakain o sa labas?"tanong niya.
Gusto ko sanang supalpalin siya kaso parang kawawa naman yata siya kung gagawin ko ito sa kanya. At isa pa, ilang oras din siyang naghintay at tinulungan pa ako. Madami rin kaming ginawa kaya sayang naman siguro lahat ng effort niya kung babalewalain ko lang iyon hindi ba?
Napasinghap ako. "Ikaw bahala kung saan mo gusto"
Mas lalo siyang napasigaw dahil sa sinabi ko. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
"Tara na! Sa labas nalang tayo kumain"excited niyang untag kaya walang gana akong napatayo.
Para siyang bata na akala mo naman kakain sa paborito nitong fastfood o pupunta sa amusement park. Binati agad ako ng aking sekretarya pagkalabas ko. Deretso lang naman ang lakad naming dalawa ni Leilana. Some staff na nakakasalubong namin, ganoon din ang ginawa. Napatingin ako sa aking relo at pasado alas dose na rin pala.

BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...