Kabanata 37

8 1 0
                                    

"Why are you here?"napakagat ako ng labi dahil sa bungad ni Chester. Magkaharap kaming dalawa kaya mahirap para sa aking itago ang ekspresyon ko. Pero kahit ganoon, I gathered all my courage to face everything. Ito na rin siguro ang tamang panahon para sa kaliwanagan. I thought before, mapupunan na lahat ng mga kaisipan ko. Buong akala ko, malalaman ko na ang lahat, mapupunan ang mga puwang ng kahapon at maliliwanagan pero hindi pa pala. Mas may malalim pa palang mga pangyayari ang hindi ko pa nalalaman.

"I went here to visit Lola"untag ko kaya bigla ko siyang nakitaan nang pagkagulat  pero sandali lang iyon dahil napalitan na agad iyon ng panlalamig.

I saw him clenched his jaw. Bakas sa kanyang itsura na parang nasasaktan parin siya at hindi parin niya tanggap ang kung ano man ang nangyari kay Lola. Hindi pa nakakatulong ang malamig na simoy ng hangin. Nandito kami sa labas ng bahay. Sa kanilang balkonahe. Tahimik ang gabi rito sa kanilang lugar maliban lang sa huni mga insekto at lagatik ng mga puno.

Napatango siya. "Hinanap ka niya..."natigilan siya kaya nakaramdam ako nang pamumuo ng aking mga luha. Sumikip ang dibdib ko at parang may bukol sa aking lalamunan.

Napasinghap siya kaya napatango lang ako. Naiintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin kaya nasasaktan ako para roon.

Nasasaktan ako sa kaisipang kahit ganoon na ang nangyari sa aming dalawa, kung may alam man siya o kung alam man niya ang nangyari sa aming dalawa ni Chester, alam kong isa siya sa mga nasaktan. May kasalanan din ako sa hiwalayan namin. Kasalanan ko rin dahil hindi ko manlang siya pinuntahan bago pa ako umalis ng bansa. Sa lahat ng mga kabutihang pinakita niya sa akin at pinadama, hindi ko manlang nasuklian iyon kahit sa huling sandali niya.

"Inatake siya sa puso, sanhi ng pagkamatay niya. Pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi sayo---

Umiling ako. Tumutulo na ang mga luha sa aking pisnge. Pinalis ko naman iyon at umiwas pa muna ng tingin sa kanya dahil ayokong ipakita sa kanya iyon. Dahil alam naming dalawa na ayaw ni Lola na umiyak kami sa kahit anong bagay.

"I understand you. Naiintindihan ko ang desisyon mo. I was away that time at-- at wala na rin naman tayo kaya bakit pa diba?"untag ko sa kanya.

Umiling lang siya.

"Yes, you were away pero dapat gumawa ako ng paraan para ipaalam sayo ang lahat dahil karapatan mo rin naman iyon. Apo na ang turing sayo ni Lola. Mahal na mahal ka niya at walang araw na hindi ka niya hinahanap"

Parang gripo na ang mga luha ko ngayon. Kahit anong pigil amg ginagawa ko, hindi parin nauubos ang pag-agos nito. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko, bumalik na naman ako sa araw kung saan iniwan ako ni Chester. Pero ang pinagkaiba lang ngayon, dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko talaga ini-expect na ganito kasakit ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Naramdaman ko na iyon noon kay Chester. Noong naghiwalay kami, pero mas iba ngayon dahil sa kaisipang habang-buhay na siyang wala at hindi mo na ulit siya makikita, makakasama, mararamdaman, maririnig, malalapitan, at mayayakap. Kaya mas lalo siguro akong nasasaktan ngayon dahil may katumbas na konsensya. Dahil kahit sa huling hininga niya, nagawa niya parin akong isipin at hanapin.

Mas lalo lang akong humagolgol nang hinila ako ni Chester para mayakap. Mas lalo tuloy akong nasaktan. Kahit alam ko sa loob kong may parte sa akin na nakaramdam nang kaginhawaan sa mga bisig niya.

Kahit sobrang hina ko na dahil sa kakaiyak, nagawa ko parin siyang hampasin sa dibdib.

"Kung hindi pa sa akin sinabi ni Trina, hindi ko pa malalaman. Why didn't you call me? Bakit hindi mo ako sinubukang hanapin? Chester!"galit ako sa kanya.

"I'm sorry..."

"I'm so sorry"bulong niya sa akin sa kalagitnaan ng pagtangis ko.

"Mas lalo mo lang pinatunayan na sobrang sama kong tao. You didn't tell me! Dapat kasama mo ako sa mga panahong iyon! I should have been there....with you!"sinapak ko siya sa dibdib nang sobrang lakas kahit alam ko sa sarili kong hinang-hina na ako sa lahat.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon