"So makikipaghiwalay ka?"
Gulong-gulo parin ako kahit halos isang linggo na ang nakararaan pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Chester. I don't know how I managed to go home after feeling so betrayed. Betrayed not by him, but by myself. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng taong walang pangarap. Walang ambisyon sa buhay, tamad, walang kwenta at higit sa lahat, a failure. I'm a failure in the eyes of my family, tapos I'll be in a relationship with a failure too?
Iyon ang naging prinsipyo ko. Dala-dala ko buong panahon bago ko pa makilala si Chester.
"Tandaan mong bago naging kayo, alam mo na kung anong klaseng lalaki siya dahil kahit paano may pinagsamahan kayong dalawa"puna pa ni Leilana habang pabalik-balik siya. She's pacing back and forth for a countless times. I don't usually ask for any advice from anyone because I believe that I can handle everything pero kahit pala sobrang talino mong tao, mabo-bobo ka talaga sa pag-ibig. I was so confused. Hindi ko na alam kung paano balansehin ang lahat. Kung ano ba ang dapat kong gawin. Ano ang tama at kung ano ang mali. In this part, she's a pro. It's her expertise that's why I called her for help.
Nagpangalumbaba ako. Muling umilaw ang phone ko para sa ika-isang daang text ni Chester matapos ang hapong iyon.
Napakunot ang noo ni Leilana at pinuna ang pagmessage ni Chester.
"It's been a week. I'm telling you, he's dead serious about you"giit niya pa kaya napasapo na ako ng noo ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Malalim na bumuntong-hinga si Leilana bago nagpameywang sa harap ko.
"Alam kong mahal mo na si Chester. You like him and you can't deny it. Sabihin mo sa akin, you won't be in this relationship with him if you are just infatuated or you just admired him, diba?"pinagtaasan niya ako ng kilay.
In that case, she has a point. Bakit naman ako papayag na makipagrelasyon sa kanya in the first place kung hindi ko talaga siya gusto? O kung may ano sa kanya na nagustuhan ko? Remember that I hated him so much back then. Sobra ko siyang kinaiinisan at kinamumuhian.
But what's really gotten into me? Bakit ganito nalang ang nararamdaman ko?
Napasinghap siya. "Confused ka lang kaya nagkakaganyan ka"aniya.
Sana nga! I really hope so!
Nilapitan niya ako at hinimas ang likod ko.
"I know you accept him in the first place. Hindi ka naman papayag na maging girlfriend niya para sa ano? For experience?"umismid siya. "Neknek naman niya diba? Sobrang ganda mo kaya para piliin ang isang katulad niyang walang-wala sa mga manliligaw mo"
Malalim akong bumuntong-hinga. She really got a point. Pero kung ganoon talaga? Bakit ganito ako? Bakit nagkakaganito ako?
Napanguso ako. Kahit siguro anong sabihin ni Leilana hindi parin makakagaan iyon ng loob ko. Malilinawan pero hindi makakagaan ng loob.
"Nangungulila ka na 'no?"pang-aasar niya sa akin kaya napairap ako.
"You really have the time to tease me?"medyo iritadong untag ko. Kumibit-balikat lang siya pero hindi parin nawawala ang panunukso niya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...