I didn't know that the following days will be peaceful for me, for us.
Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Tita para makumbinse si Mama na manatili sa bahay na iyon. She didn't respond but she didn't also said no. Mukhang hindi nga nakikinig nang sinubukan siyang kausapin ni Tita. Kaya gaya ng dati, hindi na naman siya umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya nanatili. Benedict on the other hand didn't gave up. Didn't even stop calling and going to our house just to talk to me. May mga araw na iniiwasan ko siya pero madalas, wala akong nagagawa dahil nasa likod niya si Mama. Kasama niya kaya hindi ako makaiwas kahit gaano ko ka-gustong huwag na siyang pansinin.
"Why do you keep on turning him down? Ito na nga lang ang magagawa mo pero hindi mo pa magawa ng maayos. Bakit? Sa tingin mo ba kaya mo na? You took advantage of my silence the whole time"galit si Mama isang gabi pagkatapos kong talikuran si Benedict na kasama ang Papa niya. Kakauwi ko lang noon pagkatapos naming magkita ni Chester at iyon agad ang bubungad sa akin.
Sumikip ang dibdib ko habang tinatalikuran si Mama. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa pag-akyat ko sa taas para dumeretso sa kwarto.
"I am still talking to you! Wala ka nang ibang ginawang tama sa buhay ko! You are my worst nightmare! You ingrate!"sigaw niya pa halos ayaw akong tigilan. Ilang beses niya pa akong minura. Malalim naman akong bumuntong-hinga para pigilan ang sariling magsalita pabalik sa kanya dahil ayaw kong makipagtalo. Alam ko namang mas lalo lang siyang magagalit kapag nagsalita pa ako o sumagot sa mga sinasabi niya.
Pumasok ako sa kwarto. Malakas at padabog na sinarado ni Mama ang pintuan at mabilis akong tinakbo para sa isang malakas na sampal. I tilted my head. Uminit ang pisnge ko dahil sa sobrang sakit. Alam kong mamumula ito mamaya.
Namuo ang mga luha sa aking mga mata. Tinuro ako ni Mama. Bakas ang matinding galit mula sa kanyang mga mata.
"Do you honestly think we already have everything? No! Huwag kang magpakampante. That's why I am selling to the Sys. In that way, you can secure our future! Your future!"sigaw niya pa na parang kasalanan ko at mamatay ako kapag hindi ko siya pinakinggan. Tinulak niya pa ako just to emphasize my future. That my life ahead of me depends to them, to that family I don't even know.
Para na akong pipi rito dahil hindi ako makalaban sa kanya. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano. At kung magsasalita naman ako, ano ang sasabihin ko? Na mali siya? Tatanungin ko kung bakit niya sa akin ginagawa ito? Kung bakit kailangan niya akong ibenta sa mga taong hindi ko naman halos kilala.
Alam ko naman na ang isasagot niya. Hindi niya ako anak at ampon lang ako. Na utang na loob ko sa kanya na kinuha nila ako at pinalaki. I'd memorized that since I was a child. Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin ng paulit-ulit.
Halos tahip-tahip ang hininga niya pagkatapos niya akong sigawan. Napasapo pa siya ng kanyang noo at napayuko na para bang pinapakalma niya ang sarili dahil sobra na siyang nahihirapan na kausapin ako.
Nag-angat siya ng tingin at mariing napapikit.
"If you don't care about me, or worry about your father.......your sisters. If you don't care about this family"aniya habang minumuwestra ang kanyang kamay. "Just leave! We won't be needing you here. Umalis ka dahil wala kang kwenta. I will do whatever it takes to save this goddamn family on my own because in the first place, I've been doing that since then! Dahil kung hindi ka lang sana kinuha ng asawa ko, hindi ko na gagawin 'to!"angil niya at binabalik na naman ang sisi at kasalanan sa akin. Dahil kapag may mga bagay na hindi naaayon sa kagustuhan niya, ako agad ang may kasalanan. Ako ang palaging sinisisi. Dahil wala akong kwenta at salot lang ako sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...