Kabanata 8

25 2 0
                                    

Napalingon ako nang maramdaman kong sinusundan niya parin ako. He is I think six steps away from me. Tumigil siya nang tumigil ako. Inayos ko ang strap ng dalang bag habang kunot-noo siyang tinitignan.

"Just go. I'll just check on you pagkatapos ay uuwi rin ako"aniya habang sinisenyasan akong maglakad na kaya napailing ako. 

"Ikaw ang umuwi na. Bakit mo ba ako sinusundan?"

Nilabas niya ang kanyang kamay mula sa bulsa at inayos ang suot na coat. 

"Sinisigurado ko lang na makakauwi ka ng maayos"bigla siyang umiwas sa akin ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon. 

"I can go home on my own. Bakit ba ang kulit mo?"medyo iritadong untag ko. I just hate the fact that he initiate first na hindi naman niya masyadong ginagawa. 

Hindi siya nakapagsalita kaya napairap ako bago tumulak. Tahimik ang likuran ko nang naglakad ulit ako pero ilang saglit pa ay muli kong narinig ang mga yapak niya kaya mas lalo ko nalang binilisan ang paglalakad. May sundo naman ako kaya hindi na niya kailangang gawin iyon at isa pa, bakit niya pa ginawa iyon? I though he hates me? He hates me so he decided to tease me more? Para ako naman itong mairita sa kanya? Kahit naman wala siyang gagawin, maiinis at maiinis parin ako sa kanya. Lalong-lalo na nang in-announce na ang winner sa exhibit na iyon at siya ay nasama sa runners up. I was included too pero the though na naglevel ang galing namin when it comes to that, mas lalo akong nainis sa kanya. 

But it was a relief knowing we won't be seeing each other more often. Hindi ko siya nakikita sa loob ng gym. Sinunod naman siguro ang utos kong huwag nang magpakita sa akin lalo na at bukas na ang tournament. 

I didn't eat the past few days pero may madadatnan nalang akong lunch boxes sa bleachers tuwing hapon. 

"Sinabi ko naman sayong ayaw kong kumain diba?"singhal ko kay Leilana nang nakitang may doon na naman. She just looked at me unpleasingly.

"Ikaw! May problema ka talaga sa attitude mo 'no?"puna naman niya at inirapan pa ako. 

Though frustrated and upset seeing those lunch boxes, sinusubukan ko namang buksan iyon noong nakaraang araw lang. Aside fromrice, meats and vegetables, may mga prutas din iyon at meron pang dessert. I didn't thought in my entire life Leilana would make such big effort like this.

Muli ko siyang binalingan at napairap nalang sa kawalan. 

I didn't eat any food in those lunch boxes. Kung hindi binabalewala ay nagrereklamo naman.

"I'm on a diet"reklamo ko pa nang kinabukasan ay pinilit ako ni Leilana na magbreakfast sa cafeteria.

"Diet, diet ka riyan! Tignan mo nga 'yang sarili mo. Sobrang payat mo"puna naman niya pero hindi ko iyon pinansin. 

Pasado alas singko palang ng umaga nang dumating kami sa school ni Leilana. I really need to practice again and again before the tournament starts. Kaya ngayon, kahit medyo giniginaw ay hindi parin ako tumitigil. 

"Kahit coffee lang"giit niya pa pero umiling ako. Hindi naman tumagal bago dumating sina Bryne. Nagwarm-up lang pagkatapos ay sinabayan na nila ako sa practice. We also had a short performance with the presence of Miss Jackie. Na-criticize pa ng kaonti si Bryne pero ang overall performance ay perfect. 

I already changed my outfit. Tapos na rin ang lahat sa paghahanda kaya hinintay ko lang na matapos sina Bryne sa pagbihis bago kami sabay na pumuntang labas. Tipid akong napangiti habang pinakikinggan ang nga kwento nina Stan na aniya'y kinakabahan daw siya.

"Baka sa sobrang kabado mo, magkamali ka"pang-aasar nina Leilana. Napailing nalang ako. She was not supposed to be here with us. She just personally excused herself dahil siya raw ang maga-assist sa akin mamaya kahit hindi ko naman talaga siya kailangan. She always do that.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon