Maybe what I really want is to be found. To be seen. To appreciate my presence and my existence. Maybe I wasn't really mad or upset with him. Gusto ko lang talaga matagpuan. Gusto ko lang talaga makita. Gusto ko lang mahanap.
Mariin akong napapikit nang tumigil siya. Tahimik lang kaming dalawa. His heavy breathing is all I can hear. Napalunok naman ako bago dumilat. Marahan at malambot na titig niya kaagad ang sumalubong sa akin. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Pinakikiramdaman ang isa't-isa.
Napasinghap ako bago umiwas ng tingin sa kanya at inayos nalang ang damit.
Naglakad ako at nilagpasan siya. Inayos ko ang mga gamit dahil tapos na ako at uuwi na. Binalingan ko naman siyang nanatiling nakatayo habang pinapanood lang ako. Clenching his jaw.
"I'll kill you if you tell everyone that we are dating"banta ko sa kanya.
Nakita ko naman kung paano namilog ang mga mata niya. Look amused, napakurap-kurap siya.
Matalim ko siyang tinignan.
"Uuwi na ako"untag ko bago tumayo at nilagay ang strap ng bag sa balikat. Lumapit naman siya pero bago pa man siya makalapit ay tinalikuran ko na at naglakad na.
Bahagya pa akong nagulat nang inagaw niya sa akin ang dalang bag.
"Let me hold it for you"aniya pero mabilis ko iyong binawi mula sa kanya.
"Kaya ko"giit ko pero hindi siya nakinig sa akin. So instead of taking my bag, hinawakan niya lang ang katawan niyon habang nasa balikat ko lang ang strap. Para tuloy akong timang na nagdadala ng bag physically pero sa totoo lang, wala akong nararamdamang bigat.
I let him do that. He even walk me home. Pasado alas siete na rin. But who cares? Wala namang nag-aantay sa akin sa bahay. Wala namang may pake kung nakauwi na ba ako o hindi pa.
"What's your plan? Bakit ka pa bumalik?"kating-kati akong tanungin siya nito. Narinig ko ang pagtikhim niya.
"There's some things I need to process"
Napatango ako.
"You were absent the whole month, then? Hindi ba nagagalit ang parents mo sayo?"
Sinulyapan ko siya. I caught him looking at me. Uminit ang pisnge ko dahil doon. Umiling siya.
"How about your backlogs? Your absence will affect your grades"hindi ko naiwasang mag-alala.
He purse his lips. He's still that idle and naive Chester I really know. Kahit siguro mawala pa siya ng halos ilang taon, hindi parin siya magbabago.
"I'll take care of that"aniya, assuring me in the end kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango at maniwala sa kanyang gagawin niya nga iyon.
I don't know what his plans. Gusto kong magtanong kung bakit parang wala siyang ganang pumasok or to even attend his classes. It's too personal to even ask. So, I always choose to stay quiet.
Hanggang doon lang ang naging usapan naming dalawa. Naging tahimik lang kami hanggang sa bus station. He insist na samahan na ako at i-hatid talaga sa bahay but I refuse. It's too early to cling.
Like the usual, I ate my dinner alone. Kung hindi pinakikisamahan ang loyalist ni Mommy, tanging si Manang Lucy lang talaga ang totoong nag-aalala para sa akin. She always make sure I ate my meals everyday kahit gaano ko sabihing wala akong ganang kumain.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...