Kabanata 46

12 0 0
                                    

After that night, hindi ko na siya muling nakita. I don't know if he really left that night. Sinikap ko nalang na panindigan ang sinabi kagabi.

"Good morning, Miss Venice"bati ni Althea pagkarating ko ng opisina. Nilapag niya ang bag ko sa mesa pati na ang suot na coat sa rack. Hindi naman maalis ang tingin ko sa bulaklak na nasa vase.

"Your husband went here yesterday. He's looking for you and uh.."natigilan siya nang nilingon ko. "She bought that flowers for you"kahit nagulat ako, sinubukan ko siyang tignan nang seryoso.

"What time did he came here?"

"Around 3 pm in the afternoon"

Sandali akong natigilan bago siya tinanguan.

"Thank you"mapait akong napangiti sa kanya kaya napatango lang siya bago lumabas ng opisina ko. Napabaling ako sa bulaklak na nasa vase. Napalunok lang nang maalala ang nangyari kagabi.

We just had a meeting that day. May mga briefing lang din akong ginawa kasama ang mga designers ko bago ako tumulak para bumisita sa store. After the launching of my clothing line, I also pushed through the construction of my store. I contacted some of my connections. Isa na roon si Sandro. I purposely hired him so that Leilana won't be alone with me. Para kahit paano, magkakaroon kami ng rason para magkita. 

"Does he know about this?"pinagtaasan ako ng kilay ni Leilana habang nag-uusap kami ni Sandro tungkol sa magiging store layout. Napainom lang ako ng kape bago umiling. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Sandro kaya tumikhim ako.

"Sino pala ang magiging head engineer nitong project na 'to?"bakas ang pag-aalala at pagtataka sa itsura nilang dalawa. Bago pa ako makasagot, tumunog na ang aking phone kaya pinagtaasan ko sila ng kamay bilang senyas na mamaya nalang muna sila magtanong.

I answered the phone. 

"Yes?"

"I'm already here outside"aniya. Napatingin naman ako sa malaking glass window ng cafe kung nasaan kami. I saw him standing outside while he's fixing his bag. Pinagtaasan ko siya ng kamay at agad naman niya akong nakita. Napalingon naman silang dalawa roon. 

"I see you. I'll get inside"aniya kaya napatango lang ako bago pinatay ang tawag. Bumalik ang tingin nila sa akin nang binaba ko na ang phone. 

"Who is it?"intriga ni Leilana pero bago pa siya magpatuloy sa pagtatanong, dumating na si Enrique. Nag-angat naman ng tingin ang dalawa sa kararating lang. I smiled at them before standing to introduce him to them. 

"This is Enrique, my head engineer for this project"pagpapakilala ko. Malapad na nakangiti sa akin si Enrique bago bumaling sa dalawa. Tumayo na rin si Leilana at ganoon din si Sandro. 

"Leilana, Venice's best friend"malapad ang ngisi ni Leilana habang tinatanggap ang kamay ng lalaki. Seryoso lang naman si Sandro habang tinititigan si Enrique. 

"This is my fiance, Sandro"si Leilana ang nagpakilala kay Sandro. Sandali naman itong tinignan ni Sandro bago seryosong tinanggap ang kamay ng lalaki. 

"Architect Sandro, Venice's architect and a close friend of his husband"aniya Sandro. Nakita ko pang siniko ito ni Leilana at nagkatinginan silang dalawa na para bang sinasaway siya ng kaibigan dahil sa sinabi. Enrique didn't take the hint kaya napatango lang ito.

"It is so nice to finally meet you"aniya Enrique. Sandali pa silang nagtinginan bago ako nag-alok na maupo na. 

"We just discussed the store's layout"puna ni Sandro kaya napatango lang si Enrique bago niya kinuha ang blueprint. 

"May I?"tanong niya.

"Yes"si Sandro na napatingin din sa akin. 

"It is a 650 sqm store, right?"tanong ni Enrique kaya napakunot ang noo ni Sandro bago tahimik na dumungaw sa blueprint. Napatango ito. Tahimik lang naman kami ni Leilana habang nakikinig. They explained things to me. They discussed the things that will happen during and after the construction and I already set a date for the completion of the project. 

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon