The following days, tahimik ang naging takbo ng mga araw ko. Mas naging maalaga ka akin sina Tita. I didn't ask or question the noises I heard that night. Alam kong handa naman si Tita na sumagot pero ayaw ko nang pag-usapan ulit iyon.
"I heard they offered you a scholarship? Sa Spain?"I forced a smile only to see Chester squinting his eyes on me.
"No. We're not talking about this, Ven"
Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. Napaawang naman ang aking baba. Mariin siyang napapikit habang humahalukipkip. It's the end of the academic year. It's summer. Ilang beses na rin naming napag-usapan ang tungkol sa offer ng school niyang iyon para sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang pinilit na tanggapin iyon. I know it will help him a lot. Alam ko ring gusto niya iyong tanggapin. But there's something that holds him back and I know what's that.
"Mabilis lang naman iyon? Orion accepted it so I don't get it why you kept on refusing to accept it"dinungaw ko siya. Magkarugtong ang kanyang makakapal na kilay. I played with his hair. Napakunot ang noo ko dahil natatamaan ng araw ang aking mga mata .
"Si Orion iyon. I also don't get it why you keep on pushing me to accept the offer"he clenched his jaw.
For almost 3 years, I guess? Of our relationship, maliban sa kagustuhan nitong pumasok sa varsity ng kanilang school, iyon lang talaga ang nalaman kong pinursue niya. Kung hindi man galing sa mga kaibigan o kaklase nito, sa mga teachers naman ako nakakarinig tungkol sa mga chances at opportunities na ilang beses na rin niyang sinayang.
Napasinghap ako.
"Bakit kasi hindi, diba? What's holding you back?"
"Nothing"agap niya.
Sandali akong natulala bago malalim akong bumuntong-hinga. Tinanaw ko nalang ang dagat hindi kalayuan sa patio kung nasaan kami. Nakahilig ako sa lounger habang siya naman ay nakahilig sa aking dibdib. Bumagsak ang tingin ko sa katawan namin. My legs looks small because of his long and toned legs. Nagmistula kaming latte. Para ako iyong foam na lumulutang habang siya naman ang kape sa ilalim. For years that we decided to stay here for the mean time, natuto na rin siyang mamuhay katulad ng mga tao rito sa lugar. Hindi naging matagal ang construction ng lighthouse. Napa-blessed na rin iyon nina Tita noong umuwi sila last Christmas. May mga araw na pumupunta kami roon ni Chester. May mga araw din na tumatanggi ako dahil alam kong nahihirapan din siya at nabibigatan sa tuwing kinakarga ako paakyat.
"Hindi ka ba napapagod sa akin? I'm disabled and I am just burdening you"
Bakas ang galit sa kanyang mga mata sa tuwing kinukwestyon ko siya sa lahat. Sa tuwing pinupuna ko ang pagiging pabigat ko sa kanya. I am caging him. Halos kinukulong ko na siya sa mga palad ko dahil lang sa kaisipang ayaw niya akong iwan. Ayaw niya akong pabayaan. To the point that I hinder him from soaring high. From achieving his dreams in life. From having a life on his own.
"I a-m...caging you here"basag ang boses ko. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiwas ako ng tingin mula sa kanya pero hinuli niya lang ang tingin ko. Inangat niya ang aking baba at maingat na pinalis ang mga luhang tumulo sa aking pisnge.
"I feel like I captained your ship. I let you sail but I was also the one who maneuver the wheel on my own direction"umiling ako. Parang ganoon iyon. Ganoon iyon sa akin. Ganoon ko tignan ang lahat ng ito.
"I can't be your anchor. I can't just hold you in one place"dagdag ko pa. Umiiwas ako ng tingin mula sa kanya pero hinuhuli parin niya iyon. He direct my eyes on his. Nakitaan ko siya ng lungkot at pagsusumamo. Umiiling naman ako. Alam kong sasabihin na naman niyang mali ako. Ganito naman palagi. Kahit ako ang may kasalanan, aakuin niya parin ang lahat para siya ang magiging mali sa huli.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...