Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin. I busied myself to look around so I won't be able to have any interaction with him though I am here in a Korean restaurant with him.
Tumikhim siya kaya sumulyap ako. Suminghap naman siya nang magkatinginan kami.
"What?"pagtataray ko just to hid the awkwardness I am feeling. He pursed his lips and shook his head after.
Humalukipkip siya. Magkarugtong naman ang kilay ko habang pinapanood ang bawat galaw niya. I don't even know why I am here. Ang huling alala ko, sinabihan ko siyang umuwi siya at uuwi rin ako but look at us now, nakaupo sa loob ng korean restaurant just to have that samgyupsal he keeps on talking about.
"Did you called your parents?"maingat na tanong niya kaya biglang kumunot ang noo ko.
"W-what?"pagtataka ko.
Napasinghap naman siya.
"Nagpaalam ka ba sa mga magulang mo na gagabihin ka?"
I licked my lower lip as I tried to comprehend his question.
"Is that even necessary?"tanong ko kaya namilog ang mga mata niya.
"Oo naman"
"It's unnecessary for me"umiwas ako ng tingin nang biglang kumunot ang noo niya.
Hindi ko alam kung ano ang mga tumatakbo sa isip niya and what's with his question? Bakit? Do I still need some approval from my parents? Malaki na ako and in fact, they don't even care if I went home already o hindi pa.
"Bakit mo naitanong?"
Kumunot ang noo niya at muling ngumuso na para bang nag-iisip siya o ano.
"Wala lang"
Napatango ako.
"Ikaw ba? Did your parents ever showed up that day?"
Napakurap-kurap siya sa tanong ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.
"I was just wondering if your parents are taking care of you. Base kasi sa itsura mo, you are used to be alone, to be away from everyone. May trust issues ka ba sa mga tao?"kuryusong tanong ko. I saw how his arms slowly unclasped from being crossed. Napalunok naman ako nang maramdamang hindi niya yata ini-expect o nagustuhan ang naging tanong ko.
"You can--
I was trailed off when our meal was served. Mabilis namang tumulong si Chester sa waitres para ilagay ang mga side dishes sa mesa habang ang babae ay abala sa paglalagay ng iba't-ibang klase ng meat. Seryoso naman ako habang pinagmamasdan siya sa ginagawa. Kumuha agad ako ng chopsticks na gagamitin namin. I placed the other one to Chester. Abala naman na siya ngayon sa pag-grill ng mga meat habang ang waitres naman ay nilapag na ang drinks bago umalis. Bumagsak ang tingin ko sa kanin na nilagay ni Chester sa harap ko. Nag-angat ako sa kanya ng tingin pero hindi na sa akin ang atensyon niya.
Napasinghap naman ako bago siya tinulungan sa pagg-grill.
"Ako na. Kumain ka na"aniya at nilagyan ako ng naunang naluto na meat sa ibabaw ng rice ko.
Umiling naman ako.
"Sabay na tayo"untag ko naman kaya muli siyang umapela.
"Kakain naman ako habang ginagawa 'to"giit niya.
"Edi kakain lang din ako kapag kumain ka na"giit ko naman kaya natigilan siya para tignan ako.
"Bakit?"paghahamon ko.
Umiling lang siya.
We bickered the whole time. Panay pa ang puna niya sa akin dahil hindi ko raw nagagalaw ang mga meat na nilalagay niya sa bowl ko kaya nakipagbangayan naman ako na hindi nga ako kumakain ng kanin.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...