Mabilis akong nag-iwas ng tingin pagkatapos nang isang matagal na pakikipagtitigan. This was I think the longest eye contact we had with each other.
Napasinghap ako nang naramdamang naglakad siya patungo sa akin. I wipe away the tears I shed while I was running away from everyone and coincidentally bumped into him. Ayokong pati siya, sa lahat ng mga kinaiisan ko, makikita akong hinang-hina at wasak na wasak.
Napalunok ako nang naramdamang malapit na siya. He walked slowly like the usual pero ngayon, mas maingat, tinimbang at mas dahan-dahan. Para bang nakikisimpatya sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Ganoon ang buong akala ko, but then it all crashed when he slowly passed through me. Nilagpasan niya lang ako. Ni hindi manlang tumigil o tumingin kahit isang saglit. Though I am not even expecting him to glance at me. Maybe not. Gaya nga kung paano magsalita ang mga tao sa paligid ko, maybe the issue that spread like a wildfire got to him. Maybe he's happy because I am slowly loosing my confidence and my image is also ruin. Not that it's not yet kasi dati pa naman, sirang-sira na ang imahe ko sa lahat.
I gritted my teeth. Napatabon ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko. Gustong-gusto kong magwala. I wanted to run back at the office. Gusto kong manatili hanggang matapos sila sa pinag-uusapan at sa desisyon nila. I know, Miss Jackie will never let me down. Ang hirap lang kasi talagang tanggapin na nakaya nila akong abandonahin. Pagkatapos ng lahat, alam ko namang ginawa ko ang lahat para sa school but I guess it's not really about the achievments, the honor and glory, it's about the image and conduct.
I don't believe in explanation because it's too morbid. Pero gaya nga ng sabi ng iba, action trully speaks louder than words.
"What a shame!"mas nauna pang nakauwi si Mommy kesa sa akin. Padabog niyang tinapon ang hawak na mamahaling bag sa sahig bago ako nilapitan para sampalin.
Napayuko ako pagkatapos ng isang malakas na sampal. Mabilis na umalis ang mga kasambahay. My sisters stayed while watching us.
Napasapo ng noo si Mama.
"I told you to stop already! My god, Venice!"iritadong untag niya pa.
Her eyes are screaming rage and anger right now.
Tinuro niya ako.
"If you are doing this to rebel against us, you won't have your way. I will never let you out for abroad"
Napatingina ko sa kanya. Bakas sa kanyang mga mata na tapos na ang lahat ng pagtitimpi.
"I can't handle you anymore! Mas lalo kang tumigas simula noong dumating ka rito. I will have you homeschooled"
Napailing ako. After they sent me here as a punishment, they will lock me up inside this hell. Ang pagpunta pa nga lang rito ay impyerno na, what more kung ikukulong pa ako.
"Hindi dahil doon, Mommy. Ganito ako dahil sayo. Dahil sa pagtrato niyo sa akin. Kung bakit ibang-iba sa akin at sa mga kapatid ko"nanginig ang bibig ko. Mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko.
"How ungrateful! Huwag na huwag mong ibalik ang sisi sa akin dahil sa totoo lang, wala ka naman dapat dito. I just let Alfred take you even though I am against it in the first place. Akala mo ikaw lang ang nagtitiis? I can't even stay in my own house just because of you!"
Malalim akong napabuntong-hinga.
"I know I am adopted, pero ang araw-araw niyong pagpaparamdam sa akin niyon"napailing ako. Pinalis ko ang mga luha sa aking pisnge.
Taas-baba ang balikat ni Mommy dahil sa pagsigaw niya.
"What else do you expect from me? After I decide to take you here? Shelter you! Clothe you and educate you! Sa tingin ko nga, you don't even deserve all of this! This comfortable life"singhal niya. Napapikit ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...