Hawak ni Chester ang kamay ko nang bumaba kami para dumeretso sa dinning. Ramdam ko naman ang tinginan nina Manang Lydia at Lourdes nang papasok na kami. Halos natigilan naman si Ching nang namataan ang pagdating namin.
"Miss Venice"deklara nito kaya napalingon sa amin si Leilana na nakaupo lang. Nakahain na ang mga pagkain sa harap niya pero hindi parin siya nakakapagsimula. Mabilis siyang tumayo para igiya akong makaupo na.
"Akala ko hindi ka kakain"nagngising-aso ito sabay sulyap kay Chester na nanatiling nakatayo. Pinaghila niya ako ng upuan. Makahulugan ko naman siyang tinignan.
"I can do it"giit ko sa mababang boses. Rinig ko ang pagsinghap ni Leilana sa gilid ko. Tahimik akong naupo habang pinagmamasdan si Chester na naglakad para makaupo na rin sa tapat ko. Nilagyan ni Ching ang baso ko ng juice. Inabot naman sa akin ni Chester ang kanin kaya napatikhim ako bago ko iyon kinuha mula sa kanya.
"Welcome Leilana. I'm sorry, I didn't get to entertain you earlier"puna ni Chester kaya nilingon ko ang kaibigang medyo nakahinga na ng malalim dahil alam niyang wala ng tensyon sa pagitan namin ni Chester.
Ngumisi ito.
"Nagtatampo na nga ako eh! Unang araw ko ba naman dito tapos hindi mo manlang ako pinansin"napanguso ang kaibigan kaya siniko ko siya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi.
Tumango si Chester. Mukhang natawa rin sa sinabi ni Leilana.
"There's some things that need to be..... solved"naramdaman ko ang pag-angat ng tingin ni Chester sa akin. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. "But everything's fine now"dagdag pa nito.
"Oo nga rin. Mabuti naman at naayos niyo, hindi ba?"alam kong para sa akin iyon pero tulad nang madalas kong ginagawa, binalewala ko lang iyon.
"At isa pa, masyado ka yatang hands-on sa project na binigay ni Tita Amanda? May engineer ba roon? Gwapo?"she giggled at her own question.
Napataas lang ang kilay ko nang nagtama ang tingin namin ni Chester sa isa't-isa. He clenched his jaw a bit. Kitang-kita ko ang pagseryoso niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Of course. Engineer Iñigo"may bahid ng iritasyon sa tono ng boses niya nang sinabi iyon. Napakunot ang noo ko nang mas lalo lang humagikgik si Leilana. Hindi napansin ang pagkakasabi ni Chester niyon o ako lang talaga itong masyadong nag-iisip ng kung ano?
Napaawang ang baba ni Leilana.
"Pangalan palang parang gusto ko na siyang makilala. May girlfriend---
Siniko ko siya kaya natigilan sa pagtatanong. Matalim ko siyang tinignan nang nilingon niya ako.
"Bakit?"pinagtaasan niya ako ng kilay.
Napailing lang ako dahil alam ko na naman ang binabalak niya.
"They're here to work, Lei"giit ko pero inirapan niya lang ako.
"Bakit? Hindi ba nila alam ang salitang multitasking?"ngumisi ito at muli akong inirapan.
I gritted my teeth. Kahit siguro anong sabihin ko ngayon sa babaeng ito, hinding-hindi makikinig kaya napairap lang din ako sa kawalan.
Nagpatuloy ako sa pagkain samantalang abala naman si Leilana sa pagtatanong tungkol kay Engineer. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa naman si Chester habang pinupunan ang mga katanungan ng isa. Irap lamang ang ginawa ko buong hapunan. Nang natapos, nag-aya pa si Leilana na tumambay sa labas kaya umakyat muna ako sa kwarto para kumuha ng cardigan.
Halos napatalon pa sa gulat nang tumambad si Chester sa harap ng pintuan ko. Nakitaan ko ng multo ng ngiti ang kanyang labi dahil sa naging reaksyon ko. Mas lalo lang akong nagulat nang hinapit niya ang beywang ko at hinigit palapit sa kanya. Halos nanigas naman ang buong katawan ko dahil sa mahigpit niyang pagyakap sa akin. He then rested his face on my shoulder. Buong pwersa ko siyang tinulak pero masyado siyang malakas kaya hindi natinag.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...