We stayed there for two days. Halos natapos namin lahat ng mga Disney movies.
"Do you want us to live here for a while after the wedding?"nilingon ko si Chester habang inaayos ko ang mga plato sa table. Hawak niya sa dalawang kamay ang kanin at ang ulam na niluto niya. He's wearing his white button down longsleeves. He has a meeting with a client later. Mag-aalmusal lang kami pagkatapos ay uuwi rin kami.
Inosente ko siyang sinulyapan. Umayos ako sa pagtayo at hinarap siya.
"Why? The space is too small for us"puna ko.
"Ayaw mo ba nun? It's easier for us to see each other"pinagtaasan niya ako ng kilay.
Sanay na ako sa mga ganyan niya. Kahit noon pa naman, sobrang clingy niya na while in my defense, I am not that affectionate.
Binaba niya ang hawak niya at inabot ang dalawang kamay ko. He licked his lower lip while looking at me. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil doon.
"You don't like it?"malambing niyang tanong kaya mabilis akong napailing. "Where do you want us to stay then?"
I purse my lips while thinking. Habang nangangapa naman ako ng mga salita, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang marahang paninitig niya sa akin.
Kumibit-balikat ako bago umiwas ng tingin.
"I don't know! Wherever you are is my home"I smiled at him sweetly. He smiled a bit before tucking some strands of my hair behind my ear.
"I can't wait to spend my everyday with you"he said softly before giving me a quick peck on my lips. Uminit naman ang pisnge ko dahil doon. It made me blush like hell. We chuckles together and he gently pull me closer to him for a warm hug.
Naupo na kami pagkatapos at sabay na kumain. As usual, natagalan na naman kami sa pagkain dahil sobrang dami naming pinag-usapan. Hinintay niya lang ako sa pagbihis hanggang sa sabay kaming lumabas. We were laughing together because he said a random joke. Nakaakbay sa akin habang hinihila niya ang door knob para maisarado ang condo ko. Nagulat pa ako nang tumambad si Carys sa harapan namin. Gulat na gulat din siya nang makita kaming dalawa ni Chester. Namilog ang mga mata nito at halos hindi pa alam ang gagawin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Walang pinagbago, only her body with some curves. Kulot ang buhok at nakasuot na ng salamin. Nakita ko rin kung paano bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak. She's searching for something and when she saw my ring, nakita ko kung paano siya napalunok.
"V-enice.."she stuttered. Nagtiim-bagang lang ako habang seryoso siyang tinignan.
Sinulyapan ako ni Chester at biglang nagpaalam na mauuna lang siyang bababa para maihanda ang kotse kaya tipid lang akong napatango.
"Engineer.."puna ni Carys at tinanguan din si Chester nang nagpaalam na ito. Napasinghap lang si Chester bago siya tinanguan at tuluyan na kaming tinalikuran.
Inayos ko naman ang suot na bag at humalukipkip sa harapan niya. Umiwas siya sa akin ng tingin at mukhang kinakabahan pa. This is our first meeting after so many years. At ito rin ang unang beses na muli kaming nagkausap pagkatapos nila akong pagkaisahan at traydorin.
"What are the chances of seeing you here"makahulugang untag ko sa kanya kaya napalunok siya. Nag-angat siya sa akin ng tingin. Nakitaan ko ng takot at pagsisisi ang kanyang mga mata pero imbes na magsimpatya sa kanya, masama ko lang siyang tinignan.
"Can we talk--
Mabilis akong umiling. I gritted my teeth. Nakataas ang isang kilay ko habang deretso siyang tinitignan.
I know, I look like a predator waiting for her prey.
"I don't think I have the time for it. And what do you mean talk?"I emphasize the word she used. Umismid ako para ipakita sa kanyang pinandidirihan ko ang ideyang iyon. "What I know is enough for me to believe that despite everything I've done for you, nagawa mo parin sa akin iyon"hindi ko ito sinasabi sa kanya para singilin siya sa mga ginawa ko o hindi kaya'y ipamukha sa kanya ang mga ginawa ko. Kusang loob ko namang ginawa iyon lahat believing that they also consider me as their friend pero nagkamali ako roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/195497761-288-k945913.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...