Kabanata 30

12 2 0
                                    

Nang naghapon at medyo hindi na masakit ang sikat ng araw ay tuluyan nang nagpasya sina Leilana na lalangoy na. Ilang beses pa nila akong pinilit ni Engineer Iñigo na sumama sa kanila. Nasa platform lang ako habang pinagmamasdan silang lumalangoy.

"I don't know how to swim"apela ko pero sinamaan lang ako ng tingin ni Leilana. Tinignan naman siya ni Iñigo para kumpirmahin.

"She knows how to swim. Maarte lang talaga 'yan"giit niya pa.

Binabasa naman ako ni Leilana kaya napatayo ako. Ilang beses pa akong napaatras dahil naaabot parin ako ng tubig.

"Leilana!"I groan kasi bahagya akong nabasa.

Natawa naman ito. "Bakit ka pa sumama kung hindi ka maliligo? Sayang naman 'yang bikini mo"patuyang untag niya pa kaya matalim ko siyang tinitigan.

Rinig ko naman ang boses ni Engineer Sophia sa likuran ko kaya napalingon ako. Kasama niya si Benedict. Nakatopless na si Benedict samantalang naka-maroon two-piece naman si Engineer Sophia. Natigilan si Benedict nang makita ako. Pinasadahan niya pa ng tingin ang katawan ko kaya nagtiim-bagang lang ako.

Ano?

He smiled a bit at me before pulling Sophia.

"Let's go?"ngisi niya. Bumaling naman sa akin si Sophia at mukhang tuwang-tuwa naman na kasama si Benedict. Tumango ito bago nila ako nilagpasan. Bahagya pang lumangoy nang kaonti palayo sina Leilana para bigyan ng space sina Sophia dahil padarag silang tumalon sa tubig. Kitang-kita ko naman ang pag-irap ni Leilana dahil doon.

Sophia shrieked. Natatawa naman si Benedict habang lumalangoy malapit sa babae.

"Venice, come on!"sigaw pa ni Leilana kaya napasulyap ang dalawa sa akin. Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Benedict. After our arguments and confrontation, hindi na siya muling lumapit o nagtangkang kausapin ako. Ayos lang naman sa akin iyon pero masyado na siya yatang oa ngayon.

Napagdesisyonan kong maupo nalang sa platform at hinayaang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig. Hindi na rin naman ako binabasa ni Leilana. Pinapanood ko lang sila habang lumalangoy. Medyo malayo naman sa amin sina Benedict at mukhang may pinag-uusapan silang dalawa ni Sophia. She also brought a floaters with her kaya humiga siya roon.

"Maliligo ka, Engineer?"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong ni Iñigo na iyon. Nakita ko namang sumulyap pa ito sa akin at patuya akong tinignan. Nagngising-aso lang naman ang aking kaibigan at mukhang inaasar yata nila ako.

Napairap naman ako. Hindi ako lumingon. Kung iyon ang hinihintay nilang gawin ko.

"The water is refreshing. Why don't you join us?"si Leilana naman at naghagikgikan pa silang dalawa ni Iñigo kaya umiwas lang ako sa kanila ng tingin.

Ilang beses pa nilang pinilit o inaya si Chester kuno para lumangoy. Nakailang irap naman ako sa kawalan dahil sa ginagawa nila. Halatang-halata na nang-aasar kaya sa matinding iritasyon, napatayo na ako para umalis doon.

"Shit"rinig kong mura ni Leilana kaya nang humarap na ako at bahagyang nabunggo sa isang matigas na dibdib ay doon ko lang napagtanto kung sino talaga iyon.

Bumagsak ang tingin ko sa puti nitong tsinelas at itim na shorts. Nagtiim-bagang ako at mariing napapikit bago dahan-dahan nag-angat ng tingin. Nakapamulsa habang seryoso akong tinititigan ni Chester. His chiseled jaw was a bit clenched too. Halos napaatras pa ako dahil sa lapit naming dalawa pero mabilis niyang hinuli ang braso ko. I heard Leilana's shrieked at the sight of my sudden fall if it wasn't because of Chester's reflexes.

Pumungay naman ang mga mata niya dahil doon at bahagya pang napaawang ang baba niya. Hinila niya ako nang walang kahirap-hirap pabalik sa kanya.

Dumagundong naman ang puso ko dahil sa ginawa niyang iyon.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon