Kabanata 5

28 2 0
                                    

"Tapos na kayo?"tanong ni Carys nang makasalubong namin sila. Lumingon siya sa likuran at makahulugan akong tinignan. Sinulyapan ko naman si Stan na seryoso lang habang mariin ang titig sa lalaking nasa likuran ko. 

Tumikhim siya.

"We need to hurry"mariing untag niya. Hindi manlang ako sinulyapan kaya ramdam kong masama parin ang loob niya sa akin. May binulong naman si Bryne kay Grace at naghagikgikan pa. Siniko naman sila ni Carys nang makita ang pagtitig ko sa kanila.

"Pupunta na kayong court?"tanong ko.

Napakunot ang noo ko nang humagikgik na naman ang dalawa. Nasa likuran ko ang pansin at mukhang kinikilig sa kung sino kaya agad kong nilingon si Chester na nasa usual na ekspresyon. Mukhang lutang na walang-gana sa buhay. Napakamot ito ng ulo at humikab pa. Naramdaman niya siguro ang paglingon ko kaya bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Ano?"he mouthed with a hint of warning. He pout his lips when I scorn. Mariin niya akong tinignan bago inirapan. 

Napailing nalang ako bago binalingan ng tingin ang nag-aasarang sina Bryne. Nahuli ko pa silang nagsisikuhan na agad namang sinaway ni Stan kaya biglang tumigil.

"Susunod ka? Excuse nalang daw muna sina Leo at Avril masakit daw kasi ang katawan kaya absent.

"Iyan ang sinasabi ko sa kanila. How many times should I tell each one of you to execute proper warm-up before doing your stunts? Especially sa mga artistic gymnast"pangaral ko. Napasinghap naman sila dahil sa sinabi ko. 

Dismayado akong umiling. 

"Tagalan niyo ang exercise bago ang routine"bilin ko kaya sabay silang tumango.

"Hindi ka susunod?"tanong ni Carys. Napalingon ako kay Chester na parang walang-gana mabuhay sa mundo dahil walang pake sa mga nangyayari.

"30 minutes susunod ako"untag ko. Tumango sila bago naunang naglakad. Huling umalis si Stan dahil tumigil muna siya sa harap ni Chester. Pinasadahan niya ito ng tingin. Mas matangkad si Chester kumpara sa kanya pero mas pormado ang katawan ni Stan dahil maliban sa pagiging athletic, madalas din itong nagg-gym. 

Masama ang tingin niya rito habang ang isa naman ay inosente lang siyang tinignan pabalik. 

"Tara na"tawag ko kay Chester. Sinulyapan niya ako ganoon din si Stan. Umiling lang ang isa bago siya umalis. Sinundan naman ito ng tingin ni Chester.

"Anong problema nun?"tanong niya kaya kumibit-balikat ako.

Nauna akong maglakad habang siya naman ay nakasunod lang sa likuran. I don't even think he can draw or finish his work before the due. Mukhang hindi pa kasi magaling ang braso niya kahit ilang beses ko na siyang nakitang sinusubukang galawin ito. 

Napanguso siya habang sinusubukang i-stretch ang braso. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Hindi pa siya nakakumpisa sa ginagawa kahit na ang buong oras na para sana sa pag-gawa niyon ay sinayang niya lang sa pagtulog o hindi kaya'y pagiging tulala. 

He tsk when he could barely stretch it out. Napalunok naman ako habang pinapanood siyang dismayado. Nang naramdaman niya siguro ang pagtitig ko sa kanya ay napasulyap siya. Mabilis naman akong umiwas ng tingin at itinuon ang pansin sa ginagawa. 

We were only given one week and three days to finish our work before the exhibition. Pinayagan naman kaming gawin sa bahay o kung kailan kami free but I prefer to do it with him. Wala namang sinabi na dapat pareho ang content o subject na gagawin namin. I never even saw him draw or make a draft. Kanina abala ako sa klase kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sulyapan manlang ang ginagawa niya.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon