Maaga nga akong nagising kinabukasan. I need my morning jog so I woke up before anyone else. I already did my pilates after and at exactly seven in the morning, everyone was already awake. Naghanda na silang lahat. They told me na sa resort nalang daw kami magco-coffee at magb-breakfast kaya I just shower and change.
I wear my simple yellow string bikini under my black side tassel openwork knitted cover up and high-waisted shorts. Pinaresan ko lang iyon ng nude na flat sandals at nagdala na rin ng bohemian woven bag at nilagay ko roon ang yellow kong sarong, some sunblock, glasses, compact powder, lipstick, camera at pantali. Messy bun lang ang ginawa ko sa aking buhok para hindi gaanong tinatakpan ang mukha ko.
Bumaba na ako at bakas ang inis sa itsura ni Leilana habang hinihintay ako.
"Maaga ka raw nagising pero late ka parin"puna niya kaya inayos ko na ang suot kong glasses. Nakasuot siya ng white na maxi dress at may dala ring bohemian bag. She also wears a floppy hat katulad ko.
"Kanina pa sina Tita roon sa resort"dagdag niya pa kaya mabilis na akong naglakad palabas.
Hindi ko naman talaga gustong sumama in the first place. Pagkatapos ko ngang mag-pilates, I made some phonecalls para kamustahin ang mga staffs ko sa Europa. Maayos naman kaya kahit paano ay magaan ang loob ko.
"Kamusta ang tulog mo kagabi?"patuyang untag niya kaya bahagya ko siyang tinulak.
"Hindi ka parin ba titigil sa pang-aasar mong 'yan?"
"Hindi. Nakakatawa kasi ang mga reaksyon mo. Sobrang affected!"giit niya pa kaya napairap lang ako. "Pero in fairness, maganda iyong si Engineer Sophia, aminin"tinuro niya pa ako kaya napasinghap lang ako.
"Let's see how she works"napairap ako kaya pinuna niya iyon.
"Ay may ganun? Sobrang ma-attitude mo"untag niya pa kaya hindi ko na siya muling pinansin.
Hindi lang naman isang beses ko iyang narinig, maraming nagsasabi kahit pa noong nasa highschool palang ako kaya sanay na akong tawaging ganoon.
And it's true, aanhin mo ang physical appearance kung hindi naman maganda ang work ethics mo hindi ba?
Kahit maaga pa, may mga lumalangoy na sa dagat. May pamilya roong nagkakatuwaan habang naliligo kaya hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa kanila. Buhat ng kanyang ama ang anak nilang babae habang binabasa naman sila ng tubig ng kanyang mama. Hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti.
I hope I also have what she has.
Sinalubong agad kami nina Tita Amanda. Benedict greeted me while smiling widely. Nagtangka pa itong hahalik sa akin kaya maingat kong nilayo ang mukha ko mula sa kanya. Bigo naman itong napangiti.
"Good morning. How's your sleep?"mahinanong tanong niya. Naupo na ako sa tabi niya. It's a round table at anim lang ang kasya roon. Nasa kaliwa ko lang si Leilana samantalang katabi naman niya si Tita at si Tito naman sa kabila. Sa tabi ni Tito ay ang Mama ni Benedict pagkatapos ay siya. May nakahain na roong mga breakfast foods gaya nalang ng mga bacon, omelette, hotdog, sausage, at toasted bread. May pancake din kaya iyon lang ang kinuha ko. Nilapag din sa aking harapan ang hot choco kaya tipid lang akong napangiti.
"You want this?"pinakita sa akin ni Benedict ang bacon pero mabilis lang akong umiling. "How about this?"tinuro niya ang sausage pero muli akong umiling. Naramdaman ko naman ang pailalim na pagsiko sa akin ni Leilana kaya napabaling ako sa kanya.
"Caring naman"she mouthed kaya napairap lang ako.
Ilang beses ko namang tinanggihan ang mga alok sa akin ni Benedict.
"I'm okay with some pancakes"giit ko kaya napatango na siya at tumigil na rin. May mga pinag-uusapan sina Tita kaya hindi nila napuna ang mga ginagawa ni Benedict.

BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...